"Nakatulog na pala si kiko, nakakandong pa talaga sayo."
"Nakasandal kasi sya sa balikat ko kaya pala tahimik tulog kaya nilagay ko sya sa lap ko para komportable sya."
"So hindi na kayo magkaaway."
"Tsk kanina nya pa ako binibwesit na dapat daw umuwi na ako, buti nakatulog sya."
"Akin na ako na ang magkakarga." Kukunin ko na sana sa kanya kaso iniwas nya.
"Tsk ako na ang bigat kaya nang batang toh buti na kaya mo syang buhatin papunta dito."
"Hindi naman, tara na ilagay na natin sa kwarto."
Pinatay nya muna yung t.v. at ilaw at pumunta na sa kwarto.
Nilagay nya na si kiko sa kama.
"Teka ilagay mo sa gitna si kiko para may pagitan tayo."
"Tsk. Fine anong kala mo sakin magtetake advantage."
"Tsk ka rin mahirap na magtiwala sa panahon ngayon noh kahit na matagal na kitang kilala pero malay ko ba kong may kamanyakan ka noh." At pumunta ako sa right side ni kiko.
Tumingin naman ako sa kanya.
"Di ka pa mahihiga?"
Pagkasabi ko nun ay pumunta sya sa left side ni kiko. At pinatay nya na yung lamp sa side nya. Nakayakap naman sakin si kiko ngayon.
"Tell me your story." Aniya.
"Ano naman ang ikukwento ko sayo."
"Malamang yung buhay mo alangan naman bedtime story." Tsk. Pilosopo.
"Well mag-isa lang ako sa buhay parehas namatay yung parents ko nung 19 ako kaya natutu akong maging independent. The end. Ikaw naman anong kwento mo?"
Nakatingin sya sakin.
"Well yun lang ang kwento mo?"
"Bakit gusto mo pa bang ikwento ko sayo yung childhood ko?" Natatawa kong sabi.
"Hay nevermind."
"Oh ikaw naman ang magkwento ng buhay mo."
"Wag na baka abutin pa tayo ng isang taon." Hmm. Tama naman sya 1000 years ba naman sya nabubuhay sa mundo eh.
"Gagi malamang isamarize mo 'no."
"Fine nabubuhay ako sa mundong 'to ng 1000 years na at mahigit hiwalay ako sa parents ko ayoko silang makasama may dalawang kapatid at nagtatago sa mga tao, yun lang the end."
"Pwede magtanong?"
"Nagtatanong ka na."
"Seryoso ano pwede ba?"
"Fine basta magtatanong rin ako."
"Ok fine deal, mahirap ba ang maging bampira?"
"Oo kasi kailangan mong magtago sa mga tao kung hindi papatayin ka nila, hindi masaya maging bampira kagaya ng pinapalabas sa mga movie, mapanganib maging bampira maraming limitasyon, oo nga may mga kapangyarihan kami at hindi namamatay pero hindi naman yun sapat para samin pero siguro ito na yung nakatadhana samin ang maging ganito halimaw para sa inyong mga tao."
Now parang medyo nauunawaan ko na sya.
"Ikaw tell me your childhood days."
"Huh bakit yun? iba na lang." May problema kasi ako dun eh.
"Yun yung gusto kong ikwento mo, sinagot ko yung tanong mo kanina maging fair ka rin."
"Eh hindi naman tanong yun eh pagkukwento."

BINABASA MO ANG
My Vampire Love
RomanceMarian Angeles Maganda, ilagay na rin natin ang Matapang, but the thing is may nangyaring hindi naman nya gustong masaksihan na dapat talaga hindi nya makita sad too say nakita nya ang sekreto ng kanyang Boss/Crush nya na si Gabriel Timothy Monteneg...