Bumaba na kami ng sasakyan at nasa harapan kami ngayon ng simabahan.
"Anong ginagawa natin dito?" Nakapagtataka at nagpunta kami rito imbes na uuwi na kami.
Tumakbo naman sya at iniwan nalang ako di ko naman sya nahabol dahil sa bilis nyang tumakbo, kaya naman sumandal na lang ako sa kotse at hihintayin sya.
Mga ilang minuto rin ang tinagal ko nang biglang may nagsalita. Di ko naman kilala at malay ko bang di ako talaga ang kinakausap nya baka mapahiya pa ako.
"Miss!" Sabi nya ulit at ako nga siguro yun dahil nilapitan nya ako.
"Bakit?"
"Eh pinapatawag po kayo ni Sir Gab sakin, sumunod na lang daw po kayo." Sumama na lang ako malay ko ba sa pakulo ng lalaking yun.
Hindi pa man kami nakakalayo ng bigla ulit na may tumawag.
"Marian!" Sigaw sakin ni Alison.
Ano ba talagang trip ng mga tao ngayon at bakit nandito si Alison?
"Uy anong ginaga-- di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng hilahin ako ng malakas nung lalaking kausap ko lang
"anong trip mo kuya!" ang sakit kaya nang hawaj nya sa braso ko.
Nagulat na lang ako ng nasa harapan ko na kaagad si Alison. May ibang nangyayari ngayon.
"Ano bang nangyayari!" Sigaw ko kay Alison na busy sa pakikipaglaban sa lalaki, pero di naman ako sinagot nito kaya naman pupunta na lang ako sa simbahan para makahingi nang tulong.
"At san mo balak pumunta." Narinig kung boses ng isang babae sa likod ko.
"Sa simbahan hihingi ako ng tulong. Malamang!" Naramdaman ko na lang na nakalutang ako.
"Anak ng tokwa!" Sigaw ko. Bakit kung kailan may nangyayaring masama walang mga tao.
"Marian!" Sigaw ni Martin sa malayo.
"Uy tulong!!"
Papunta na sya samin ng may biglang humarang sa kanya. Kaasar ano bang nangyayari. Acting lang ba 'to.
"Walang makakatulong sayo ngayon." Sabi sakin nung babae.
"Wala naman akong atraso sayo huh, kung meron man sorry." Naloloka na ako dito. Nasaan ba si Gab.
"Wag kang magalala wala kang kasalanan sakin." At naramdaman ko na lang na nasa baba na ako.
"Sino ang nagpadala sayo." Tanong ni Allison. Duguan sya it means..
"Oh dear di mo na kailangan malaman none of your business." Agad na humarang si Allison sa harapan ko ng akmang kukunin ako nung babae.
"Marika anong balak mo at alam mong hindi mo sya pwedeng hawakan." Nakangising asar ni Allison. Marika pala name nya.
"Hmm sa tingin mo ba may pakialam ako sa bagay na yan." Sabi rin nitong nangangsar.
"Ano ba talagang nangyayari!" Tanong ko ulit pero wala namang nagsalita sa kanila.
"Tapusin na natin 'to." At walang anu-ano everything went black.
"That was great Marika. Pinahanga mo na naman ako."
Minulat ko kaagad ang mata ko at tumingin sa paligid.
Puro itim at pula ang nakikita ko. Sinubukan kong gumalaw pero naramdaman ko ring may nakatali sa akin.
"Gising ka na rin." Masayang sabi ni Marika. Sinusubukan kung kalagan ang sarili ko pero masyadong mahigpit ang pagkakatali sa akin.
"Ano ba talagang pakay nyo." Nagkatinginan muna silang dalawa bago sumagot sakin.

BINABASA MO ANG
My Vampire Love
RomanceMarian Angeles Maganda, ilagay na rin natin ang Matapang, but the thing is may nangyaring hindi naman nya gustong masaksihan na dapat talaga hindi nya makita sad too say nakita nya ang sekreto ng kanyang Boss/Crush nya na si Gabriel Timothy Monteneg...