Chapter 19 : Fin?

51 2 0
                                    

"Ok ka lang? Marian?" Tanong sakin ni Jacob.

Tumango lang namam ako.

"Mukha ba akong di ok?"

"Real talk. Oo mukha kang nakadrugs." Kaya naman malakas ko syang hinampas.

"Siraulo ka." Aniya at hinampas din ako.

"Ay bakla ka ba nanakit ka ng babae!"

"Ginantihan lang kita. Gaano ka ba kasi katagal dito sa Italy."

"Malay ko tsaka. Ayoko ng umuwi sa pilipinas."

"Eh paano yung boylet mo." 

Wala naman akong masagot.

Isang buwan na ako dito sa Italy. Salamat sa mga kaibigan ko na kuhaan ako ng ticket. Nagtataka nga sila kung bakit biglaan ang sagot ko pero hindi ko na sila nabigyan ng sagot.

"Tinatanong na sakin ni Ate Tin. Kaya sagutin mo na yung mga tawag nila." Aniya.

"Alam mo kahit matanda ako sayo ng isang taon. Mas matured ka pa sakin."

"Independent na akong namumuhay Marian kaya kailangan ko talaga maging matured."

Pinalakpakan ko naman sya. "Ang galing galing." Pero sinamaan nya lang ako ng tingin.

"Hay bahala ka na nga. Aalis na ako siguraduhin mong magluto ka."

"Aye aye Captain." At nagsalute pa ako.

Si Jacob ay may resturant dito sa Italy. Nakikila ko sya dahil sa kapatid sya ni Tin pero ang sungit naman nito sa akin. Moody sya for short.

"Eh sabihin mo na kasi Marian."

"Sandra yun nga ang totoo. Iniisip ka na dito na ako tumira narami akong bad memory dyan sa pilipinas."

"Marian naman eh. Ano iwanan."

"Hindi naman sa ganun Sands. Malay mo magbago ang isip ko at bumalik dyan sa pinas."

"Gaga ka sana nga magbago isip mo. Oo nga pala may naghahanap sayo. Martin yung name, sasabihin ko sana kung nasaan ka pero bigla rin namang umalis."

Napalunok naman ako sa binalita nya. "Sandra kung sino man ang naghahanap sakin. Wag na wag nyong sasabihin kung nasaan ako ngayon."

"In one condition sabihin mo ang dahilan kung bakit umalis ka."

"Sandra please hindi mo rin naman maiintidihan kung sasahin ko sayo eh."

"Try me Marian try me." Mukhang pursigido talaga syang makakuha ng sagot.

"Because of Gab---

Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa malakas na pagbukas ng pinto ng kwarto.

Tumingin naman ako kung sino yung nagbukas.

"Marian." Naikuyom ko naman ang kamay ko. Paano nya ako nahanap.

"Salamat sa impormasyong sinabi ng kaibigan mo." Lumabas naman si Jacob na nakangisi sakin.

"Dito ka lang pala nagtatago." Aniya at wala pang segundong hinawakan ako sa leeg at binalibag. Naramdaman ko na ang sakit sa paghagis nya sakin. Inangat naman nya ako at malakas na sinampal.

"Marian. Marian!" Narinig kung tawag ni Sandra pero sinira naman ito ni Marika.

"Ano-- ano nanamang kailangan mo." Mahina kung sabi.

"Wala naman but kahit saan ka pumunta ay mahahanap kita. Hindi lang talaga marunong maghanap ang mga Kuya ko." At binitiwan nya ako. Mariin naman akong pumikit.

My Vampire LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon