Chapter 16

3.3K 102 1
                                    


Alyssa's POV

Ugggghhhhhhh.

(ToT)

“Oh, *yawn* Ang aga mo naman atang nagising. Masarap ba tulog mo?”

Napatingin ako kay Kiefer at gustong gusto nang tumulo ng sipon ko ngayon dahil sa itinanong niya.

“O-oo eh.”

Ang sarap ng tulog ko. Sa sobrang sarap, natulog na ko ng nakamulat magdamag nang dahil sa ugong ng barko na nalunok ata ni Kiefer.

“Buti naman.” Sabi niya tapos ay umalis.

Pagkaalis na pagkaalis niya ay gumapang ako papunta sa tent ko at humilata doon.

Hindi ko na talaga kaya o(╥﹏╥)o

...

Nagising ako dahil sa sobrang init. Papikit pikit akong sumilip sa labas ng tent at tumingala. Agad din naman ako napahiga ulit sa loob ng tent.

Gosh. Nagising ako 4 am, tapos ngayon tirik na ang araw.

Chineck ko ang cellphone ko kung anong date. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi pala ako nagising kinabukasan. Sadyang tanghali lang ako ulit nagising.

Inayos ko muna ang loob ng tent ko bago lumabas para hanapin ang kasama ko.

“Kiefer?” Tawag ko sa kanya pero walang sumasagot.

Kaya minabuti kong puntahan ang tent niya. Pero nagtataka ako dahil wala din siya doon.

“Saan naman pupunta ang lalaking yun?” Tanong ko sa sarili ko.

Ah bahala siya. Babalik din naman yun dito panigurado.

Naisip kong magkape muna kaso tanghali na nga pala. Baka umapoy na ko sa sobrang init nito. At isa pa, wala nga pala kami sa bahay. San ako kukuha ng mainit na tubig? -____-

Buti nalang at nasa ilalim ng malaking puno yung tent namin, kaya malilom at medyo mahangin.

Dahil tanghali na rin naman ay magpeprepare nalang ako ng lunch.

Kumuha ako ng dalawang pure foods corned beef sa bag.

Bigla namang dumating si Kiefer na basang basa.

“Teka anong ginagawa mo?” Tanong niya sakin.

“Kakain. Obvious ba?”

Nagpoker face naman siya. What? Masama bang magsabi ng totoo?

“I mean bakit yan?” Napataas naman ang kilay ko.

“Bakit? May policy ba dito na bawal ang ganito?” At yung mukha niya ay naging double poker face.

“Alyssa nasa isang camping tayo. Wala ka dapat dalang ganyan. Dahil lahat ng kakainin natin at lahat ng gagamitin nating pangkain from now on ay galing sa nature. Okay?”

Naiwan naman akong nagtataka. Bakit kaya?

“Imisin mo na yan at mag-ayos ka na din. Manghuhuli tayo ng isda sa ilog.”

At literal na napanganga ako sa sinabi niya.

KIEFER'S POV

“Hulihin mo lang lahat ng kaya mong hulihin. Pero wag mong uubusin kasi baka wala na tayong makuha mamaya at bukas.” pagbibiro ko pero hindi naman siya tumawa.

Okay =____________=

May dala kaming patilos na kahoy na para na ding sibat.

Kinuha ko to kanina sa daan habang naghahanap ng ilog. Tapos ay pinatilos ko nalang para panghuli ng isda.

Single Dad (Kiefly Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon