Chapter 1

5.5K 126 9
                                    


Kiefer's POV

"Mom? Have you seen Daimien?" I ask my Mom who's currently cooking our lunch.

"I saw him kanina sa garden. Tingnan mo nalang dun, baka naglalaro lang." I thanked my Mom then I headed to the garden.

Bakit ba kasi ang likot likot ng batang yun? Kulang nalang libutin niya ang buong subdivision sa likot niya eh. "Daimien! Where are you?" Tawag ko habang naghahanap sa garden. Walang sumasagot pero nakita ko yung maliit na tsinelas niya na nakakalat. Pinulot ko yun pati na rin ang mga laruan niya na nakakalat.

"Daddy!" Napatunghay ako at nakita ko ang napaka dungis kong anak habang may hawak na baril-barilan. "There you are! I've been looking for you all over the house. Where have you been? And why are you so..so dirty?" Nakakunot noo na tanong ko sa kanya. Lumuhod ako sa harap niya para maging kalevel ko siya.

"Ishpaydey! Ishpaydey!" Sigaw nito habang tumuturo sa kung saan na parang nagsusumbong. "Did you catch it?" Nakangiting tanong ko sa kanya. "Na-uh." Tapos bigla siyang nagpout habang umiiling. Ang cute ng anak ko. Manang mana sa Daddy niya.

Ginulo ko yung buhok niya at hinawakan sa balikat. "Daddy will catch the spider for you." Biglang nagliwanag yung mukha niya at ngumiti ng sobrang laki. "Yili?" Ngumiti ako. "Really. But first I have to clean you up. Lola's cooking lunch. Guess what she's cooking." Nilagay niya yung isang kamay niya sa ilalim ng baba niya at parang matandang nag-iisip talaga. "Sinigang?"

"Correct!" Tapos nagtatalon siya at sumigaw ng yes. "Come on Daimien, let me clean you up." Hinawakan ko yung maliit niyang kamay at naglakad na kami papasok ng bahay. Pagkatapos kong liguan si Daimien ay binihisan ko siya bago kami bumaba.

Karga ko siyang bumaba ng hagdan, sakto nakahain na ang pagkain. Iniupo ko siya sa tabi ko at nilagyan ng table napkin sa may parteng dibdib niya. "Nako. Fresh na naman ang baby ko. Don't play outside na ha? Nakatatlong paligo na ata sayo yang Daddy mo eh." Natatawang sabi ni Mom habang naghahain.

"Pang-apat na Mom." Tapos tumawa siya. Si Daimien naman ay walang pakialam samin. Basta kasi kumakain lalo na't sinigang ang ulam, hindi mo talaga siya maiistorbo.

Daimien is now 4 years old. I raised him with my Mom for four freaking years. And I hate to admit it, but when he first came to my life? I almost screw him.

Flashback 4 years ago..

"AHHHH!" Sigaw ko nung makita ang isang bata sa loob ng kahon. Fucking shit! What is that child doing here?! "Kiefer?! Anong nangyari? Why did you screamed?" Nilingon ko si Mom na kapapasok lang ng pinto na halatang nag-aalala. I pointed the box while I'm still in shock.

"God gracious! Who's child is this?!" Halatang nagulat din si Mom. Aba, sino ba namang hindi. One day paggising mo may kahon na dinala sayo tapos pagbukas mo may lamang baby! Jusko naman. Nagkamali ata ng adress ang nagdala nito.

"Mom ibalik natin yan sa LBC. Sabihin natin nagkamali sila ng adress." Hinihingal na sabi ko kay Mom.

Pero sa halip na makinig siya sakin ay nakatingin lang siya sa kahon kung nasan ang bata.

"Mom! Stop touching that kid! Baka mamaya may bomba pala yan. O di kaya alien yan! Malay nating kamag-anak yan ni Kokey." Saway ko kay Mom na kasalukuyang nilalaro ang kamay nung bata.

"Tumigil ka nga Kiefer. Mukha bang alien tong batang to? Tingnan mo nga oh. Ang cute cute! Parang ikaw. Parehas kayo ng mata oh--" Natigilan si Mom sa sinasabi niya at unti unti siyang tumingin sakin. Nanlaki naman ang mata ko. Oh shit, alam ko na ang iniisip nito! "Nagkakamali ka Mom! Hindi ko anak yang--yang freak na yan!" Sigaw ko.

Single Dad (Kiefly Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon