Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Pang-lima.

499 24 8
                                        

Pang-lima.

Kung tutuusin nagmumukha na akong desperada sa ginagawa ko, sumali ako sa mga facebook group na connected sa university na pinapasukan natin may group doon na puro freshmen lang, binuksan ko agad ang group na iyon at naramdaman ko na lang ang unti-unting paglakas nang kabog ng dibdib ko hindi ko mapigilan na hindi mapangiti dahil alam ko may pag-asa akong makita ang facebook mo. Inisa-isa ko ang mga miyembro ng facebook group na iyon, halos mahigit isang libo ang miyembro na nandoon ngunit nagtiyaga akong isa-isahin sila at tignan ang mga litrato, lumipas ang ilang minuto napapawi ang ngiti sa labi ko at parang naninikip ang aking dibdib dahil nawawalan ako ng pag-asang makita ang facebook mo. Pero hindi pa rin ako sumuko dahil nararamdaman ko na mahahanap ko rin iyon.

Lumipas ang ilang segundo at minuto muling bumilis ang tibok ng puso ko, unti-unting umangat ang magkabilang dulo ng labi ko parang mapupunit na ang mukha ko sa sobrang lawak ng aking ngiti hindi ako makapaniwala sa bumungad na facebook na nasa harap ko.

Sa wakas, nakita ko na ang facebook account mo.

Napatitig ako sa litrato mo, walang pinagkaiba ang mukha mo sa personal nakapagpapabilis pa rin nang tibok ng puso ko, nakapagpalawak pa rin ng mga ngiti sa labi ko... Lalo tuloy akong umaasa na sana mapansin mo.

Napailing na lang ako sa sarili ko, kusang naglaho ng parang bula ang ngiti ko ewan, ang gulo ko. Sa tuwing naaalala ko ang presensya mo napapangiti ako pero parang bigla na lang akong magigising sa pantasya ko na kahit kailan hanggang tingin lang ako sa'yo... Kahit kailan hindi mo mapapansin ang tulad ko.

Hindi ko magawang i-add ka sa facebook dahil nahihiya ako, alam kong wala dapat akong ikahiya pero hindi ko maiwasan. Siguro darating iyong tamang panahon na magkakaroon ako nang lakas ng loob pagdating sa'yo. Hindi iyong laging nanghihina ako, hindi iyong laging bumibilis ang tibok ng puso ko at hindi iyong laging napapangiti ako kapag naiisip kita.

Grabe... Ibang klase ka talaga sa lahat minsan hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, hindi ko mawari kung anong gustong iparating ng puso ko sa'yo.

May mga bagay o nararamdaman talagang ang hirap isalin sa isang salita.

Pakiramdam ko mababaliw na yata ako sa'yo, ngayon ko lang ginawa ito sa buong buhay ko... Ngayon lang ako nag-effort ng ganito. Pero ang saya sa pakiramdam dahil sa wakas alam ko na rin ang pangalan mo...

Rhyen Tristan Mirano.

Sana Mapansin MoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon