"bakit ka ba sunod nang sunod sa akin?!" inis na tanong ni ryuji oh sa nakasunod sa kaniyang si yumi lee. pagktapos na pagkatapos kasi ng huling klase niya ay sumulpot na naman ang babae.
kanina pa sumusunod sa kaniya si yumi at sa isang banda ng kaniyang isipan ay nagugustuhan niya ito. dahil palagi niyang nakikita ang inis na mukha ng babae. naiiraita sa isang banda dahil ang kulit-kulit nito.
"kasi naman!" sambit nito at pumosisyon sa kaniyang unahan. "umalis ka na kasi sa frat na iyon!" inis nitong untag habang naglalakad ng paatras.
hindi naman maiwasan na umangat ng isang dulo ng labi ni ryuji habang tinitignan ang babaeng nasa harapan niya. humahanga siya rito dahil hindi ito sumusuko kahit anong taboy niya rito.
lumiwanag naman ang mukha ng dalaga habang nakatingin sa mukha niya. "wow! ngumiti ka for the first time in forever!" saka ito pumalakpak.
bumalik naman sa pagkaseryoso ang mukha ni ryuji at inilingan ang babae. hindi na talaga ito magbabago. hyper kung hyper, makulit kung makulit.
"letse, tigilan mo nga ako, yumi," sagot ni ryuji habang tumitingala at nagpatuloy sa paglalakad, "ang sakit mo sa mata. ang pangit mo pa naman!"
napaawang naman ang bibig ni yumi at napatigil sa paglalakad paatras. dahil dito, hindi napansin ni ryuji na tumigil sa paglalakad si yumi at nabangga niya ito.
dahil sa mas malaki at mas malakas si ryuji, matutumba na sana si yumi sa sahig nang may brasong pumulupot sa kaniyang bewang at hinila siya papalapit sa dibdib nito.
hindi naman matangkad si yumi kaya ang tingin niya ay bumagsak sa leeg ng binata. napalunok siya nang makita ang adam's apple ng binata.
hory sheeeet! tili ni yumi sa kaniyang isipan, no! no! no! letse! hindi pwedeng ganito kami kalapit ng mangkukulam na ito!
napaangat pa ang tingin ni yumi at saka tumigil sa jawline nito. "sige, ilapit mo pa ako at baka maputulan ako ng ulo dahil sa talas ng baba mo."
sa simpleng pahayag na iyon ay naitulak siya ni ryuji papalayo. mukhang na-offend ito sa kaniyang sinabi. napabungisngis naman si yumi at pinigilan ang paghalakhak.
si ryuji naman ay hindi napigilan na hawakan ang kaniyang baba at masahehiin ito. letse talaga kamo. sa lahat naman ng mapapansin ng dalaga ay ang baba pa niya talaga.
ang hindi nila napapansin ay ang napupukaw nilang atensyon sa lugar na iyon. iilang mga dumadaang estudyante ang napapatingin sa kanila at ang ilan naman na nakatambay ay pinag-uusapan na sila.
mas may chemistry pa raw sila kaysa i-partner si ryuji kay miru.
"grabe kang babae ka," singhal na ni ryuji, "tsk. buti nga at hindi ka bumagsak sa sahig. iyan ba ang pagpapasalamat mo? wala ka na ngang pwet, eh."
"aba aba! sabi ng lalaking may abs! hmpf!" laban pabalik ng dalaga. hinding-hindi talaga siya papatalo sa lalaking ito kahit kailan.
ryuji growled in annoyance. hindi talaga titigil ang babaeng ito. "gusto mo lang makita ang six-pack ko."
"nye nye," umirap na lamang si yumi, "sige, ipakita mo. kapag meron ka nga, titigilan na kita, kapag wala ka, umalis ka doon sa frat!"
dito lang din pala babagsak ang lahat ng kanilang usapan. ang pangungulit ni yumi kay ryuji na umalis doon sa fraternity na iyon. ilang araw na ring kinukulit ni yumi ang binata at sa totoo lang...
gustong-gusto ni ryuji na pinipigilan siya ng babae.
para kasing may isang himala na bumagsak mula sa langit at hinampas ito sa pagkatao ni yumi. dahil sa mga araw na ito, nagiging concerned ito sa kaniya. nag-aalala ito para sa kaniya.
gustong-gusto niya na naiinis si yumi kapag sinasabi niyang hindi pwede. at gustong-gusto nito ang fighting spirit ng babae sa pagpigil sa kaniya.
ngunit minsan, nakakainis lamang ang babae dahil sa kakulitang taglay nito at pagiging childish ng babae. sabi ng lalaking hindi childish.
