5 years later
"Girl wala paring pagbabago sa itsura mo." Puri sa kanya ni Mona kaya naman kinurot naman nya ito sa tagiliran.
"Siraulo ka. By the way nasaan na sila Alex?"
"Alam mo naman yung mga yun late palagi. Mauna na muna tayo sa venue." Aniya at hinila na sya paloob. Puro mga mayayaman ang nadodoon pero hindi sya magpapatinag. She is Marian De Peñafraco. A well known fashion designer here in italy.
Madami ng tao ang nasa loob at nakikita nyang puro kilalang personalidad at pulitiko ang nasa loob. Wala namang media dahil sa pribado itong party.
"She's more beautiful in person."
"What a lovely lady!"
"Sì." Naririnig nya puro sa paligid. Confident naman syang lumakad pa red carpet at naramdaman nyang may humawak sa bewang nya.
"Your attracting to much people." Bulong nito sa kanya bago sya dampian ng halik sa noo.
"Kasalanan na bang maging maganda ngayon?"
Naramdaman nyang ngumisi ito kaya naman siniko nya ang tiyan nito.
"Hindi ko alam na mahangin ka pala."
"Same as you Niel. Mas malala ka pa nga sakin." Sabi nya at lumakad nasa table nila. Nakita nya na nandoon na ang mga kaibigan.
"So naglalandian pa kayo?"
Parehas naman nilang inirapan si Jul.
"Welcome ladies and gentlemen." Narinig nilang announce ng host kaya naman binaling na nila ang attention rito.
"In five mins. Magsisumula na tayo. Magingat ka." Tumango naman sya.
"Ikaw rin magingat ka. Kung di pa ako bumalik in ten mins. Mauna na kayo. I can manage myself tatawagan na lang kita."
Nakita nya na nagaayos na rin ang mga kasamahan nya.
"Clear." Yun na ang hudyat bago sila pasimpleng umalis sa table ng hindi namamalayan ng tao.
Kumaliwa naman sya at hinanap ang taong kanilang makakatulong sa kanila.
Nakarinig naman sya ng boses kaya mabilis syang kumilos.
"In the lobby." Narinig nyang sabi ni Lou mula sa kanyang earpiece kaya naman kumilos na sya papuntang terrace. Nakita nyang may nakatayo rito at nilapitan ito.
"Good evening Mr. De Luca. Di na ako magpapaligoy-ligoy pa sumama ka sakin."
Lumingon naman ito sa kanya.
"Labanan mo ako para malaman ko ang abilidad mo." Hindi pa naman ito nakakalapit sa kanya ng biglang itaas nya ang kamay na nagpahinto sa paggalaw nito at paghinga na rin. Limang segundo ang lumipas tsaka nya lang binaba ang kamay.
"Pwede na ba yun?" Tumalikod na sya at naramdaman nyang nakasunod na ito sa kanya.
"Ok na ako kay Mr. De Luca. Nadidito kami sa terrace." Balita nya rito pero wala namang sumasagot sa kabila.
"Miss--
"Thank you sa information." Boses lalaki iyon kaya alam nyang may di magandang nangyari. Tinaggal na nya ang earpiece at nilingon ang lalaki.
"Mr. De Luca mauna ka na." Inabot naman nya rito ang phone nya at iyon ang magsisilbing mapa nito.
Tumango naman ito sa kanya at mabilis ring nawala. Hinihintay nya ang nagsalita mula sa kabilang linya at di sya nabigo dahil naramdaman nya na ito mula sa likod nya. Sinuot naman nya ang mask na hawak bago lumingon rito.

BINABASA MO ANG
My Vampire Love
RomanceMarian Angeles Maganda, ilagay na rin natin ang Matapang, but the thing is may nangyaring hindi naman nya gustong masaksihan na dapat talaga hindi nya makita sad too say nakita nya ang sekreto ng kanyang Boss/Crush nya na si Gabriel Timothy Monteneg...