Chapter 4

3.5K 103 8
                                    


Alyssa's POV

“ATE LY!”

Ngumiti ako ng malapad sabay kaway sa papalapit na si Dani.

Tamo tong babaeng to, dalagang dalaga na takbo pa din ng takbo.

Sinalubong niya ko ng yapos kaya niyapos ko din siya.

“How's your flight?” Tanong niya sakin.

“Okay lang. Hindi naman kami naubusan ng gasolina sa ere. Hahaha.” sabi ko sabay tawa niya.

“Hahaha. So San ka mag-sstay?”

Napaisip naman ako.

“Siguro kila Den muna.” Tutal tinext niya ko kanina na bumisita daw ako sa condo unit niya.

“Why don't you stay at home? Kasama sila Mom, si Kuya, at si--”

“M-my son.” Bigla akong nalungkot.

It's been 4 years.

The last time na nakasama ko ang anak ko ay yung mga oras na pinanganak ko siyang mag-isa.

Yung mga oras na walang kahit na sino sa tabi ko.

At yung mga oras na kailangan ko siyang iwan para mabigyan ng magandang buhay.

Sa loob ng apat na taon, never naging masaya ang buhay ko.

Kailangan kong itago sa mga magulang ko ang tungkol kay Daimien, at ang pinakamasakit..

“Ate Ly? Okay ka lang?” Natauhan ako bigla.

Umiiyak na pala ako.

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko.

“You must really missed Daimien.” Malungkot na sabi sakin ni Dani.

Tumango naman ako habang pinipigilang tumulo muli ang luha ko.

“I want to see him.” Buong loob na sabi ko.

“Pero Ate Ly, hindi ba mas better kung pag-iisipan mo muna? Alam mo naman si Kuya, baka hindi nun magustuhan ang gagawin mo.”

“Gusto ko lang siyang makita Dani. Wala naman sigurong masama dun diba? Isa pa, ako ang mommy niya.” sabi ko naman.

“Naiintindihan kita Ate Ly. Pero isipin mo nalang din ang mararamdaman ni Daimien. Masiyado pa siyang bata.”

Napatungo ako sa sobrang lungkot.

“You're right. I'm sorry.”

Naramdaman ko naman ang mga kamay niya na yumapos sa katawan ko.

“It's okay Ate. Makakasama mo din si Daimien. Soon.”

DEN'S CONDOMINIUM

“ALYSSA CAYMO VALDEZ! OH MY GOD!” Isang nakakabinging sigaw ang sinalubong sakin ng magaling kong best friend.

“Waaaah! Etchusera kang babae ka! Ni hindi kay man lang sumasagot sa mga tweets ko!” Sabay hampas niya sa balikat ko.

“Teka, bakit nga pala dala mo yang maleta mo?”

Sasagot palang ako kaso bigla naman siyang sumigaw.

“Don't tell me dito ka titira?!!!”

Hays Den.

“OMG! DITO NGAAA! WAAH!”

Napailing nalang ako. Hindi halatang miss ako ng babaeng to. Tsk tsk. Hahaha.

“Welcome to my humble condo! Feel at home Bebe Ly!” Sabi nya habang nakabuka ang dalawa niyang kamay na parang wine welcome niya talaga ako.

“Che! Dami mong sinasabi.” Tapos ay pumasok na ko sa loob hila hila ang maleta ko.

Wala pa ding pinagbago ang condo niya. Palagi pa ding malinis.

Papasok na sana ako sa isang kwarto kung saan ako nag-sstay kapag naglalayas ako dati minsan, kaso bigla niya kong hinarang.

“Dun ka nalang sa kwarto ko. Hehe.”

Kumunot naman ang noo ko.

“At bakit?”

“Eh kasi dito minsan natutulog yung boyfie ko, kaya dun ka nalang. Para tabi tayo.” Sabay ngiti niya ng malapad.

Alangan namang mag-inarte pa ko diba?

“Okay fine. Pero hindi naman ako magtatagal dito. Hahanap din ako ng matutuluyan ko.” Sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko.

Tinulungan niya naman ako.

“Sus, tapos kapag may problema ka bubulabugin mo na naman ako. Hay nako Alyssa!” Umiiling na sabi niya.

Natawa naman ako. Totoo yun. Lahat kasi ng problema ko sa kanya ko sinasabi, bukod sa pamilya ko.

Maliban nalang nung mga panahong nagbubuntis ako.

And yes, wala siyang kaalam slam na may anak na ko, kami ni..never mind.

“By the way, alam mo bang nakita ko si Kief last Monday?” Nakinig lang ako sa kanya.

“May kasama nga siyang batang lalaki, tapos Daddy ang tawag sa kanya. Anak niya kaya yun? Sino namang Mommy nung bata? Hmmm.” Napalunok ako at napatingin sa kanya.

Tahimik lang ako na parang walang alam. Sht. Naguguilty ako.

“Hindi mo na kailangang ma-guilty.” Napatingin agad ako sa kanya.

“H-ha?” Nagmamaang-maangang tanong ko.

“I already know that you and Kiefer have a son.”

Napakagat ako sa labi ko at napayuko.

“Sorry Den.” Naluluhang sabi ko.

“Sa totoo lang, gusto kong magalit sayo. Gusto kitang itapon sa Mount Fuji. Dapat nga hindi kita tinanggap ngayon eh.”

I know, I know. I deserve to be treated like that after everything that I'd done.

“Pero nung nalaman kong walang nakaalam sa pagbubuntis mo, naintindihan ko kung bakit mo tinago. Alam kong mahirap ang pinagdaanan mo dati. Siguro hindi ko alam kung anong pakiramdam na mawalay sa anak dahil hindi pa naman ako Mommy, pero alam kong masakit. Kaya please lang Ly. Alam kong hindi ka showy na tao pero nandito lang ako. Kaming mga kaibigan mo. Always remember that.”

“Yeah. She's right. Nandito lang lang kami lagi.” Nagulat ako nung may magsalita sa likod ko kaya agad akong napalingon. Si B-bea..

“We're beshies right?” Si E-ella.

“And beshies stays forever.” A-amy..

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.

“G-guys...” May sasabihin pa sana ako kaso napahagulhol na ko ng iyak.

Nadinig kong nagtawanan sila at agad din nila akong niyapos ng mahigpit.

“We're here for you Ly. Sa'yo at sa inaanak namin!”

Natigilan ako sa pag-iyak.

“*sob* I-inaanak?”

Tumango silang apat.

“Ninang kaya kami sa binyag ni Daimien!” Sabay sabay na sigaw nila.

At dun ulit ako napaiyak.

Ang dami kong pagkukulang sa anak ko. Ang sakit marealize na wala ako nung mga panahong ginaganap ang pinakamahahalagang pangyayari sa buhay niya.

I'm sorry Daimien. I promise, Mommy will make it all up to you.

---
Ano na? Kawawa si Mommy Ly. Miss niya na yung babe niya. Tsk tsk. Eh pano naman sila ni Daddy Kiefer? Pag-iisipan ko kung gagawin ko silang in love sa isa't isa. O kaya si Kiefer ay kay Mika. Hahaha.

Hello sa JhoBea shippers! May story ako para sa inyo. Hahaha. Request lang ng isang fan :) Check it on my profile. The title is Bea Desperada. Thanks!

Single Dad (Kiefly Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon