ilang araw ang lumipas, nagkasubsob-subsob na si ryuji sa kaniyang pag-aaral dahil ayaw na niyang maisip pa ang tungkol kay yumi at sa nanliligaw dito.
isang beses nga, sa sobrang gusto niyang malibang, natapos niya ang isang project na isang buwan pa dapat isusubmit. at least, na-submit agad niya ito sa kaniyang professor at siya ang may pinakamataas na grade.
kingina lang talaga! matapos ang project na iyon ay wala na siyang magawa na ma-didistract siya. kaya ngayon, frustrated na frustrated na siya dahil puros si yumi na lamang ang nasa isipan niya.
hindi kasi niya maatim na may ibang lalaki pang may tattoo bukod sa kaniya. oo, bukod sa kaniya. may tattoo na siya dahil sa lintik na fraternity na iyon.
pero ang ikinakakaba niya? na ang joshua tan na ito ay may cinnamoroll tattoo na isinumpa niya para kay yumi. hindi. hindi pwede. aniyo. hindi pwede.
naisipan naman niyang dumaan muna sa canteen saglit. matagal-tagal pa naman ang susunod niyang klase kaya doon na muna siya tatambay. si kean naman ay may klase pa at mamaya pa ang labas.
naupo siya sa isang lamesa at binuksan ang laptop niya. pero natulala lamang siya sa screen nito habang lumilipad ang isip...
malaki ang ngisi ni yumi na pumasok sa loob ng canteen. hindi niya maitago ang kilig na nararamdaman dahil sa kaniyang bagong manliligaw.
siguro hindi naman totoo ang sumpa na iyon. magiging masaya ako kay joshua. dama ko.
bigla niyang nakita si ryuji na nakaupo sa isang lamesa sa loob ng kanilang canteen. lumapit siya dito at umupo sa katabing upuan.
ngingiti-ngiti pa siya ngunit hindi siya nito pinansin. napanguso naman siya at tumingin sa screen ng laptop nito ngunit wala namang naka-open na app o video. mukhang natulala ang lalaki.
inangat naman niya ang kamay at pumitik sa may mata ng lalaki. doon nabalik sa huwisyo si ryuji at napapitlag.
hindi naman mapigilan ni yumi na mapahagikhik sa reaksyon ni ryuji. mukha kasi itong bata na nagulat at saka ngumuso. pero hindi pwede! hindi siya pwedeng ma-cute-an sa isa pang damuhong ito!
"ano ba? bakit ka narito?" masungit na tanong nito at saka binalik ang atensyon sa laptop at may binuksan na folder.
"ay ano ba 'yan," saka siya humalumbaba sa lamesang nasa harapa niya, "time of the month mo ba, ryuji? nako. daig mo pa ako!"
napairap na lamang si ryuji sa kaniya at siyang ikinatuwa niya. "bakit ka ba nandito? nasan na iyong manliligaw mo?"
mukhang mali ang pagtatanong ni ryuji na ito dahil biglang lumiwanag pa lalo ang aura ni yumi at nagsimula na itong magkwento tungkol sa manliligaw niyang ito.
habang nagt-type si ryuji ng kung anu-anong salita sa isang document ay patuloy lamang sa pagkwekwento si yumi tungkol kay joshua. joshua. fucking. tan.
kahit pa mukhang hindi siya interesado sa pinagsasabi ng dalaga, palihim siyang nakikinig sa mga kwento ng babae. kung gaano ito ka-sweet, ka-gentleman... na parang perfect itong boyfriend.
i can be sweeter. i can be more gentleman than him. i can be the best boyfriend you'll ever have.
hindi maintindihan ni ryuji ang sarili kung bakit nagngingitngit ang kaniyang kalooban habang naririnig ang mga kinekwento ni yumi tungkol sa manliligaw nito.
let alone, marinig lamang ang pangalan nito.
para kasing nahati na ang atensyon ni yumi sa kanilang dalawa. na parang dati, ang focus lamang ni yumi ay ang asarin siya, ang makipag-away sa kaniya. ngayon...
ngayon, puros joshua tan ang bukambibig nito. minsan na lang siya laitin ng dalaga. minsan na lang siya puntahan ng dalaga.
hindi na kaya ng kanyiang puso na marinig pa ang tungkol sa lalaking ito. mabuti na lamang at napansin niyang napadaan ang kaibigan, mukhang labas na ito mula sa klase.
