Chapter 15

3.9K 112 5
                                    


Kiefer's POV

“Bye Mommy! Bye Daddy! Don't forget my pasalubongs ha.”

Napatawa ako kay Daimien. Mautak din tong batang to eh. Talagang pasalubong with s pa yung sinabi niya.

“Take care Hon. I love you.” napangiti naman ako sa sinabi ng girlfriend ko.

Niyapos ko siya ng mahigpit at hinalikan sa noo.

“I love you too.”

Sumakay na ko sa sasakyan ko which is a travelling car. Kakailanganin namin to dahil mag-cacamp kami sa bundok at hindi magche-check in sa isang hotel.

Buti nalang at boy scout ako dati. Hahaha.

Nagdala din kami ng tents and other things na kakailanganin namin.

Sumakay si Alyssa at nagulat ako nung sa likod siya sumakay. Kaya napatitig ako sa kanya mula sa rear mirror. Nahalata niya naman agad kaya agad ding tumaas ang kanang kilay niya.

“Bakit diyan ka umupo?” tanong ko.

“So gusto mo tabi tayo?” I was caught off by her question.

Tanga mo talaga Kiefer. Bakit ba kasi tinanong ko pa yun? Eh alam ko namang magagalit si Mika kung sakaling malaman niyang magkatabi kami sa buong byahe.

Hindi tuloy agad ako nakaimik. Leche kasing tanong yan Alyssa.

“I mean, mas kumportable kasi ako dito. Mas makakatulog ako ng maayos.”

Sabi niya at agad na humiga doon. Nakarinig ako ng lagutok mula sa likod at mahinang pagdaing.

Muntik pa kong mapatawa pero pinigil ko lang. Baliw din tong babaeng to eh. Hihiga na nga lang, minadali pa. Edi nauntog siya.

Naiiling na nagmaneho nalang ako. Sa Tagaytay, Batangas ang first destination namin. And based on my research, malamig yung klima dun. Kaya nga nagdala ako ng tatlong iba't ibang jacket plus dalawang long sleeves.

Mga dalawang oras na siguro kaming nabiyahe. Patigil tigil pa kami dahil sa traffic. Inabot pa kami ng rush hour. Naknang.

Pero yung kasama ko napanis na ata yung laway. Ni hindi man lang nagsasalita. Hindi ko naman siya masilip dahil baka sungitan na naman ako. Psh.

Pero dahil sa ka-curiousan ko kung anong ginagawa niya, sinilip ko siya ng pasimple.

And beng!

Kaya naman pala tahimik, tulog pala si ineng. Tsk tsk.

Mukha na nga akong driver tinulugan pa ko ng kasama ko -____-

Dahil sa sobrang bored ko, sinaksak ko yung phone ko sa sasaksakan dito sa sasakyan at nagpatugtog ng mahina.

Pinatugtog ko ang They just don't know you ng Little Mix.

Medyo napapasway sway ng konti ang ulo ko habang tumatapik tapik sa manubela. At nung naglaon ay napakanta na din ako.

“Soooo, tell me, tell me you won't break my heart. You won't tear my world apart~” kanta ko habang sumasayaw ng konti.

“They just don't know you. They just don't know you. They just don't know you. They just don't know you like I dooooooooo~”

Tagaytay, Batangas
3:00 PM

“Alyssa gising. Nandito na tayo.” sabi ko habang tinatapik ang balikat niya.

Single Dad (Kiefly Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon