si ryuji lee naman ay hindi magkamayaw sa pagtawa habang naglalakad sila ng kaibigan patungo sa canteen. batid ng kaibigan ay nagugutom ito at gusto nang kumain.
"nakakatuwa ang itsura niya," halos mangapos na sa hininga si ryuji habang paulit-ulit na kinekwento sa kaibigan ang nangyari na parang wala ito doon kanina.
"oo, pre, pang-ilang beses mo na bang sinabi iyan? mga pasampung beses na," saka naman ito nanapak. napa-aray naman si ryuji sa inasal ni kean. "loko! nasaksihan ko ang lahat. hindi mo na kailangang ikwento!"
kumalma naman si ryuji pero hindi pa rin naalis ang pagkapula ng kaniyang mukha. "tatanga-tanga naman kasi si yumi eh. hindi natingin sa dinadaanan ayan tuloy, natalapid."
"tinalapid kamo," iiling ang kaibigan niya habang pumipila, "hindi natalapid, tinalapid mo."
"oo na, oo na, sinadya ko nang ihara ang paa ko sa dinaraanan niya," pagsuko ni ryuji kay kean. doon naiba ang usapan nila hanggang sa makabili na sila ng pagkain.
nagtatangis pa rin ang ngipin ni yumi habang naroroon sa loob ng klase. hindi pa rin kasi niya makalimutan ang pagpapahiyang ginawa sa kaniya ni ryuji sa corridor na iyon.
gusto niyang gumanti pero hindi niya alam kung paano. gusto niya rin itong mapahiya gaya ng pagpapahiyang ginawa nito sa kaniya kanina.
ikaw ba namang makipaghalikan sa sahig sa harapan ng maraming tao, hindi ka pa mapapahiya noon? gaganti siya. gaganti siya sa ryuji oh na iyon!
sa mga sumunod pang mga klase ay nakatulala lamang si yumi. may plinaplano sa kaniyang isipan ngunit, gaya ng mga lecture ng kaniyang professors ay walang pumapasok sa isipan niya.
"ms. yumi lee?" pukaw ng atensyon ng kaniyang professor sa calculus. pambihira. kung kailan terror pa ang teacher...
binalingan ni yumi ng tingin ang terror teacher na nasa harapan na pala ng kaniyang kinauupuan. nakahalukipkip ito at matalim na nakatingin sa kaniya.
"y-yes, ma'am?" batid ni yumi na matandang dalaga ang guro. kaya siguro madalas na magsungit at mag-assume na ang lahat ng mga natutula ay dahil may iniisip na... kasintahan. blaah.
tumaas pa ang de guhit nitong kilay sa kaniya. "if you are going to daydream about your boyfriend, please, do not do it in my class."
"but ma'am, i don't have a boy---" tatanggi na sana si yumi nang biglang may sumabat na kaklase niyang lalaki.
"nako nako, baka si ryuji lee po, ma'am!" malakas ang kantyaw nito at nagsunuran na ang mga kaklase sa pang-aasar nito sa kaniya.
anila, the more you hate, the more you love, daw.
hindi naman mapigilang kilabutan ni yumi sa mga sinasabi ng mga kaklase. kinikilabutan siya na dumating sa isang punto na iisipin niya si ryuji bilang nobyo niya.
pero totoo naman. iniisip niya si ryuji. iniisip nga lang niya kung paano pagpipira-pirasuhin ang katawan ng kaaway at ipalapa sa mga pating sa pacific ocean.
hindi man niya sigurado na may pating nga sa pacific ocean ay doon na lang niya itatapon ang i-letchon nitong katawan.
bumuntong hininga naman si yumi at nag-unat. tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase niya para sa araw na iyon. bigla namang kumalam ang kaniyang tiyan at saka dumiretso sa canteen ng paaralan.
siguro mali ang pagpunta niya roon. dahil sa dami ng mukhang makikita niya sa loob ng canteen ay ang pagmumkha pa talaga ni ryuji ang kaniyang bubungaran.
parang kanina lamang ay iniisip niya kung paano pagpipira-pirasuhin ang lalaki. tadhana nga naman, pinagbibgyan siya ng pagkakataon.
nilapitan niya ang lamesa ni ryuji at ng kaibigan. mukhang hindi nito napansin ang kaniyang presenya at nagkaroon siya ng pagkakataon na makapunta sa likuran ni ryuji.
BINABASA MO ANG
cinnamoroll ✔
Historia Corta❝ isinusumpa ko sa harap ng monumento ni rizal, na ang pinakang-kaaway kong si yumi ay hinding-hindi magkakaroon ng asawa hanggang makakilala siya ng lalaking may cinnamoroll tattoo!❞ + paano nadamay ang isang cute na cute na cartoon character sa lo...