"kean!" natigil sa pagtatalak si yumi nang tawagin ni ryuji ang kaibigan. napanguso siya at saka tinignan ang lock screen ng kaniyang phone na picture lamang po ni fafa joshua niya.
kean jogged to where ryuji and yumi is. amoy na amoy agad ni kean ang pagseselos ni ryuji pero he didn't push it. alam naman niyang itatanggi lamang ito ng lalaki.
"dito ka muna," utos ni ryuji, "bantayan mo ang mga pagmamay-ari ko..." saka ito tumayo at naglakad papunta sa pila ng canteen.
hindi naman sa pagiging malisyoso pero mukhang double meaning ang dating sa kaniya ng mga salitang iyon. nakangisi siyang umupo sa isang upuan na nasa tapat ni yumi.
"so, yumi, kamusta manliligaw mo?" tanong niya. kitang-kita ang mas pagliwanag ng mukha ni yumi at nagsimulang ikwento muli ang tungkol kay joshua tan.
mas lalong ngumisi si kean dahil sa mga naririnig. walang duda. putsa. magseselos talaga si ryuji sa mga sinasabing ito ni yumi.
"kaklase ko si joshua sa isa sa mga subjects ko," it was kean's turn to tell something about joshua, "at kilala rin siya ni thaddeous. ang alam ko may tattoo rin siya."
maybe it will not hurt if kean told yumi about the guy having a tattoo. besides, wala naman doon si ryuji. walang mananapak sa kaniya mamaya.
"talaga?! m-may tattoo siya?" masiglang tanong ng dalaga sa kaniya at tumango-tango naman siya.
"tunog bakla lamang pero sabi ni thad, cute daw 'yung tattoo..."
mas lalong nagliwanag ang mukha ni yumi.
nang magkasama si yumi at joshua papauwi ay doon naman niya naisipang tanungin tungkol sa tattoo ng binata.
"uhm, joshua," biglang tawag ni yumi habang nasa loob sila ng apartment niya. inaya niya kasing doon na lamang mag-dinner ang binata.
lumingon naman sa kaniya si joshua at ibinaba ang cellphone sa lamesita ng kaniyang living room. napanguso naman si yumi dahil palagi na lamang nitong hawak ang cellphone nito. pero ipinawalang-bahala na lamang niya ito.
"hmm? bakit, babe?" parang may kung ano namang kumiliti sa kaniyang loob nang tawagin siya nito ng endearment na iyon. minsan princess, mine at kung anong sweet na endearment ang tawag nito sa kaniya.
kulang na lang ay bukayo ang itawag nito.
"m-may tattoo ka raw? p-pwedeng patingin?" napalunok si yumi nang tanungin iyon. kinakabahan kasi siya dahil natatakot siya na baka mali siya at mapahiya lamang siya sa manliligaw niya.
napahinga siya at nagtatalon sa tuwa ang kaniyang kalooban. "oo, may tattoo ako. gusto mong makita? sige..." saka sinimulan nitong ihapit ang dulo ng t-shirt papataas.
:443":{���H(
BINABASA MO ANG
cinnamoroll ✔
Short Story❝ isinusumpa ko sa harap ng monumento ni rizal, na ang pinakang-kaaway kong si yumi ay hinding-hindi magkakaroon ng asawa hanggang makakilala siya ng lalaking may cinnamoroll tattoo!❞ + paano nadamay ang isang cute na cute na cartoon character sa lo...