Pang-apat.
Sa tuwing iniisip kita kinikilig na ako pero bigla ko na lang mararamdaman ang takot sa puso ko, hindi ko alam kung hanggang saan ba ito mapupunta ang nararamdaman ko sa'yo. Natatakot ako na baka balang araw o baka bukas pagkagising ko bigla ko na lang maramdaman na mahal na pala kita. Natatakot ako, kasi alam ko sa bandang huli ako ang masasaktan. Alam mo bang sa lahat ng naging crush ko sa'yo lang ako nagkaganito? Sa tagal ko na rito sa mundo ngayon ko lang naramdaman ang ganito, hindi pamilyar ang pakiramdam na ito kaya nakakapanibago.
Sa totoo lang pinipilit kong iwasan na umasang makasalubong kita sa loob ng campus, pinipilit kong hindi ka isipin habang naglelecture ang mga prof, pinipilit kong hindi lumipad ang isip ko papunta sayo, pinipilit kong hindi mapangiti kapag naiimagine ko ang mukha mo, pinipilit kong huwag mag-imagine ng mga bagay-bagay na imposibleng mangyari. Pinipilit ko, pero hindi ko kaya. Hindi ko magawa...
Ibang-iba ka talaga, hindi ko alam kung anong mayroon sa'yo at ganito na lang ako kung mabaliw sa buo mong pagkatao. Kahit na hindi ko pa alam ang ugali mo, kahit na hindi ko pa kilala ang buo mong pagkatao. Pero ang nararamdaman ng puso ko parang matagal ka ng kilala. Sa bawat pagtibok nito pangalan mo lang ang isinisigaw niya, korny pero totoo.
Oo nga pala, may ipagtatapat ako sa'yo.
Sa tinagal-tagal ng pagkacrush ko sa'yo.
Hindi ko pa pala alam ang pangalan mo.

BINABASA MO ANG
Sana Mapansin Mo
Teen FictionGusto ko lang naman mapansin mo para malaman mong nandito lang ako sa malayo, laging nakatingin sa'yo, pinagmamasdan ka, at nangangarap na mapapansin mo. Nandito lang ako sa malayo, handang saluhin ka kung sakaling hindi ka magustuhan o mahalin ng t...