Chapter 6

3.5K 122 18
                                    


Alyssa's POV

Time check. 9:30 am.

Pawisang pawisan na ang mukha ko at nangangawit na din ang mga binti ko.

Anong oras na, wala pa din sila. Naiwan ko pa ang cellphone ko sa condo kaya hindi ko matawagan si Dani.

Sarado pa din ang kompanya tapos ako lang ang tao dito.

Hindi kaya naisipan ni Kiefer na pumuntang America tapos isinama niya si Daimien tapos hindi ko na ulit nakikita yung anak ko..

NOOOOOOO!

“Hindi ako papayag.” Bulong ko sa sarili ko habang magkasalubong ang kilay.

Hindi ako papayag na hindi ako makikilala ng anak ko. Ayoko. Ayoko. Ayokoooooo--

🎶Let's all go to shakey's.
Let's all go to shakey's.

Natigilan ako sa nadinig ko at napatingin sa isang Van na kadadaan lang habang tumutugtog ng malakas ang kanta ng shakeys.

“Let's all go to shakey's.” Pasimpleng kanta ko kahit may dumadaan sa harap ko.

Wala eh, nakaka-LSS ang kanta ng shakey's.

Wait lang, ano nga bang sinasabi ko kanina?

“Ah oo.” sabi ko habang tumatango.

Ayokoooooo!

Kailangan kong makita ang anak ko!

*kruu kruuu*

Napahawak ako sa tiyan ko.

“Mamaya nalang pagkakain ko.” Sabi ko naman sa sarili ko habang kumakamot sa batok ko.

Mamaya pa naman siguro sila no?

Bakit kasi naiwan ko pa ang cellphone ko. Hindi ko tuloy ma-contact si Dani.

Nagdrive ako papunta sa pinakamalapit na Mall at agad na pumunta papunta sa favorite na kainan ko.

“Good Morning Ms. Alyssa, welcome to Jollibee.”

Ngumiti ako kay Manong Pol. Oo kilala ko siya. Paano? Secret. Hahaha.

“Good Morning din po!”

Pagpasok ko ay agad na kumaway sakin si Ate Omy. Yung cashier.

Ngumiti ako at papunta na sana kaso may humarang sa daan ko.

“OH MY GOD! ALYSSA VALDEZ?! WAAAH! I'M GONNA DIE I'M GONNA DIE! PAPICTURE PO PLEASE?!”

Natawa naman ako sa cute na batang to. Halos karamihan sa na-eencounter ko eh ganito ang sinasabi.

Ano bang meron sakin?

Tao lang din naman ako. Nagkakamali din, hindi kagandahan at mas lalong hindi artista para may magpapicture.

Pero kahit ganun, minahal ko na din sila. Yung mga fans. Kasi para sakin, sila yung pangatlong pamilya ko.

“Sure thing.” tapos ngumiti ako.

Nilabas niya yung cellphone niya at halos mahulog na ito sa panginginig ng kamay niya.

Pero dahil alam kong blurred ang kuha nun, kahit gutom na gutom na ako ay isinantabi ko muna yun.

“Ahm, ako na ang maghahawak.” Nakangiting sabi ko.

Tumango siya habang nakangiti pa din.

At yun, nakailang take kami ng pictures.

Why not give it to them diba? It's the least you can do for all their supports and hardworks.

“Thank you po talaga. Huhu. Naiiyak po ako. Minsan lang po to. Pwede na po akong itapon sa Ilog pasig. Huhu.”

Oh my god, umiiyak na nga siya.

Niyapos ko siya at pinunasan ang mga luha gamit ang damit ko.

“Don't cry. You'll see me din naman next time. I promise.”

“Talaga po? Kelan po?” humiwalay siya sa yakap habang nagpupunas ng luha.

“Soon. What's your name by the way?”

Tapos bigla naman siyang nagpapadyak ng nagpapadyak.

“Eto na nga bang sinasabi ko eh. Huhu. Ifofollow niyo na po ba ako sa IG o di kaya twitter? Huhu. Sam Villegas po.” Sabi niya habang umiiyak.

“Hahaha. No prob. Okay, I'll take note of that.” sabi ko habang tinatype sa cellphone ko yung pangalan niya.

“Ah Sam, gusto ko pa sanang makipag-chikahan, kaso ano eh, gutom na ko eh.” Sabi ko habang kinakamot ang batok ko.

“Okay lang po! Sige po, una na ko. Salamat po ulit!” tapos nagtatakbo na siya palabas.

Hanep na batang yun. Basta basta nalang tumatakbo.

Anywaayyyy! Eto na nga. On the way na kooo.

Padalawa na ako sa pila. Hooo! Salamat lord!

Maya maya..

“Hi Ly! As usual ba?” Tapos tumango ako.

“Yes please.” Ngiting ngiting sabi ko.

Pagkabigay sakin ay pumwesto na agad ako malapit sa pinto sabay suot ng cap ko.

Mahirap na akong maistorbo pag nakain no. Nagwawala to. Hahaha.

Waaahhh! Sa wakas! Makakakain na din ako ~0~

Saktong kakagat na ko ng burger nung may madinig akong boses.

“Yey! Jollibee!”

Naibaba ko ang burger ko at napalingon sa likod ko.

S-si K-kiefer.. Yung a-anak ko..

“What do you want Mami Mika?”

W-WHAT?! M-mami?! Si M-mika?!

“I want jolly spaghetti. How ‘bout you baby boy?”

“SPAGHETTI!”

“Hahaha. Okay Daimien. Go with your Mami Mika and find us seats.”

“Aye aye Daddy! Mami let's go!”

Parang dinurog ang puso ko sa nakita at nadinig ko.

Parang naubos lahat ng lakas ko at nawalan ako bigla ng ganang kumain.

Pinilit ko ang sarili kong tumalikod at yumuko nung mapansin kong papunta sila sa direksyon ko.

Nung naramdaman kong nakalampas na sila ay bigla nalang tumulo ang luha ko.

Sobrang sakit makita na may ibang kinikilalang ina ang anak mo.

And seeing those smiles from Kiefer and Daimien's lips, it breaks me even harder.

Nanghihinang tumayo ako.

I need to get out of this place.

I want to go home. I want to cry.

Pinilit kong lumabas ng hindi humihikbi.

Malapit na ako sa pinto nung may humawak sa braso ko.

And it's Kiefer.

“Alyssa?”

Another tear came out from my eye when he calls my name.

“I-i need to g-go.” iniiwas ko ang tingin ko bago buong lakas na hinatak ang braso ko.

Agad akong tumakbo palabas ng mall.

Hindi ko na napigilan.

I burst out crying.

Masakit. Sobrang sakit.

“ALYSSA!”

---

SOOOOOOO. Sinong umiyak? Hahaha. Joke. Hi kay Sam Villegas! Baby ko yan! Hahaha. Thank you sa pagbabasa kahit AlyDen shipper ka ata ^___^

Single Dad (Kiefly Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon