Chapter 6 : Visit

70 6 0
                                    

Mamimiss ko tong bahay na to, nasabi ko na rin kay aling mary ang pagalis ko medyo nalungkot sya pero naiintindihan nya naman yun, yung mga iba kong gamit binigay ko sa mga kapitbahay ko. Nandito na ako sa labas ng apartment ko 10 years din akong nakatira dito at yung mga tao dito mamimiss ko talaga. Hinihintay ko na lang si kiko makauwi galing sa eskwela gusto ko lang kasing pormal na makapagpaalam sa kanya.

"Labss." Tawag nya nandito ako kala aling mary para hintayin sya.

"Kiko." At niyakap ko sya nang mahigpit, sya lalo ang mamimiss ko.

"Ngayon na pala ang alis mo?"

Tumango naman ako hanggang sa may naisip ako.

"Kiko gusto mo bang mamasyal muna bago ako umalis?" Tumango naman sya.

"Pupunta ako kala mama diba kilala mo naman sila." Tumango ulit sya, minsan kasi sumasama sya sakin pagpupunta ako ng sementeryo.

"Ipapalam muna kita ok." At pumunta na sya sa kwarto nya para magbihis. Ipinaalam ko naman sya kay aling mary buti pumayag ito basta iuuwi ko sya ng 4pm 12 pa lang kasi ngayon.

Lumabas na kami at pumunta kay gab na nasa kotse.

"Hahaha gab sorry ano...... may pupuntahan pa kasi kami ok lang ba yun? Pumunta ka muna sa kompanya sunduin mo na lang ako dito ng 4 kung pwede?"

Nag-isip muna sya. Sana pumayag sya.

"Sige pero saan kayo pupunta? Ihahatid ko na kayo."

"Ahh sa sementeryo bibisitahin ko yung mga magulang ko dun, kahit wag mo na kami ihatid magtataxi na lang kami."

"I insist." At pinagbuksan nya kami ng pintuan si kiko sa likod ako katabi nya.

Nakarating naman agad kami, buti at hindi masyadong traffic.

"Sige una na kami."

"I change my mind sasama na pala ako."

"Huh ok why sudden change your mind?"

"Gusto ko lang manghingi ng permiso sa kanila, pakakasalan ko na kasi ang anak nila." Tumango na lang ako at naglakad na papasok.

"Hi ma, pa." Bati ko sabay lapag ng bulaklak at nagsindi na rin ng kandila

"Matagal na rin nung hindi ako nakadalaw dito sorry."

At kinausap ko pa sila kinausap rin ni kiko at ni gab ang mga ito.

"Nagugutom na ako ate marian." Si kiko.

"Tsk. Tara sumama ka sakin bibili tayo." Si gab.

"Gusto ko si ate marian ang kasama ko."

"Hey kid wag ka nang makulit hayaan mo muna si ate marian mapagisa."

Mukhang wala naman syang magawa at sumama na kay gab. Tama sya kailangan kong mapagisa hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko kaya pinunasan ko ito agad, siguro namiss ko lang sila.

"Alam mo hindi nila gugustuhin na makita kang umiiyak." Sabi ng lalake tumingin naman ako sa kanya maputi sya matangkad ilagay na rin natin ang gwapo. At inabot nya sakin yung panyo nya. Kinuha ko naman ito.

"Thank you."

"Welcome miss, hey what's your name?" Nung una nagisip pa ako kung sasabihin ko duh stranger sya. Nahalata nya siguro na hindi ko sasabihin ng magsalita sya.

"I'm Vladimir Lopez." Pakilala nya at nilahad ang kamay nya tinggap ko naman ito.

"Marian."

"Wag ka nang umiyak hindi bagay sa maganda ang umiiyak." Aniya. Napangiti naman ako sa huli nyang sinabi. Bolero.

My Vampire LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon