Chapter 18

3.3K 110 9
                                    

ALYSSA'S POV

“So how's Tagaytay?” Nakangiting bati samin ni Tita Mozzy.

Nagkatinginan kami bigla ni Kiefer. Pero ako na yung unang umiwas ng tingin.

“I-it's fine Tita.” sabi ko habang nakangiti.

“Ahh. So did you two enjoy it?”

“YES!” napatingin kaming lahat kay Kiefer nung bigla siyang sumagot agad agad tapos ay pasigaw pa.

Shocks.

“I mean yes. I-i realize that it was fun living with only nature on our side. T-that's what I was meant to say.” Paliwanag niya habang nauutal utal pa.

Muntik na kong mapa-face palm.

Ayokong malintikan kay Tita Mozzy kapag nalaman niyang may nangyaring--alam niyo na.

At isa pa, may girlfriend si Kiefer.

Wait, so ako pala yung lumalabas na malandi dito? Ako yung third party?

Waaaaahhh! I kennat!

“Mom? Dad?” Napalingon kami sa loob ng bahay.

At nakita ko ang anak kong naka-pajama pa habang gulo gulo ang buhok at kumu-kusot kusot pa sa mata.

Muntik nang matunaw ang puso ko dahil sa anak ko.

He is so adorable.

“Where's Daddy's hug ha?” Sabi ni Kiefer na sa tingin ko ay nakapag-pagising ng diwa ng anak ko.

“You're back!” Masiglang sigaw nya sabay takbo sa Daddy niya.

“Hmmmm! I miss you!” Nanggigigil na sabi ni Kiefer kaya hindi ko maiwasang hindi mapatawa.

Medyo matagal na din silang magkayapos nung magsalita si Daimien.

“Dad. Don't be selfish. I also want to hug Mommy.” Napatawa agad si Tita Mozzy at Dani sa sinabi ni Daimien.

Dahil dun ay binitawan na ni Kiefer na halatang nabitin pa si Daimien.

I open both of my arms for him and as a return, I got the sweetest hug that I could ever imagine.

Parang nawala lahat ng pagod ko. Parang nawala lahat nung problema ko. And it's all because of this little child of mine.

Why did I even left this innocent child? How could I?

“Mom stop crying. I know you miss me.” Napahawak ako sa mukha ko at tama nga siya. Umiiyak na nga ako.

Ang babaw talaga ng luha ko.

“Don't worry. I'll give you a kiss so you won't cry na, okay?”

Napangiti ako. Tumango nalang ako at agad niya akong hinalikan sa pisngi.

“There. Feeling better?” Tanong niya habang nakahawak ang maliliit na kamay niya sa magkabilang pisngi ko.

“Yep. Thanks to you.” Tapos ay kiniliti ko siya sa bewang na nakapagpatawa naman sa kanya ng malakas.

Thank god I have a child like this.

“Mom, Dad, can we take a picture? So I can put a frame na in my room.” Nagkatinginan kami ni Kiefer at sabay na napatango.

“Ako nalang yung kukuha ng picture!” prisinta ni Dani.

Pumwesto kaming tatlo. Nasa gitna si Daimien na karga ni Kiefer.

“3,2,1!”

“Mom, you carry me naman.” sabi ni Daimien kaya kinuha ko siya kay Kief.

“3,2---”

“Wait Tita Dani!” Napatingin kami kay Daimien.

“Dad, put your arm on Mommy's shoulder.”

“Ha?”

“Dad, don't be too slow. I know you get what I'm saying.” Seryosong sabi ni Daimien.

Dahil mukhang mabubwiset na anytime ang anak ko ay umakbay nalang sakin si Kiefer.

Para tuloy akong nakuryente at tila hindi mapakali sa lagay namin.

Kahit medyo awkward ay nagawa ko pa ding ngumiti ng ayos. Sana nga lang ay hindi to pilit sa camera.

“3,2,1!”

“Babe! You're back!”

Napalingon kami sa may gate at nakita si Mika na kadadating lang.

Naramdaman ko ang agad na pag-alis ng kamay ni Kiefer sa balikat ko at dali daling lumapit kay Mika.

I don't know why, but I feel like I should be disappointed by what he did. 

“I miss you.” sabi ni Kief sabay yapos kay Mika.

Okay sige. Okay lang na dito kayo mag-ganyan.

“Uhm sorry to interrupt you, ATE Mika, but can you please take us a photo?” Napatingin si Mika kay Dani na may hawak na camera.

Mukhang naghehesitate pa si Mika pero sa huli ay pumayag din siya.

“S-sure.” sabay kuha nito sa Camera.

Nakita kong may binulong si Dani kay Kiefer kaya napatingin siya sakin na agad ko namang iniiwas ng tingin.

Karga ko pa din si Daimien habang si Tita Mozzy naman ay nasa gilid ko. While si Dani ay katabi ni Kiefer. So bale si Kief yung nasa kabilang dulo.

Mika was about to count when Dani interrupted.

“Let's exchange positions Kuya. Para you're with your own family so it would look nice,” sabi ni Dani na nakipagpalit ng pwesto kay Kiefer.

“Dani.” Warning ni Kief.

“What? It's true naman diba? You already have your own family.” Sa tono ng pananalita ni Dani, it looks like she wants to insult Mika.

“Stop it Dani.” Inis na saway sa kanya ni Kiefer.

Dani also looked pissed.

“Whatever.” She said before walking out.

I look at Kiefer and I saw him looking outside the gate..looking at Mika.

Something pinched my heart just by seeing him run after Mika who I think is currently crying by what Dani said.

I sighed.

I shouldn't be here.

Parang isang napakalaking panggulo ko sa pamilya'ng to. Sa relationship nila.

“Don't worry Ly, I'll talk to Dani. You can take Daimien home if you want.”

Napalingon ako sa likod ko and there I saw Tita Mozzy giving me a genuine smile.

“Thank you po.” I answered and she just nodded in response.

I look at my son only to find out that he was already sleeping.

I took a glance outside the gate before entering the door, and there I saw the two of them kissing.

I turned my back and made my way upstairs.

Stop what you're feeling Alyssa. You're only hurting yourself.

He will never be yours..Never

---

Dahil broken hearted ako, yan yung naisulat ko. Hahahaha. Leave your commentssss! Talk to me please! Huhu.

-Pinksadist

Single Dad (Kiefly Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon