hindi natin maipagkakaila na sa tanang buhay natin, may isa tayong tao na hindi natin mapakisamahan ng mabuti. lagi nating nakakabangayan. lagi nating nakaka-away na umaabot na sa awayan ng lahi.
isa man ang mga taong ito na nang-aasar natin ng pangit, plat o kaya ay lampa, pero itinuturing natin silang isa sa mga taong... maisusumpa natin sa kamatayan.
gaya natin, may isang taong kinamumuhian si yumi lee. sa unang tingin, aakalain mong ang dalagang ito ay payapa ang buhay, ni minsan hindi ito sumimangot. palagi itong nakangiti at napakamasayahin.
"magandang umaga, yumi," bati sa kaniya ng isang janitor sa kanilang paaralan.
tumigil naman saglit ang dalaga para batiin pabalik ang nakakatanda. "uy, good morning, mang nesto!" saka siya nakipag-apir dito at saka naglakad na patungo sa kaniyang locker.
ilang palitan pa ng mga hi at hello mula sa ibang nakakakilala pa sa kaniya. may iilan pang mga taga-canteen ang nakasalubong siya at bumati rin. ito namang si yumi, bating-bati pabalik.
nang marating niya ang hallway kung saan naroroon ang kaniyang locker ay napaismid siya ng wala sa oras. sa dulo ng kwartong iyon ay nakahilig sa dingdin ang isang lalaki na hindi niya mapakisamahan.
kahit kailan.
si ryuji oh.
kung tatanungin si yumi, itinuturing niya itong antipatiko, mayabang, spoiled at walang modo. iyon ay sa tingin ni yumi. dahil nga magkaaway ang mga ito, wala kang maririnig na kung anong positibo mula kay yumi tungkol sa taong ito.
siguro kung sa ibang tao mo tatanungin ang tungkol kay ryuji oh ay iba ang maisasagot nila sa'yo. gwapo. matalino. malakas ang trip at kung anu-ano pa.
nagpatuloy na lamang si yumi sa kaniyang locker at binuksan ito. hindi pa rin kasi makalimutan ni yumi ang nangyari noon sa pag-itan nila ng ryuji oh na ito.
***
once upon a time but never a valentine, nangarap ang isang sixteen-year-old na si yumi lee na tumakbo bilang ssg president ng kanilang batch.
ilang taon na rin siyang usapan na naging responsable ito sa kaniyang posisyon bilang class president mula grade 7 ito. ngayong grade 9, susubukan niyang tumakbo sa mas mataas na posisyon.
suportado siya ng mga kaklase niya at ng ilan pang section sa kanilang batch. ito ay dahil alam na nilang matagal na nitong pangarap ang maging ssg president at malalapitan nila ito kung sakaliman.
walang nagtangkang lumaban sa babae noong mga panahong iyon. kung hindi, malaki ang tyansya niyang maging ssg president. isang boto lang ang kailangan niya.
papalapit na ang botohan ng kanilang paaralan at confident na confident ang batang yumi na mananalo siya sa labang ito.
ngunit nagkakamali siya...
isang araw... araw ng debatehan ng mga magkakalaban para sa mga posisyon sa supreme student government ay biglang umakyat sa entablado ang isang disisais anyos na lalaki rin.
nang makita ito ni yumi ay kumunot ang noo niya. doon niya nalaman na ang batang ito ay si ryuji oh. ang kalaban niya sa pagiging presidente.
napatiim naman si yumi at nag-iwas ng tingin. sa edad pa lamang nito ay kitang-kita ang ibang karisma na dala ng lalaki. lumipat ang tingin niya sa kaniyang kapwa mag-aaral at nawalan ng pag-asa...
karamihan sa mga kababaihan ay nahumalig sa lalaking ito. at mukhang ito na ang bobotohan ng mga ito. ang mas masama pa, mas marami ang bilang ng babae sa kanilang paaralan.
lumapit naman siya sa gurong tagapangasiwa at adviser na rin ng ssg. "ma'am, hindi po ba tapos na ang pagpapasahan ng certificate of candidacy?"
