Una.

1K 39 12
                                    

Una.

Unang beses kitang nakilala noong nalate akong pumasok ng P.E class, naalala mo pa ba? Ikaw iyong kasama ko---mali pala dahil ikaw kasi iyong nakasabay kong maglakad papuntang gym noon.

Unang kita ko sayo kinilig na agad ako. Ang weird diba? Unang pagkikita ko pa lang sa'yo naramdaman ko na agad iyong kilig. Ewan ko ba, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Unang beses kitang nakita napansin na agad kita. Naglalakad tayo noon, akala ko kung sino lang ang nasa likod ko kaya agad-agad kong nilingunan... Isa. Dalawa. Tatlo... Tatlong segundo akong napatingin sa'yo sabay iwas ng tingin at lakad ulit. Napansin mo kaya akong napatitig sa'yo ng tatlong segundo? Napansin mo kaya ako?

Ikaw iyong lalaki na tipong simple lang tignan, simple kung pumorma at simple kung maglakad. Hindi maangas tignan tulad ng iba, hindi mukhang gangster, hindi mukhang jejemon at dahil sa pagiging simple mo kaya kita nagustuhan. Hindi sobrang taas-taas ang buhok mo at hindi sobrang maputi ang mukha mo. Sa nakikita ko, ang ibang lalaki ngayon ay sobrang taas-taas ang buhok tapos sobrang puti pa ng mukha dinaig pa ako. Ang cool mo, pero nasungitan ako sa'yo dahil sa kilay mong medyo makapal at ang korte parang nakataray. Ang astig! Sana ganyan din ang kilay ko... Nakadadagdag appeal sa'yo, kaya ang pogi mo sa paningin ko.

Minsan iniisip ko kapag nasa jeep ako habang nakatingin sa bintana at lumilipad ang buhok ko, habang may nakasuksok na earphone sa tainga ko kung sinadya ba ng tadhana na malate tayong dalawa at nang magkasabay? Sinadya niya ba iyon para mapansin kita? Sinadya niya bang hindi mag-alarm ang cellphone ko para malate? Sinadya niya bang malate ka rin? Sinadya niya ba iyon? Tadhana na ba ang gumawa ng paraan? Kung siya talaga ang gumawa ng paraan para makilala kita, salamat sa'yo tadhana... Pero, kailan naman kaya siya gagawa ng paraan para mapansin mo ako? Kailan kaya niya ulit hindi i-aalarm ang cellphone ko? Kailan kaya ulit na malelate tayong dalawa? Kailan kaya ulit mangyayari na makasasabay kita?

Kailan kaya?

Sa tingin ko kasi iyon na ang una't-huling beses tayong magkasasabay. Medyo nakakainis nga ang oras noon dahil hindi ko namalayan na nasa gym na pala tayo at nakakainis ang bawat segundo. Kung kailan gusto kong mabagal ang oras saka naman bibilis, kung kailan namang gusto kong mabilis ang oras saka naman babagal. Nakakaasar, nakakainis at nakakaewan. Ganyan naman siguro talaga ang panahon... Kung ikaw nga sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala kita sa hindi inaasahang lugar.

Buong oras ng P.E class natin nakatitig lang ako sa'yo at patingin-tingin sa pila niyo. Kung minsan nahuhuli kong nakatingin ka rin sa akin. Ako ba talaga ang tinitignan mo? O ambisyosa lang ako?

Noong araw niyon napansin mo ako? Napansin mo kayang magkasabay tayong pumuntang gym? Napansin mo kaya ang presensya ko? Napansin mo kaya ang isang tulad ko? Napansin mo kaya?

Sana mapansin mo. Sana....

Sana Mapansin MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon