Chapter 12

3.7K 109 2
                                    


Alyssa's POV

"Uwaaaaah! Uwaaaaah!" Napatakbo ako sa bench na kinauupuan ng anak ko.

"Anong nangyari?! Nasaktan ka ba ha? Anong masakit?" Natatarantang tanong ko dahil grabe ang iniiyak niya ngayon.

"Uwaaaaaahhhh! Uwaaaaaahh!" Nagsimula nang magtinginan samin yung mga tao.

Kinakabahan ako na parang pinipiga ang dibdib ko sa sobrang sikip. Ano ba kasing nangyari sa anak ko? Bakit siya umiiyak ng ganito?

Nako naman. Hindi ko to inexpect lalo na't nasa Amusement Park naman kami ngayon. Akala ko mag-eenjoy siya.

"Daimien wag ka nang umiyak please? Ano bang gusto mo? Chocolate? Ice cream? Toys?" Nagpilit akong ngumiti habang pinapatahan ang anak ko.

"Uwaaaaahh! Uwaaaaaahh!"

Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Kawawa naman yung bata. Mukhang hindi pa marunong yung nag-aalaga."

Natigilan ako at napatulala.

Naiiyak na ako. Pakiramdam ko ang sama sama kong ina.

Tiningnan ko ang anak ko at kitang kita ko kung paano siya mamawis at kung paano tumulo ang mga luha niya sa hindi malamang dahilan.

Huminga ako ng malalim bago kinuha ang towel sa bag ko.

"Mommy's here okay? Do you want to ride that?" Sabay turo sa bola na nasa pool.

(A/N: Yung pumapasok yung tao sa loob ng bola tapos magpapagulong gulong sa pool. Gets? Haha.)

Nakita ko ang pagkagusto niyang sumakay doon.

Napangiti ako ng kaunti bago pinunasan ang pawis ni Daimien.

"Let's go?" Ngumiti ako at inalok ko sa kanya ang kamay ko.

Tumahan naman siya bago hawakan ang kamay ko.

Napangiti ako.

Success.

I wonder how Kiefer handle Daimien's tantrums sa loob ng apat na taon.

Bilib na ko sa kanya.

He's a good father.

A very good one.

Kiefer's POV

Nasa office ako ngayon at kanina pa ko patingin tingin sa cellphone ko.

Where could they be?

Napabuntong hininga nalang ako.

I'm over reacting I know. Siguro hindi lang talaga ako sanay na mawalay sakin yung anak ko.

But looking on the bright side, si Alyssa naman yung kasama niya. Kaya I'm pretty sure that nothing bad would happen.

*knock knock*

"Come in." Sabi ko.

Pumasok sa loob si Mika na may hawak na folder. Nakangiti siya kaya ngumiti nalang din ako.

"Sir I'm done with this. Signature mo nalang yung kulang." I was amazed.

Kahapon ko lang to binigay sa kanya and the deadline was supposed to be on Friday. Pero hindi ko akalaing matatapos niya agad.

"Good job. And by the way, you can call me Kiefer kung tayong dalawa lang naman." Sabi ko. Parang masiyado kasing formal kapag Sir pa yung itatawag niya sakin.

Single Dad (Kiefly Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon