Chapter 8

3.6K 113 9
                                    


Alyssa's POV

"I'm fine."

"Sure ka? Wala ka bang kailangan?"

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko.

"Enough with this guys. I already said I'm fine for the tenth times." Bigla naman silang nag-iwasan ng tingin.

"We're sorry. Concern lang kami sayo." Nakayukong sabi ni Ella.

Napangiti ako kahit papaano.

"I know. Kaya nga sorry din dahil pinag-alala ko kayo. Basta. Okay lang ako."

Sabi ko. Nadinig ko naman silang bumuntong hininga.

"Okay fine. Pero sigurado ka bang makikipagkita ka na ngayon kay Kiefer?" Sa tanong na yun ni Den ay parang bigla akong nag-dalawang isip.

"O-oo naman. Tsaka isa pa, para naman yun sa partnership ng business namin." Sabi ko sabay punta sa kwarto para kunin ang cellphone ko.

"Are you really sure that you're ready to face him again?" hinawakan ako ni Amy sa balikat.

"S-sure na sure!" Sabi ko naman..

"Sige lang. Gora ka na. Wag na wag ka lang ulit uuwi dito ng parang batang nawawala ha." Tapos nagtawanan sila.

Napailing nalang ako.

"Whatever guys. Bye!"

"Bye Alyssa!" Tapos ay sinara ko na yung pinto.

Habang naglalakad ako papunta sa parking lot ay nanlalamig ang kamay ko.

Shit kasi. Kinakabahan ako.

Nagdrive na ako papunta sa company nila.

Pagpasok ko ay kanya kanya ng bati yung mga empleyado.

Ngumingiti at bumabati din naman ako.

Pagpasok ko sa elevator ay agad kong pinindot ang top floor.

"Wait!" Dinig kong sigaw kaya agad kong naiharang kang kamay ko bago pa magsara ang elevator.

At pagbukas na pagbukas muli non ay bumungad sakin ang isang babaeng naka-office suit.

"Oh Alyssa, I thought you were someone." Nakangiting bati niya sakin.

Ngumiti din ako.

"Nice seeing you again Mika."

Kahit naman nagselos ako sa kanya DAHIL KAY DAIMIEN ay kaibigan ko pa din siya.

"What brings you here by the way?" tanong niya.

"Ah, nothing personal naman. I just came here to rip off your face for stealing Kiefer and my son."

"What the hell are you saying?!"

"Bingi lang 'te? Tanga ka ba o sadyang tanga ka lang?"

"Aba't sumusobra ka na ha!"

"Talagang sumusobra na ko sa ganda! Kesa naman sayo na puti lang ang nagdala!"

Tapos ay sinabunutan niya ko kaya sinabunutan ko din siya.

Hanggang sa mahulog kami parehas sa butas na nasa elevator.

"Alyssa?" Bumalik ako sa katinuan nung tawagin ulit ako ni Mika.

"H-ha? Ah oo. Haha." Tumawa nalang ako kunyare pero ang totoo ay hindi ko naintindihan yung sinabi niya.

Phew. Ang hanep ng imagination ko. Di ko ma-reach!

Single Dad (Kiefly Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon