kahapon pa nawala ang dysmenorrhea ni yumi. malaki ang pagpapasalamat niya kay ryuji dahil, siguro, kung wala ito kahapon, magtitiis siya ng isang buong araw na walang kasama. nakatulong din ang mga dala nitong tsokolate.
tinignan niya ang oras sa kaniyang cellphone. 7:46 ng umaga. but it was a lazy saturday afternoon, ayaw pa niyang bumangon. at paano pati siya makakabangon kung may kamay na nakapulupot sa kaniyang bewang?
hinarap niya ang katabi na si ryuji. he was like a baby asleep. mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti nang mapagmasdan niya ito ng mabuti. napaka-payapa niyang matulog.
simpleng babae lamang siya. jolly at masayahin. ni minsan, hindi niya pinansin ang hitsura ng mga taong nasa paligid niya. hindi niya pinagbasehan ang mukga ng mga taong napapaligid sa kaniya.
doon siguro nagkamali si yumi sa dalawang nakaraang lalaki na napansin niya: sina jake at joshua. si jake iyong ka-ldr niya na nakipag-break na lamang sa kaniya. napansin niya ito noong convention dahil sa tangi nitong karisma at kagwapuhan. ganun din kay joshua. marahil ay nagwapuhan lang siya dito kaya niya ito pinayagang manligaw sa kaniya.
siguro si ryuji lamang ang pinakaiba sa kanila. mas napansin kasi niya ang mga katangian nitong... nakakaasar para sa kaniya. iyong tipong pinagtritripan siya at inaasar siya.
nasanay na siya sa mga kalokohan ng binata. kaya noong nanligaw ito kay miru, parang may puwang bigla sa kaniyang kalooban. at noong nalaman niyang isinumpa siya nito, mas lalo siyang nasaktan.
siguro, noong high school pa lamang, may gusto na siya kay ryuji. she just doesn't acknowledge the feeling dahil mas nangingibabaw ang inis niya sa lalaki.
ngayon naman ay lumabas ang gentle side ng binata. dahil dito, parang naging balewala na lamang ang mga kasalanan ni ryuji sa kaniya. sa loob-loob niya, sana si ryuji na lang ang may cinnamoroll tattoo.
napapikit naman siya nang maramdaman niya ang paggalaw ng binata. nagkunwarian siyang tulog na tulog pa rin. pinakiramdaman niya ang galaw ng lalaki.
"good morning," kahit bagong gising ay napuna ni yumi na mabango pa rin ang hininga ng binata, "hmm... ano kayang gusto mong breakfast?"
hindi naman siya sumagot. tulog nga siya 'di ba? pero muntikan na siyang mapamulat nang maramdaman niya ang malalambot na labi ni ryuji na kinintilan ng halik ang kaniyang noo bago bumangon at lisanin ang kaniyang kwarto.
kingina! it was like the sweetest thing that a guy could do for her!
muling nagmulat si yumi ng mata. wala na si ryuji sa kaniyang kwarto pero dama pa rin niya ang mga labi nito sa kaniyang noo. bigla namang umakyat ang lahat ng dugo papunta sa kaniyang pisngi.
letse kamo. dinaig pa ata niya ang kapulahanan ng pisngi ni sanha ng astro! pisting lalaki iyon!
maya-maya pa ay bumaba na rin siya. naamoy niya ang masarap na pagkain na marahil iniluluto ni ryuji. agad naman siyang dumiretso sa kusina upang kumpirmahin ang naamoy.
napangiti naman siya at nakitang nagluluto nga ang lalaki. his muscles were flexing while holding a spatula. nagpriprito pala ito ng itlog at sa kabilang pan naman ay pancakes ang nakasalang.
maybe it was wrong, but can she just dream of ryuji as her future husband? she can wake up to this scene everyday.
"oh, gising ka na pala," nabalik siya sa wisyo nang magsalita si ryuji, "umupo ka na. maluluto na'to."
