Chapter 20: Awake

66 3 0
                                    

Di ko alam kung nasaan na ako. Nararamdaman ko na lang ang pagod sa pagtakbo ko.

"Eh sino ba kasi ang engot na yun! Ang laswa ng tingin sakin." Kausap ko sa sarili ko at napahawak sa malaking puno. Hapon na kaya naman medyo madilim na and worst nasa kagubatan pa ako!

"Gigil na ako sa bwesit na yun." Kanina pa kami naghahabulan. Kaya ako tumatakbo palayo sa kanya ay dahil kaaway ko rin sya. Matapos nyang makipagtulungan kay Marika! And speaking of Marika asan na yun? Sya ang pagasa ko para makauwi sa pilipinas. Takte wala akong mga gamit at pera.

"Marian!" Sigaw nya at nakita ko sya sa bandabg likod ko kaya naman tunakbo na ulit ako.

"How many times do I have to tell you! Wala nga akong planong masama sayo." Aniya kaya naman binato ko sya ng bato.

"Anong wala! Eh ikaw nga yung tumurok sakin ng injection. Bwesit ka kahit 10 years na ang nakakalipas feeling ko may nakabaon parin saking karayom."

Naloloka pa rin ako sa 10 years!

Sigaw ko sa kanya at dahil nakatingin ako sa kanya ay di ko namalayang may malaki pa lang sanga sa harapan ko kaya naman natumba ako at naramdaman ko ang kamay nya sa bewang ko kaya di ako tuluyang bumagsak sa lupa.

"Ang tagal na nun huh." Aniya at binuhat ako na parang sako. Hinahampas ko naman sya sa likod pero parang wala namang nangyari.

"Nakakainis ka! Ibaba mo ako." Nangigil kong sigaw sa kanya pero di naman nya ako pinapansin.

"Ano ba kasing gusto mo para matahimik ka." Tanong nya at hinagis ako sa kama.

Hinawakan ko naman ang ulo ko dahil sa tumama ito sa headboard.

"Iuwi mo na ako sa pilipinas yun ang magpapasaya sakin."

"Hindi pa pwede."

"Bakit naman!"

"Stop shouting! Sumasakit na ang tenga ko sayo babae!" Aniya kaya naman tumigil ako.

"Eh bakit hindi pa ako pwedeng umuwi sa pilipinas."

Umirap naman ito sakin at pumunta na sa lab nya.

"Hoy tinatanong kita!ang bastos nito." Sabi ko habang sinusundan sya. Ibinigay naman nya sakin ang phone nya.

"Get out and call Marika. Sa kanya ka humingi ng sagot." Aniya at sinarhan ako ng pinto sa mukha.

"Bwesit ka!" Sigaw ko mula sa labas at sinipa ko pa ang pinto.

Dinial ko naman ang numero ni Marika pero cannot be reached.

"Pinagloloko mo ba ako!" Sigaw ko ulit mula sa pinto ng lab nya pero di man lang binuksan.

Nagvibrate naman ang phone nya at tiningnan ko kung ano msg lang at unknown no. Kaya naman kinatok ko ang pinto at pinatay ang phone nya di ko naman ugaling magbasa ng message namg iba.

"Hoy! May nagtext sayo!" Sigaw ko at paulit-ulit kong kinalabog ang pinto ng lab nya. Matagal pa sya bago nya buksan ang pinto at kinuha ang phone sakin at mabilis ring sinarado ang pinto.

"Wow thank you!" Inis kung sabi at bumalik na lang sa kwarto ko.

***

"Ano!" Gulat kong sabi dahil sa binalita nya sakin. "Paanong nangyari yun." Dagdag ko pa.

Napayuko naman sya at ramdam ko ang lungkot nya.

"Hindi ko rin alam."

Nahilamos ko na lang ang kamay ko.

"Paano na yan?" Tumingin naman sya sakin.

"Malaki ang sakripisyong ginawa ni Marika para sayo. Kaya gawin mo ang huling habilin nya." Aniya at iniwan ako sa sala. Bumalik rin naman sya ay may mga dala na ito.

My Vampire LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon