Processing......
3 seconds pass
6...
8........
10...... second bago nya alisin ang labi nya sa labi ko.
Loading..........
Loading..............
Loading.......
hindi ko alam kung matutuwa ako sa nangyari yumoko na lang ako. Paniguradong namumula na yung buong mukha ko hindi dahil sa sobrang galit kundi dahil sa kinikilig ako at the same time nahihiya. Well medyo may inis na rin pala dahil sabi ko dati sa taong mahal ko lang ibibigay yung first kiss ko. Eh hindi ko naman mahal si boss crush lang. Dapat ngayon binugbog ko na sya dahil sa ginawa nya gusto kong gawin yun kaso hindi ako makakuha ng lakas na gawin yun.
Hanggang ngayon malapit parin kami sa isa't-isa.
Hindi ko na kayang tingnan sya ngayon. Parang anytime soon gusto ko ng mahimatay.
Buti na lang at umayos na sya at umupo sa tabi ko. Hanggang ngayon nakayuko parin ako. Wala pang nagsasalita samin kaya alam kung.
A-W-K-W-A-R-D kami.
Inabot nya naman sakin yung kontratang hinagis ko sa kanya. At kinuha ito.
"Sorry ulit." Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin yung mga katagang yun. Tumingin naman ako sa kanya at saktong nakatingin rin sya sakin kaya nagtama yung mga mata namin. Agad ko namang iniwas at tumingin na lang sa hawak ko.
"Wala ka ng magagawa marian yan na lang ang choices mo." Sa wakas nagsalita rin sya.
"Pwede bang wag ng ganito nangako naman ako sayo na hindi ko sasabihin ang nalalaman ko kahit kanino."
"Hindi pwede yan na lang talaga sa tutuusin dapat matagal nakitang pinatay dahil nalaman mo na ang existence namin naawa lang ako sayo kaya binigyan kita ng chance." Aniya.
Napabuntong hininga na lang ako pangarap ko lang naman simpleng buhay hindi ko naman gusto ang mapunta sa posisyon na toh.
"Sige pumapayag na ako pero pwede mo ba ako pagbigyan sa isang toh." Nasabi ko na lang.
"Good desisyon sige ano yun?"
"Pwede bang umuwi muna ako sa bahay." Sana pumayag sya.
"Kukunin ko na rin ang mga gamit ko dun." Dagdag ko.
Tumingin naman ako sa kanya at mukhang iniisip pa kung ano ang magiging sagot nya.
"Sige pumapayag ako pero sasamahan kita."
Ay. Noh ba yan.
"Huh hindi kahit ako na lang baka may importante ka pang gawin."
"Sasamahan kita o hindi ka na aalis?"
Ayan na naman sya. Ang hilig nya talaga akong papiliin pero sa huli sya pa rin ang masusunod.
"Ok sumama ka na."
"Good." At tumayo na sya papuntang pintuan.
"Kumsin muna tayo bago umalis alam kung kailangan mo ng energy for this day." Sabi nya kaya tumayo na ako habang hawak ko pa rin yung kontrata at pumunta sa kinaroroonan nya nasa harapan na nya ako at bigla naman nyang hinapit ang bewang ko palapit sa kanya.
Nagulat naman ako sa ginawa nya ito na naman kami malapit na naman sa isa't-isa literally.
"Teka sir." Yan na lang ang nasabi ko hindi ako sanay sa ganito. Wala pang lalakeng nakakalapit sakin ng ganito.

BINABASA MO ANG
My Vampire Love
RomanceMarian Angeles Maganda, ilagay na rin natin ang Matapang, but the thing is may nangyaring hindi naman nya gustong masaksihan na dapat talaga hindi nya makita sad too say nakita nya ang sekreto ng kanyang Boss/Crush nya na si Gabriel Timothy Monteneg...