"ah, maghahain na lang ako," ang tanging nasabi niya at naghain nga sa lamesa. matapos ay umupo na siya roon habang inilalapag ni ryuji ang kanyiang mga niluto.
sabay silang kumain ng agahan. minsan ay nagkwekwentuhan sila. minsan kung ano na lang ang mapag-usapan nila. random things. random thoughts. hindi nila napansin na naubos na pala niya ang kanilang pagkain.
"look, yumi," seryosong tawag sa kaniya ni ryuji, "i'm really sorry kung... naisumpa kita. n-nagalit lang talaga ako. nasaktan. pasensya na at hindi ko na iyon mababawi..."
binigyan niya ito ng maliit na ngiti, "it's okay, ryuji. naiintindihan kita at may kasalanan din ako. at least, hindi ako napunta sa mga gagong 'yun, 'di ba?"
mukhang hindi ito kumbinsido sa kaniyang sinabi. "still, i'm sorry. nadamay ka pa sa kagaguhan ko."
sa ibabaw ng lamesa, inabot niya ang kamay ng binata at pinagsaklop ang kanilang mga kamay. hindi rin alam ni yumi kung bakit niya ito ginawa pero may isang bahagi ng kaniyang isip na sinabing hawakan niya ang kamay nito.
at ginawa nga niya.
"i believe, ryuji, na may isang lalaki. a one in a million chance. isang lalaki, ryuji. he would sacrifice a lot, just to have a cinnamoroll tattoo... for me. for us," seryosong sambit ni yumi.
she was still hoping. hoping that it was ryuji.
pero nawalan ng pag-asa si yumi na si ryuji ito dahil nag-iwas ng tingin ang binata. nagbuntong-hininga na lamang siya at saka binitawan ang kamay ni ryuji.
para namang may biglang nagkulang kay ryuji nang bitawan ni yumi ang kaniyang kamay. nagsisi tuloy siya sa pag-iwas niya ng tingin sa dalaga.
wala siyang nagawa kundi mapabuntong-hininga. tumayo naman siya at pumunta muna sa CR ng apartment ng na iyon nang walang paalam. tinignan niya ang sarili sa salamin...
yup. it was him... but different.
uminit bigla ang kaniyang pakiramdam at hinubad ang kaniyang t-shirt. nakatingin pa rin siya sa salamin. "kingina mo, ryuji! ano na?! hayst!"
maybe yumi wouldn't mind him using her shower for a while.
si yumi naman ay may naalala bigla. hindi pa pala siya nagpapalit ng ano niya. girls, sure naman na alam niyo na ito.
tutal hindi naman alam ni yumi kung saan nagpunta si ryuji. she thought that he was in her room kaya dumiretso na siya sa CR at binuksan ang pinto.
napasinghap niya nang makita ang topless na si ryuji na nakatalikod sa kaniya. kinakalikot nito ang shower sa CR na iyon kaya nagfleflex ang balikat nito.
malakas na napalunok si yumi at tahimik na naglakad papalapit kay ryuji. nakatuon ang pansin niya sa isang parte ng likuran nito. nasa bandang ibaba ito ng likuran, sa may itaas ng suot na pantalon nito.
hindi mapigilan ni yumi na hawakan ni yumi ang tattoo nito. naramdaman niyang napatayo ng maayos si ryuji nang maramdaman niya ang kuko at daliri ni yumi sa pamilyar na lugar...
"i didn't know you have a tattoo," mahinang bulong ni yumi habang nakatitig pa rin sa tattoo ng lalaki. parang sinagot ang kaniyang dasal kanina. a ghost of smile crept up on her face.
"a cinnamoroll tattoo..."
ӻ
BINABASA MO ANG
cinnamoroll ✔
Short Story❝ isinusumpa ko sa harap ng monumento ni rizal, na ang pinakang-kaaway kong si yumi ay hinding-hindi magkakaroon ng asawa hanggang makakilala siya ng lalaking may cinnamoroll tattoo!❞ + paano nadamay ang isang cute na cute na cartoon character sa lo...