Kagaya nga ng inaasahan gabi na kami nakarating, at sa buong byahe inaasar nya ako. Nasa apartment na kami.
"Oh marian nakauwi ka na pala saan ka galing?" Tanong ni aling mary sya yung may ari ng apartmant na inuupahan ko.
"Ah nagbakasyon lang po." Dahilan ko alangan namang sabihin ko yung totoong nangyari sakin pagkamalan na talaga akong baliw.
"Nasa bahay ko yung bag mo naiiwan mo daw sa opisina sabi nung lalaking nagabot sakin." Ay oo nga pala yung bag ko. Sino naman kayang lalake yung nagdala ng bag ko?
Bumalik na rin naman dito si gab kinuha nya kasi yung binili ko, nalimutan ko kasi dalhin eh.
"Thank you." At kinuha ko sa kanya yung paper bag pero iniwas nya rin.
"Ay iho magkasama pala kayo ni marian eh, marian sya yung nagdala ng bag mo dito." At tinuro nya si gab.
"Ikaw?" Di ko makapaniwalang sabi.
Tumango naman sya.
"Bakit nga pala kayo magkasama?"
"Asawa nya po ako." Nagulat naman ako sa sinabi nya.
Tininganan ko naman sya kung seryoso sya ano ba yan bat nya sinabi yun.
"Ganun ba naks marian nahanap mo na pala di ka man lang nagsabi tiyak na magtatampo sayo si kiko nyan, oh sige punta muna tayo sa bahay kukunin ko na yung bag at nandun rin si kiko tiyak na matutuwa yun."
At nauna nang maglakad samin. Sinundan naman namin sya.
"Sino yung kiko na yun." Inis nyang sabi tiningnan ko naman sya at di mabasa yung expression nya. Hinapit naman nya yung bewang ko yan na naman close na naman yung katawan namin.
Sasagot na sana ako nang biglang may tumawag sakin.
"My labsss." Sigaw nya at yumakap sa bewang ko. Nakakap rin sakin si gab.
"Sino sya labss?" Tanong kiko. Well bata pa lang si kiko wag kayong ano kaya may labss ang tawag nya sakin kasi my crush sya sakin hinayaan ko na lang baka magtampo sya 7 years old pa lang sya parang anak na nga turing ko dito.
Lumuhod naman ako at binuhat sya.
Alam kung magtatampo sya sakin pero kasi naman kasalanan ni gab kung bakit yun yung pakilala nya kay aling mary eh.
"Kiko wag kang mabibigla huh......ahm siya si kuya gab asawa ko." At yan nga sya nagsimula ng umiyak siniksik naman nya yung ulo nya sa leeg ko. Pinapatahan ko naman sya habang si gab nakatingin lang samin.
"Naku wag ka nang umiyak kiko tahan na hmm." Buti naman at tumahan sya pinunasan nya ang luha nya at masamang nakatingin kay gab. Lagot ka ngayon gabriel.
"Hiwalayan muna sya gab pakakasalan nya pa ako paglaki ko." Mayabang nyang sabi yan lang ang palagi nyang sinasabi sa mga lalake kung kasama kahit na sa mga kapitbahay namin na balak umakyat ng ligaw sakin sinasakyan na lang nila si kiko well apo lang naman sya ni aling mary sumunod ka na lang sa sinabi ng bulilit na toh kung hindi papalayasin ka ni aling mary.
"Sorry boy mas naunahan kita sa kanya." Maangas na sabi ni gab. Tsk pati bata pinapatulan.
"Ay marian ito na oh." Sabay abot sakin ni aling mary ng bag buhat ko pa rin si kiko hanggang ngayon.
"Salamat aling mary."
"Lola dun ako kala may labss kakain." Lagi syang pumupunta dun sa bahay at kakain.
"Diba kumain ka na kanina?"
"Eh nagutom po uli ako eh."
"Hay naku sige na oh sya marian hatid mo na lang yan sa bahay." At umalis na si aling mary.

BINABASA MO ANG
My Vampire Love
RomanceMarian Angeles Maganda, ilagay na rin natin ang Matapang, but the thing is may nangyaring hindi naman nya gustong masaksihan na dapat talaga hindi nya makita sad too say nakita nya ang sekreto ng kanyang Boss/Crush nya na si Gabriel Timothy Monteneg...