"tsk," saka umiling si ryuji sa dalaga na nakapamay-awang sa harapan niya, "sinabi ko na ngang huli na! naipasa ko ang initiation at kahit hindi ko man maipasa ay gusto ko pa ring sumali sa frat na iyon!"
liar! liar! kingina mo, ryuji! napaka-sinungaling mo! singhal ni ryuji sa kaniyang sarili. nagkakanda-leche ang kaniyang buhay dahil dito.
"kapag hindi ka umalis sa frat na iyon, ano..." nag-isip naman si yumi ng ipang-bla-blackmail niya sa lalaki, "ipagkakalat ko na hindi ka pa talaga tuli! at bayot ka hanggang ngayon!"
imbes na mainis si ryuji ay natawa siya sa babae. hindi na niya napansin ang kumunot na noo ni yumi dahil busy siya sa pagtawa. nang kumalma siya sa pagtawa ay tinignan niya lamang si yumi.
"eh isinigaw mo na sa lahat nung minsan na hindi ako tuli kahit tuli na ako!" sambit ni ryuji, "pero ang susunod na kakalat na tungkol sa tsismis ay hindi ako bayot dahil naanakan na kita..."
saka niya iniwanan si yumi doon sa gitna ng hallway na parang naestatwa at naging isang mansanas sa sobrang pagmumukha.
friday.
muli, katatapos lamang ng pinakahuling klase ni ryuji at lumabas na siya mula sa kaniyang room. pero parang may kulang... kulang na kulang...
walang yumi lee na maingay na sumalubong sa kaniya. walang yumi lee na pumipigil sa kaniya sa pagsali pa sa frat na iyon. walang yumi lee na nakikipag-deal sa kaniya para lamang umalis siya sa frat.
walang yumi lee na nakakabuo sa kaniyang araw.
kahit noong nililigawan niya si miru, parang may kulang sa kaniyang araw na hindi niya naaway si yumi. kahit isang segundo lamang, kulang na ang araw niya.
our of frustration, nagulo ni ryuji ang kaniyang buhok at umungol. it was out of frustration, 'wag kayong green. nagpatuloy lamang siya sa paglalakad.
papalabas na siya ng campus nang makita niya si kean at ang kaibigan nitong may maputing buhok. hindi niya alam na pwede na palang magpakulay ng buhok dito sa campus nila.
"kean! p're!" sigaw niya sa kaibigan. natigil ang dalawa sa pag-uusap nang lingunin siya ni kean. kinawayan siya nito at lumapit si ryuji sa kanila.
"oh, ryuji," tawag ni kean sa kaibigan at ipinakilala ang kasama, "ah! si thaddeous nga pala, kasama ko sa varsity."
nagtanguan lamang sila ng lalaki at muling binaling ang tingin sa kaibigan. "nakita mo ba si yumi? hindi ko pa kasi siya nakikita buong araw."
umaliwalas bigla ang mukha ni kean at inasar ang kaibigan, "wow! concerned ka na kay yumi? namimiss mo na?"
"kingina mo," malutong na mura niya sa kaibigan na walang ginawa kundi ang humalakhak.
"wait, do you mean yumi lee?" biglang sabat ni thad sa kanilang usapan. tumango na lamang si ryuji at tinignan ang lalaki.
kumunot ang noo nito na parang may iniisip. "parang kakalabas lamang niya, kasama si joshua."
"joshua? as in joshua tan?" kung kanina ay tuwang-tuwa si kean, ngayon ay naging seryoso ang mukha nito.
napalingon naman si ryuji sa kaibigan na biglaang sumabat. "huh? kilala mo iyon?"
tumango naman si kean. "oo. kaklase ko siya sa isang subject ko."
"if i'm not mistaken, nililigawan niya si yumi," kwento ni thad sa kanila, "kakaalis lang nila kanina, eh. nakita ko. ihahatid ata ni joshua."
bigla namang kumulo ang dugo ni ryuji sa narinig. so pinabayaan na lamang siya ni yumi?! biglaang wala na itong pake sa kaniya dahil lamang may nanliligaw na rito?!
wow... as in wow talaga...
"hindi ba... merong tattoo si joshua?" halos pabulong tanong na ni kean pero narinig pa rin niya ito... at doon na siya kinabahan.
tinignan niya si thaddeous kahit natatakot na siya sa isasagot nito. kung may tattoo ito... posibleng...
"sa pagkakaalam ko, oo," sagot nito na siyang nagpasabog sa puso ni ryuji, "kwento pa ata ay sa may dibdib daw. cute daw 'yung tattoo..."
nalintikan na.
BINABASA MO ANG
cinnamoroll ✔
Short Story❝ isinusumpa ko sa harap ng monumento ni rizal, na ang pinakang-kaaway kong si yumi ay hinding-hindi magkakaroon ng asawa hanggang makakilala siya ng lalaking may cinnamoroll tattoo!❞ + paano nadamay ang isang cute na cute na cartoon character sa lo...