kinabukasan, pumasok si ryuji oh na busangot na busangot ang mukha. kaliwa't kanan ang nakikita niyang bulungan ng mga estudyante tungkol sa isinigaw na impormasyon ni yumi sa canteen.
maaga pa, at hindi pa naman oras ng kaniyang klase pero sinadya niya ito. ipinilit niyang iwaksi mula sa kaniyang sistema ang mga sinabi ni yumi tungkol sa kaniya.
tuli ka na. tuli ka na. kingina ba...
"problemado ka masyado?" doon lamang nabalik sa mundo si ryuji nang marinig ang boses ng kaniyang nililigawan. si miru kwon.
ito ang nanalong ms. intramurals noong nakaraang taon at crush na ito ni ryuji bago pa man ang kumpetisyon na iyon. nagkakasama kasi sila sa ilang mga klase nito at naging close din naman sila sa isa't isa.
hindi nagtagal, nahulog ang loob ni ryuji kay miru. kaya heto siya, sumusubok ng pag-asa na masungkit ang puso ng dalaga kahit na alam niyang marami siyang kaagaw.
ikaw ba namang biyayaan ng ganda at kabaitan. hindi ka pa pag-aagawan ng mga adan sa mundong ito?
umiling na lamang si ryuji at saka ngumiti sa dalaga. "wala ito. may naalala lang ako pero ayos lang ako."
"nako. narinig ko 'yung tungkol sa'yo," saka gumuhit ang mapang-asar na ngiti sa mukha ni miru. bigla namang kinabahan si ryuji sa narinig mula rito.
"a-ano namang narinig mo?" pagtatanong niya. tila nahirapan siyang huminga ng mga oras na iyon at kailangan pa niyang buksan ang iilang butones ng kaniyang polo shirt.
nagkibit-balikat na lamang si miru. "nakipag-away ka raw kahapon kay yumi," sagot nito, "iyong palaging 'di mo makasundo..."
tumango-tango na lamang si ryuji at saka ngumiti. awkward. "promise. walang namamagitan sa amin!"
"oo na lang," saka tumawa ng mahina si miru sa kaniya bago huminto sa tapat ng isang pintuan, "oh dito na ang klase ko. see 'ya later?"
"opo, see you later, miru," ito na lamang ang nasabi ng binata at pumasok na si miru sa loob ng kwartong iyon.
sa totoo lang, oo, inaamin ni ryuji na gusto niya si miru at gusto niyang sumubok na sungkitin ang matamis na oo ng dalaga. pero iniisip pa lamang niya na magiging sila ay parang may kulang na agad.
kahit nga ngayong nanliligaw pa lamang siya, parang may kulang na sa pag-itan nilang dalawa.
iwinaksi na lamang iyon ni ryuji mula sa kaniyang isip. bakit ba siya nag-iisip ng ganoon? "siguro sa malakas na pagkakabatok ng amazona na 'yun, oo... baka 'yun nga..."
nang mga oras ding iyon, natapos ang unang klase ni yumi. hindi naman mapigilan ni yumi ang muling mag-unat. nangalay ang kaniyang likod kakakuba at kakahabol sa pagsusulat ng notes sa klase.
"hi yumi," bati ng kaniyang kaklase na si evo sa babae, "gusto ka raw imbitahan ng barkada para mag-lunch," saka nito tinuro ang isang lupon ng mga babae at lalaki sa kaniyang likuran.
hindi naman makatanggi sa alok ng mga ito si yumi. hindi na rin siguro masama ang makisalamuha sa mga ito. tumango naman si yumi kay evo, "sige ba."
malaman-laman ni yumi na may pangalan ang grupo. pekpek bros daw at titifabs ang pangalan. hindi naman nandiri sa pangalan si yumi sa halip ay natawa pa ito sa kalokohan at kabaitan ng mga miyembro.
"oh ano? volunteer na ako pag-order ng pagkain!" taas ng kamay ng isang babae. sa pagkakatanda ni yumi ay trixie ang pangalan nito.
"sama ako, petra!" asar naman ng isang kasamahan nitong si gold. "sige pagktapos isasangla kita sa cebuana." Nagtawanan naman ang lahat.
BINABASA MO ANG
cinnamoroll ✔
Short Story❝ isinusumpa ko sa harap ng monumento ni rizal, na ang pinakang-kaaway kong si yumi ay hinding-hindi magkakaroon ng asawa hanggang makakilala siya ng lalaking may cinnamoroll tattoo!❞ + paano nadamay ang isang cute na cute na cartoon character sa lo...