"oo, pero nagkasakit siya sa araw ng pasahan, kaya pinagbigyan na siya ng ibang ssg officers, with my consent, of course."
doon na nanlumo si yumi. nagkatinginan sila ni ryuji na nasa 'di kalayuan. nagsukatan sila ng tingin ng binata, ni isa ay hindi nagpapatalo.
at sa araw na iyon, mas nakumbinsi ni yumi sa sarili na... hinding hindi siya magpapatalo sa lalaking ito...
***
si ryuji naman ay nasa kabilang dulo ng koridor na iyon at busy sa pagtitipa sa kaniyang cellphone. may kausap kasi siya at ilang minuto na itong hindi nag-rereply kaya nag-aalala ang binata.
pag-angat ng kaniyang tingin ay bigla niyang nakita ang karibal na si yumi lee. may kung anong inaayos ito sa kaniyang locker at mukhang hindi pa nakikita ang presensya niya.
nawala naman ang pagkayamot niya sa ka-text nang makita si yumi ng mga oras na iyon.
"pre, nagreply na? ngumiti ka na, ah," sabat ng kaniyang kaibigan na nasa tabi niya.
mula sa pagkakatitig kay yumi, binaling ni ryuji ang tingin sa kaibigan na si kean song. matagal na niya itong kaibigan. simula nang lumipat siya noong high school ay kabuntot na niya ito.
umiling naman siya. "hindi. iba." tipid niyang sagot at saka tinuro si yumi na nag-aayos pa rin ng kung ano sa locker.
"hindi mo pa rin tinitigilan?" tumaas ang kilay ni kean sa kaibigan. alam niyang mapang-asar ito sa babae na minsa'y napagkamalan na niyang may gusto ang kaibigan kay yumi.
"bakit hindi?" ibinulsa na ni ryuji ang cellphone. "ang saya-saya niyang pagtripan."
natapos na rin si yumi sa pag-aayos ng kaniyang locker at pupunta na sa susunod niyang klase nang matandaan na madadaanan nga pala niya si ryuji oh. bumuntong hininga na lamang siya.
"tapangan mo, yumi. kapag may ginawa siya sa'yong masama, gantihan mo na lang..." bulong niya sa kaniyang sarili bago dumiretso sa paglalakad.
iniiwas niya ang tingin sa binata. kunwari'y may binabasa itong report na nasa ibabaw ng mga librong hawak-hawak. matunog na napalunok si yumi habang papalapit na siya sa kinapwepwestuhan ng lalaki.
inhale. exhale. okay. malapit ka na. hindi ka niya napansin! konting kembot na lang makaka----
"ay!"
"hala!"
"araaaay!" umalingawngaw ang tili ni yumi nang tumilapon ang hawak-hawak na mga libro at makipag-lips-to-lips sa sahig ng kwartong iyon.
"pwahahahahaha!" sabay ng kaniyang tili ay ang malakas na halakhak ng lalaking kaniyang kinamumuhian. tumingala si yumi at nakita ang malaking bunganga ni ryuji. "ang-- hahahaha-- you coul've--- hahaha-- seen--"
"I could've seen my face..." bulong ni yumi sa sarili at saka umupo sa sahig. tinignan niya ang kamay na mamula mula at pinagmasdan ang mga librong nagkalat sa sahig.
bwisit na ryuji!
"lampa!" huling pasabi naman ni ryuji bago umalis sa lugar na iyon kasunod ang kaibigan nito - na hindi niya alam ang pangalan - na may 'apaologetic look' sa kaniyang mukha.
napamaang naman si yumi sa kinauupuan sa sahig. mukhang na-enjoy na niya ang pakikipaglips-to-lips dito at nanatili lamang doon. pero ang hindi lamang niya maisip ng mabuti...
college na sila pero kung makaasta itong si ryuji, parang elementary student.
BINABASA MO ANG
cinnamoroll ✔
Short Story❝ isinusumpa ko sa harap ng monumento ni rizal, na ang pinakang-kaaway kong si yumi ay hinding-hindi magkakaroon ng asawa hanggang makakilala siya ng lalaking may cinnamoroll tattoo!❞ + paano nadamay ang isang cute na cute na cartoon character sa lo...