Chapter 8 : The Contract

74 2 0
                                    

Nasa byahe na kami papunta  sa mansion nya. Ready na ba talaga ako dito? Masyadong mabilis ang lahat 1 linggo pa lang.

"Where here." Tumingin naman ako sa labas ngayon ko lang nakita yung harap nang bahay nya ang laki talaga.

"Teka ikaw lang ba ang mag-isang nakatira dyan."

"Oo." Geez kung ako lang magisa dyan siguradong na bored na ako dahil sa walang kausap.

"Hindi ka ba nalulungkot? Diba may pamilya ka naman?"

"Malayo ako sa kanila, wag kang magalala magkikita kayo, dahil ipapakilala kita sa kanila dahil pakakasalan na kita." Sabi nya.

Kinabahan naman ako sa sinabi nya, baka hindi ako magustuhan nun.

"If I have a choice ayaw na kitang ipakilala sa kanila dahil paniguradong may gagawin sila." Inis nyang sabi.

"Edi wag mo na ako ipakilala kung ganun."

"Sana lang ganun kadali yun, sana pagnakausap mo sila walang magbago." Nagtaka naman ako.

"Huh bakit sasaktan ba nila ako?" Oh.My.God. baka torturin nila ako dun. Napalunok naman ako ng laway. Hindi ko pa nga sila nakikita kinakabahan na ako.

"No hindi sa ganun, I mean  ang hirap iexplain."

"Ano ba kasing gagawin nila?"

"Sa bahay na lang natin pag-usapan." Pagkasabi nya nun ay lumabas na sya, pinagbuksan naman nya ako ng pintuan. Kinuha naman nya yung bag ko at dinala ito. Dito na talaga ako titira pagpasok ko naman napansin kung walang mga tao. Nasaan na yung mga maid nya?

"Nasaan yung mga tao dito?"

"Day off." Ohh kaya pala.

"So ibig sabihin tayong dalawa lang dito?"

Tumango naman sya bilang sagot.

"Dalhin nakita sa kwarto mo." Aniya. At sumunod naman ako.

Binuksan naman nya yung pinto wow.

"Nasa kabilang room lang ako." Aniya at nilagay ang gamit ko.

"Ayusin mo muna yung mga gamit mo, kakatok na lang ako pagkakain na ng lunch." At lumabas na sya nang kwarto. Pumunta naman ako sa may kurtina at binuksan ito. Ang ganda ng garden. At inayos ko ang mga damit ko. Maliligo na nga muna ako ang init kaya nang panahon ngayon.
Nagshort na lang ako at t-shirt. Narinig ko namang kumatok sya naglakad naman ako papunta dun habang nagsusuklay. At binuksan ito.

Napadako naman ang mata nya sa legs ko kaya binatukan ko sya.

"Para san yun."aniya.

"Eh tinitingnan mo yung legs ko eh!!"

"Hindi ah." Tangi nya

Tsk halata naman nagdideny pa.

Tumalikod ako sa kanya para isarado ang pinto.

"Tara na." At hinapit naman nya ako sa kanya, nahawakan ko tuloy ang matigas nyang dibdib. At naglakad na kami. Nasa dinning na kami nang...

"Teka nga diba tayong dalawa lang dito pano ka natutung magluto? Eh hindi ka naman kumakain." Takang tanong ko sa kanya sya rin yung nagluto sa bahay eh.

"Kumakain rin naman ako, ginagaya ko yung nasa internet." Ahh kaya pala.

"Pagtapos nating kumain itutour kita sa bahay." At kumain na kami.

"Ako na ang maghuhugas ikaw na yung nagluto eh." Presenta ko. Hindi naman na sya tumutol. Nasa gilid ko lang sya at tinitingnan ako.

"Hoy diba bampira ka? Bakit nakikita ka sa salamin." Tanong ko, yun kasi ang nangyari kahapon nung sumakay kami sa elevator nakikita ko sya, diba hindi ganun yung mga vampire.

My Vampire LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon