Chapter 25

3.5K 129 13
                                    


ALYSSA'S POV

Nakahiga lang ako sa kama ng anak ko habang nakatingin sa kisame.

*bzzzt bzzt*

Napabalikwas agad ako ng upo at agad na chineck ang phone ko.

Nadismaya ako dahil notif lang pala yun sa twitter.

Bumalik nalang ulit ako sa pagkakahiga at napabuga ng hangin.

“Kala ko pa naman nagtext na siya,” bulong ko.

Nakakainis na kasi. Pagkatapos maayos lahat ng kaso ko at ni Kiefer sa pamilya ko, bigla nalang hindi nagparamdam.

Hindi ko alam kung nasan siya. Kahit si Tita Mozzy walang idea kung nasan yung anak niya.

Tinatawagan naman namin siya pero patay yung phone niya. Pati mga kaibigan niya kinontact ko pero wala din daw silang alam.

Dalawang araw na simula nung naglaho si Kiefer. Wala man lang text. Tapos kapag ichachat ko siya, nawawalan lang ako ng gana dahil palaging nakalagay na "Active 2days ago"

Dumapa ako at pinagmasdan ko si Daimien na busy sa paglalaro ng toy cars.

Buti nalang at medyo kuha ni Daimien ang mukha ng ama niya. Kahit papaano ay parang nakikita ko na din si Kiefer.

Bumuntong hininga ulit ako nung makaramdam ako ng kurot sa dibdib ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at pagbukas ko ay mukha niya agad ang bumungad sakin.

Hinawakan ko iyon gamit ang daliri ko.

Mas lalo lang akong lumungkot.

“Nasan ka ba kasi Kiefer? Miss na miss na kita. Leche ka,”

Bigla nalang akong naiyak pagkatapos kong sabihin yun.

Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon umiyak.

Ang hirap kasi ng ganito.

Yung wala ka man lang idea kung nasan yung mahal mo.

Pano kung napahamak na pala siya? Hindi ko kakayanin yun.

Pano kung nakahanap na pala siya ng iba?

Napahagulhol ako ng iyak.

“Kieferrrr! Umuwi ka na please!” sigaw ko habang umiiyak.

“Mom? Are you crying?” Someone is gently pulling the pillow on my face and I know na si Daimien yun.

Tinanggal ko ang unan sa mukha ko at nagpunas ng luha.

“I am,” sagot ko habang umiiyak pa din.

“Why? Is it because of Daddy?”

Tumango ako.

At parang bata na naman akong umiyak. Kasi yung anak ko! Pinaalala na naman sakin yung tatay niya na mahal na mahal ko.

“It's okay Mom. Daddy's gonna be fine,” Napatingin ako sa anak ko na nakangiti habang inaayos ang buhok ko.

“How did you know that he's fine, huh? Eh hindi nga siya nagpapakita o nagpaparamdam man lang,” pati tuloy anak ko inaaway ko.

Huhuhu. Leche ka talaga Kiefer, leche ka!

He just smiled in return.

“Halika nga. Damayan mo si Mommy,” binuka ko ang mga braso ko para yapusin ang anak ko.

Niyapos ko siya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.

“Wag mong gagayahin ang tatay mong siraulo ha? Wag mong iiwan si Mommy,” humihikbing sabi ko sa kanya.

Single Dad (Kiefly Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon