"Gising na." Kanina nya pa ako hinahalikan sa pisnge.
"Inaantok pa ako." At tinakpan ko ang mukha ko ng unan.
"Tanghali na hindi ka pa kumakain." Yeah tanghali na pero inaantok pa rin ako 4 na kasi kami nakatulog dahil nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano.
"5 minutes pa."
"No kanina ka pa 5 minutes ng 5 minutes isang oras na tara na kumain ka muna."
"Last 5 minutes na talaga." At natulog ulit ako.
"Marian gising na tapos na yung 5 minutes mo." Gising nya ulit sakin.
Bumangon na ako baka magalit pa sya.
"Good morning." Kinusot ko pa ang mata ko.
"Afternoon na po." At hinalikan nya ako.
"Oh my god." Narinig kong sigaw.
Si allison pala at tinakpan nya pa ang mata nya.
"Kanina pa kayo dito sa kwarto, kaya pala bumaba na kayo sabi ni mommy." At umalis na sya.
Humiga ulit ako tinatamad talaga akong bumangon.
"Matutulog ka na naman." Sabi nya.
"Humiga lang tinatamad talaga akong bumangon ngayon."
"Kumain ka muna tapos matulog ka na ulit." Bumangon naman ako at nilagay na nya yung tray.
"Happy birthday ulit." Sabi ko.
Ngumiti naman sya.
"Susubuan na kita." Hindi naman ako nag protesta na.
At binuka ko na ang bibig ko.
"Masarap?" Ngumunguya ako kaya tumango na lang ako bilang sagot at pinakain nya pa ako.
"Tapos na magtooth brush ka muna tapos matulog ka na." Bumangon naman ako sa kama at ginawa yumg sinabi nya.
"Bakit ba antok na antok ka." Bungad nya pagkalabas ko ng c.r.
"Kulang ako sa tulog."
"Fine matulog ka na." At pinahiga na nya ako.
Nakatulog naman na agad ako.
-----------
Bumangon na ako sa kama dahil narinig ko na ang alarm clock sinet ko para magising ako ng 4 hapon na at bawi ko na ang tulog ko.
Agad naman akong bumangon para maligo na baka nasa labas si gab.
Agad naman akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa sala.
"Good afternoon." Bati ko sa kanila.
Nandun sila allison,vladimir at mommy hindi ko naman alam yung iba kung nasaan.
"Afternoon napagod ka?"
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni vladimir.
"Saan?"
"Sus wag ka na ngang mag dahilan marian sinabi samin ni allison yung ginawa nyo sa kwarto."
"Alin ba yun?" Taka kong sabi.
"Nagmamaang-maagan ka pa marian kanina ginagawa nyo na yung junior nyo." Nilapitan ko naman sya at hinampas sa braso.
"Bwesit ka vladimir mali yung sinabi mo." At hinampas ko pa sya. Narinig ko namang tumatawa si allison at mama.
"Aray oo na mali na eh yun yung sinabi ni allison eh." Aniya tiningnan ko naman si allison at nagpeace sign sya sakin.
Tinigilan ko naman ang pagpalo sa kanya at umupo ulit.

BINABASA MO ANG
My Vampire Love
RomanceMarian Angeles Maganda, ilagay na rin natin ang Matapang, but the thing is may nangyaring hindi naman nya gustong masaksihan na dapat talaga hindi nya makita sad too say nakita nya ang sekreto ng kanyang Boss/Crush nya na si Gabriel Timothy Monteneg...