kahit pa gaano kasakit ang mga binitawang salita ni yumi lee, hindi pa ring mapigilan ni ryuji oh na mag-alala para sa babae. hindi niya alam kung anong gagawin nito.
kampante naman siya at alam niyang hindi magpapakamatay ang babae. gayunpaman, gusto niyang malaman kung nasasaan ang dalaga. gusto niya itong yakapin hanggang sa tumahan ito.
"jusko, lumala pa ata," napangiwi bigla si shin sa nakita, "siguro kung hindi time of the month hindi magiging ganito..."
kunot noong napatingin si ryuji sa kaibigan ni yumi. "anong ibig mong sabihin?" tanong niya.
itinaas naman ni herra ang isang pakete ng... napkin. "japan days ngayon ni yumi, eh. kaya siguro road rage ang ka-oa-an nung babaeng 'yun."
mas lalo namang nafrustrate si ryuji sa nalaman. parang wrong timing ang lahat. lalong-lalo na ang time of the month ng babae. at parang doon lang nagsink-in ang lahat sa kaniya.
what if hindi niya time of the month? what if hindi niya ito isinumpa? what if nagtapat na lang siguro siya? would it be better?
but knowing their situation before, malamang sa mga oras na iyon ay tatawanan lang siya nito at aasarin. eh 'di masasaktan na rin ang puso niya damay pa ang ego niya.
ryuji sighed in frustration. nalintikan na. paano na siya makikipagbati sa babae kung ganun?
ilang plano na ang inisip ni ryuji. kung paano niya lalapitan si yumi. kung paano siya hihingi ng tawad o kaya naman ay sisimulan ang usapan. gaya ng ibang lalaking torpe, parang lahat ng iyon ay cheesy at mahina ang dating.
ryuji sighed. nabuo na ang loob niya. hahanapin niya ang babae at saka magiging totoong lalaki na. lalakasan na niya ang loob at tatanggapin lahat ng sasabihin ni yumi.
oo, tama. ganoon nga ang gagawin niya. mula sa pagkakaupo sa canteen ay tumayo na siya at sinimulang hanapin ang babae.
pagod na pagod na si ryuji isang oras ang makalipas. halos buong campus ata ay nalibot na niya ngunit hindi pa rin niya nakikita ang pakay. asan na si yumi?
parang may kung anong umilaw sa kaniyang isipan. mukhang alam na niya kung sino ang lalapitan. ibinaliwala na niya ang pagkauhaw at pawis at sinimulang hanapin ang kalat na grupo ng pekpek bros at titifabs.
mabuti na lamang at nakasalubong niya ang ilang miyembro ng pekpek bros. noong unang marinig niya ang pangalan ng barkadang ito ay nawirduhan agad siya. isinawalang bahala na lamang niya ito at nilapitan ang tatlo.
kung hindi man siya nagkakamali, ang tatlong ito ay sina evo, lucky at turner. sa pagkakaalam niya rin ay magpipinsan ang tatlo.
huwag ka, may lahi ring tsismoso si ryuji, hindi lamang mangkukulam.
speaking of him having that kind of blood, totoo iyon. ilang beses na siyang nakabisita sa kaniyang lola sa probinsya at masasabing totoong mangkukulam ito. complete with the candles and voodoo dolls.
he was warned by her grandmother, na mag-ingat sa kaniyang mga sinasabi dahil malaking porsyento na magkakatotoo ito.
matapos noong maisumpa niya si yumi, gusto na niyang bawiin ang kaniyang mga nasabi ngunit hindi na ito pwede. nakaramdam siya ng guilt sa loob-loob niya dahil alam niyang hindi ito dapat naipataw sa babae.
ang kagaguhan niya ang dahilan ng lahat ng ito. pagkatapos niyang pumunta sa rizal park, pumunta na siya sa kaniyang pinsan na si duke lawrence at humingi ng pabor.
"hey," awkward na bati ni ryuji sa tatlo na napatigil sa paglalakad at napatingin na lamang sa kaniya, "uhm, kaibigan kayo ni yumi, tama?"
"ah, oo," sagot ni turner sa kaniya, "bakit pala?"
BINABASA MO ANG
cinnamoroll ✔
Short Story❝ isinusumpa ko sa harap ng monumento ni rizal, na ang pinakang-kaaway kong si yumi ay hinding-hindi magkakaroon ng asawa hanggang makakilala siya ng lalaking may cinnamoroll tattoo!❞ + paano nadamay ang isang cute na cute na cartoon character sa lo...