Chapter 10 : Test

72 2 0
                                    

"Bakit po sinasabi nyo 'to sakin?"

"Gusto ka lang namin balaan." Yung papa ni gab

"Sa tingin ko hindi naman nya po yun gagawin sakin."

"Paano mo nasabing hindi nya gagawin yun sayo?"

Paano ko nga ba nasabing di nya gagawin yun?

"Pinagkakatiwaan ko po sya sir."

Ngumiti naman sya sakin pagkatapos nun naging blur na ang paningin ko.

Nagising ako ng may narinig akong ingay.

"Gising ka na pala." Si lola nic. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Salamat iha at pinagkatiwalaan mo si gab." Aniya.

"Hindi totoo lahat yung sinabi namin sayo." Dagdag nya. Naguluhan naman ako sa sinabi nya.

"Lahat ng sinabi namin sayo ay pagsubok lamang iha." Yung lolo ni gab.

"Bakit kailangan pa po ng ganun?"

"Tradition na sa pamilya namin ang ganito iha sinusubukan kung gaano ka nagtitiwala, dahil ikaw ang mapapangasawa ni gab kaya napunta ka sa prosesong toh kung gaano mo sya pinagkakatiwalaan." Paliwanag nya, so sinusubukan lang nila yung tiwala ko kay gab.

"Ibig po bang sabihin yung dating dinala ni gab dito na mga babae mahina ang tiwala sa kanya."

"Hahahaha iha sa totoo lang ikaw ang unang babaeng dinala nya rito."

Naintindihan ko na.

"Welcome to the family marian." Nakangiting sabi sakin ni lolo.

"Thank you po."

"Kala ko forever ng magisa sa buhay si gab nagpapasalamat ako at dumating ka sa buhay nya."

"Hahaha naku hindi po yan totoo lola nic."

Ano ba yan madami pa akong tanong.

"Spill it out iha." Lolo.

"Ano po lahat po ba talaga yun hindi totoo?" Kasi diba parang ahh nevermind.

"May mga totoo naman dun iha."

"Ano po?"

"Ang possesive sya sayo at kaya nyang pumatay para sayo and totoong hitman sya at totoong di namin sya kadugo." Diretso nitong sabi. OMYGOD magkakaroon ako ng asawang hitman. Wag ko na nga lang isipin yung pagiging hitman nya. Pero grabe naman kinopkop lang pala sya.

"Huh."

"Kaya iha wag kang kumausap ng ibang lalake bukod sa kanya kung hindi papatayin nya yun." Aniya. Buti hindi na nya sinabi yung tungkol sa hindi nila ito pamilya.

"Eh pano po kung kaibigan ko or kaya nagtanong lang." Iniba ko na ang topic.

"Edi ipaliwanag mo seloso kasing bata yun iha ayaw nyang may kumikialam sa pagaari nya and ikaw yung bagay na pinoprotektahan nya."

"Ok po."

"So gusto mo bang malaman ang kwento ni gab." Ngumiti naman ako bilang sagot.

"Bata pa lang si gab seryoso na sya sa buhay parang ngang walang pakialam samin pero malalaman mong importante ka sa kanya kung pinoprotektahan ka nya yun lang." Huh ang haba naman ng kwento ni gab.

Tumawa naman si lola nic.

"Marami pang kwento sa buhay si gab marian gusto ko lang sya ang magkwento sayo at marami rin akong walang alam sa buhay nya dahil nung kinupkop namin sya 300 years old na sya."

My Vampire LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon