Chapter 14

3.6K 103 5
                                    

Alyssa's POV

Agad akong tumakbo pataas ng hagdan ng walang ingay.

Nung makarating ako sa taas ay agad akong pumasok sa kwarto ng anak ko.

“Mom what took you so long?” nakasimangot na tanong ni Daimien.

I smiled at him.

“Sorry. Let's take a bath na?” I said with my joyful voice.

“Yehey!”

Habang pinapaliguan ko ang anak ko ay hindi ko pa din maiwasang hindi maalala yung nadinig ko kanina.

“Mom, she's Mika. My girlfriend.”

Napabuntong hininga ako.

Para akong tanga.

Bakit ba ko nalulungkot? Ano bang masama kung magka-girlfriend ang tatay ng anak ko?

Hindi naman kami.

Tama, hindi naman naging kami.

“Mom are you alright?”

Natauhan ako bigla.

“O-of course.” Sabi ko tapos ay pinagpatuloy ko na ang pagsasabon sa katawan niya.

“But you look sad.” Natigilan ako.

Binaba ko ang sabong hawak ko at tiningnan ko sa mata ang anak ko.

“Anak, can you promise me one thing?”

“Ano po yun?”

“Wag mong iiwan si Mommy ha? Promise me na ako lang ang tatawagin mong Mommy.”

Am I being selfish?

Kung oo, wala akong magagawa. I guess takot lang talaga akong pati anak ko ay maagaw ng kung sino diyan.

<.<

“I promise.” Sagot niya habang nakangiti.

“Pinky promise?”

Tumawa siya at nagpinky promise sakin.

“I love you Mom.”

Niyapos niya ko.

Niyapos ko din siya kahit na puro sabon ang katawan niya.

Looking on the bright side, I still have my son.

And I'll do anything to make him happy.

“Mom it's getting cold.”

Napatawa naman ako sa anak ko.

“Ikaw kasi eh. Napakadrama mong bata ka.” Sabi ko habang binabanlawan siya.

“What's madrama Mom?”

Napakamot naman ako sa ulo ko.

Bakit kasi pinalaking englishero to ni Kiefer =.=

“Don't mind that nalang.” sabi ko.

Tinuyo ko ang katawan niya saka binihisan ng pajamas.

Nakasampa na siya sa kama pagkatapos kong imisin ang mga laruan niya.

Akala ko tulog na siya kaya lalabas na sana ako.

“Mom!”

Nilingon ko siya.

“Are you gonna leave me again?”

Biglang kumirot ang dibdib ko.

Pakiramdam ko ay sinaksak ako ng katotohanan.

Single Dad (Kiefly Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon