"Gabriel." Gulat kong sabi.
Nakatingin naman sya kay Vladimir ng masama.
"Hoy ibaba mo na nga ako." Sabi ko kay vladimir. So magkakilala sila?
"Hello cousin."
"Magpinsan kayo??" Gulat kong sabi tumango naman sya sakin.
Paano eh diba hindi naman talaga montenegro si gab?
"Hi timothy." At ngumuti sya dito ulit.
Binatukan ko naman sya eh inaasar si gab ko yeah gab ko akin sya naks naman oh.
"Aray para saan yun." Pinandilatan ko naman sya wag nya nga asarin ang mahal ko.
Tumawa naman ulit sya. Ang saya naman nito masyado.
"Ibaba mo na nga ako kung hindi bubugbugin kita." Dahan-dahan naman nya akong binaba.
"Sigurado ka ba honey baka hindi mo pa kaya I will gladly help you." Umirap naman ako sa kanya.
"Tsk. Bahala ka na nga dyan."
Mabilis namang nakalapit si gab sakin. Tsk vampires.
"Anong nangyari." At binuhat naman nya ako.
"Nadapa ako ng hindi ko alam." Sagot ko sa kanya. Tumingin naman sya kay vladimir ng masama huh lagot ka ngayon.
"What did you do." Galit nyang tanong.
"Don't mind it gab ok lang ako." Sabi ko sa tingin ko naman hindi na medyo masakit.
"Pumunta muna kayo sa bahay ko para macheck yung paa ni marian." At nawala na sya
"Pupunta pa tayo dun?" Tanong ko.
"Yeah masyado pa kasing malayo kung sa bahay pa dun na lang tayo sa bahay nya." At tumakbo na sya ng mabilis sana hindi sya galit hindi ko naman kasalanan eh yung lalaking yun ang nagsimula.
At huminto na sya tumingin naman ako sa harapan ko. Hindi halata sa isang yun na mayaman well nasa harap lang naman kami ng mansion at pumasok na kami maganda naman yung loob ng bahay nya.
At binaba ako sa couch agad naman nyang tinanggal yung heels kong suot at hinilot nya ito.
"Aray....... dahan-dahan lang naman." Akala ko hindi sya masakit.
"Napilay sya." Si vladimir tama sya hindi ko alam na ganun kalala bakit ba kasi nadapa ako.
"Yeah i know." At tiningnan ulit sya ng asawa ko ng masama. My war ba sa dalawang toh. Tumingin naman sakin si vladimir at ngumiti. Natutuwa sya paginaasar si gab.
"Ako na ang bahala sa kanya gab umuwi ka na." At lumapit sya samin agad namang tumayo si gab at sinuntok sya nito. Ohhh sa tingin ko masakit talaga yun.
"Fuck you timothy para saan yun?"
"You touch my wife dapat nga pinatay na kita eh." Sagot nya at umupo sa tabi ko.
"Ok kalang ba talaga love?"
Tumango na lang ako.
"Damn it timothy." Mura ni vladimir tumingin naman ako ng masama sa kanya at pinapahiwatig na Don't-curse-my-husband-and-I'll-kill-you look. Ngumiti naman sya sakin.
"Tsk what a weird couple." Aniya at lumapit sakin.
"Pahawak nga ng paa mo gagamutin ko." Nung hinawakan nya yung paa ko ay parang nawala yung sakit.
"Done." Aniya
Tumayo naman ulit si gab at sinapak ulit sya.
"I said don't touch my wife." At binuhat nya ulit ako.

BINABASA MO ANG
My Vampire Love
RomansaMarian Angeles Maganda, ilagay na rin natin ang Matapang, but the thing is may nangyaring hindi naman nya gustong masaksihan na dapat talaga hindi nya makita sad too say nakita nya ang sekreto ng kanyang Boss/Crush nya na si Gabriel Timothy Monteneg...