Chapter 7

3.5K 107 22
                                    


Den's POV

"Wahahaha! Ikaw ang unggoy!" Sabay turo namin kay Ella.

Naglalaro kasi kami ng unggoy ungguyan dala ng kaboredom-an.

"Madaya!" Sigaw niya sabay baba ng apat na baraha niya.

Napatingin naman ako sa baraha niya at nakitang wala doon ang kaparehas ng itinago naming baraha.

Unti unti akong napatingin sa nag-iisang baraha ko.

*gulp*

"Teka, wala naman sa baraha ko yan ah. Kung ganun edi.." sabay tingin nila sakin.

"H-hehe. Punta muna akong banyo."

Patayo na sana ako kaso bigla nila akong hinatak pababa.

Aww. Huhu, yung pwet ko.

"Hahahaha! Ikaw naman pala ang unggoy." Sabi ni Ella habang hinahanda niya na yung lipstick niya.

Oh my god.

"Shall we?" Tanong ni Amy habang nakangiti ng nakakaloko.

Palapit na sila ng palapit sakin habang nakatutok ang itim na lipstick nila sa mukha ko.

Yung pretty face koooo!

"WAAHHH---"

*BLAAGG*

Nabitin ako sa pagsigaw nung biglang kumalampag ang pinto. Habang nandun naman si Alyssa na humihikbi.

Dumiretso siya agad sa kwarto habang hindi pa kami nakakagalaw.

At nung matauhan kami ay dali dali kaming tumayo para katukin ang pinto ng kwarto.

Kanya kanyang katok, kanya kanyang sigaw.

"Alyssa! Anong nangyari?!" -Ella.

"Nagkita na ba kayo ni Daimien?! Tears of joy ba yan?!" Sigaw ko pero bigla naman akong pinitik ng dalawa sa noo.

"Aray! Bakit ba?" tanong ko habang hinihimas ang noo ko.

"Mukha bang tears of joy yun Den, ha?" -Amy.

Napakamot naman ako sa batok ko.

"Malay niyo!" Sabi ko naman.

Bumalik kami sa pagkatok sa pinto ni Alyssa.

"Ly! Can we come in?!"-Amy.

"Oo nga Ly! Magshare ka naman samin!"-Ako.

"Ly open the door!"-Ella.

Lahat kami ay nag-aalala sa kanya. Minsan lang yan umiyak. Minsan lang yan magpakita na nasasaktan siya.

Kadalasan kasi kinikimkim niya. Pero base from what I saw, mukhang nasaktan talaga siya.

Tumigil ako sa pagkatok at tumingin sa kanilang dalawa.

"It's no use. I'm sure hindi tayo pagbubuksan niyan." Malamyang sabi ko.

Nadinig ko namang napabuntong hininga din ang dalawa.

"What should we do then?" Tanong naman ni Amy.

Umupo kaming tatlo sa sahig habang nakasandal sa pinto.

Right now, I just really want to know what happen.

"How 'bout we call Dani?" Napatingin kami kay Ella.

"Oo tama. Baka sakaling alam niya ang nangyari."

Single Dad (Kiefly Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon