"i... i can explain," nangangatog ang boses ni ryuji habang humaharap sa bulto ni yumi na nasa likuran niya. nang tuluyan na niya itong makaharap ay hinawakan niya ang kamay nito, takot na baka tumakbo ito papalayo sa kaniya.
napanatag naman ang loob niya nang makitang tumango ang babae na may maliit na ngiti sa labi. "i'm listening, ryuji..."
bumuntong hininga na lamang siya. mahaba-habang pagpapaliwanag ito.
"sa totoo lang, pagkatapos na pagkatapos kitang isumpa noon, bigla na lamang akong na-guilty. i know you didn't deserve that kind of treatment. i was just hurt because you just came to me for our deal. sobra akong nasaktan noon.
"sinabi ko pagkatapos sa sarili ko, ryuji, ang gago mo. bakit mo isisumpa ang babaeng katulad niya? someone like yumi? kaya dumiretso ako sa pinsan ko. si duke lawrence..."
naputol ang kaniyang kwento nang magtanong si yumi. "d-duke lawrence? iyong pinuno ng beta phase? iyong fraternity?"
tumango naman si ryuji at nagpatuloy sa pagkwekwento. "oo, pinsan ko siya sa mother-side. kaya hindi kami magkaapelyido, but same middle name. ayun nga, lumapit ako sa kaniya para magtanong kung sino ang nagtatattoo sa kanila.
"sinamahan naman niya ako doon. noong dumating kami doon, nagdalawang-isip ako. am i really going to do this stupid thing? pero ang gago ko na nga lang siguro. kasi sumagi sa isipan ko na ayaw kong magpakasal ka sa iba. kingina! gusto ko ako lang!"
napasinghap naman si yumi sa kaniyang narinig. nagtatalon ang kaniyang puso habang naririnig ang mga sinasabi ni ryuji sa kaniya. parang unti-unti ay nabibigyan na ng linaw ang mga bagay-bagay.
"at humingi din ako ng pabor kay duke," pagpapatuloy nito, "gusto kong ipakalat niya na member na ako ng frat niya, na nakapasa ako sa initiation. it was targetted for you to hear it, at nagtagumpay naman 'diba?
"you were following me like a dog's tail," napatawa naman si ryuji saglit, "nagustuhan ko iyon sa'yo. pero kingina! bigla kang nawala tapos babalik ka na magkwekwento tungkol sa manliligaw mo? ang sakit... mas masakit pa dun sa pagbasted sa akin ni miru.
"noong kay miru, alam kong may kulang na agad. at noong marinig ko na may nanlilgiaw na sa'yo, nadurog ang puso ko. lalo na nung bigla mo na lang akong sugudin at sinabi ang mga bagay na iyon.
"i deserve it, yumi. lahat ng mga salita mo. ang gusto ko lang talaga ay... ako ang makatuluyan ko. kaya nagpatattoo ako ng cinnamoroll kahit nakakabakla! para sa'yo, yumi. kasi mahal kita..."
nangilid naman ang mga luha ni yumi nang marinig ang mga iyon galing kay ryuji. ngayon niya lamang narinig ang side ng lalaki dahil sa tuwing lalapitan niya ang lalaki ay puros kulitan at asaran lang ang ginagawa nila.
she didn't hold back. niyakap na niya ng mahigpit ang lalaki. isiniksik pa niya ang kanyiyang mukha sa leeg nito. naramdaman niyang natigilan ang lalaki pero maya-maya ay yumakap na ito pabalik.
"binabawi ko na sinasabi ko, ryuji," pabulong niyang sabi, "hindi ako nagsisisi na nakilala kita. hindi ako nagsisisi na nakipag-toss coin ako sa'yo... i realized na hindi talaga magwowork ang aming relasyon ni joshua at jake dahil may puwang ka na sa puso ko, mokong."
ramdaman naman ni yumi ang pag-angat baba ng dibdib ng lalaki nang ito'y tumawa. pinahupa niya muna ito at nagpatuloy pa rin sa pagbulong, "kahapon, i didn't wish for you to leave. kasi baka ma-bonbong marcos ako! siguro, hindi pa gaano kalalim ang feelings ko para sa'yo... pero natupad ang ipinagdadasal ko..."
humiwalay si ryuji at tinignan siya sa mata habang nakatingin sa mga mata ng babae. "ano namang ipinagdadasal mo?"
"na sana ikaw na lang 'yung lalaking may cinnamoroll tattoo," diretsong sagot niya sa lalaki, "i really like you, ryuji..."
ipinantay ni ryuji ang kaniyang mukha para makapantay ang mukga ni yumi. "sapat na iyon, yumi. i know you'll fall for me. it may not be now, but in the near future, basta akin ka..."
tumango na lamang si yumi at saka niyakap muli si ryuji. ilang minuto sila na ganoon lamang ang pwesto at tahimik lamang na dinadama ang presenya ng isa't isa.
ryuji decided to break the ice. "para naman akong may yakap na plywood..."
namula naman si yumi at hinampas ang dibdib ng binata. kunwaring napaaray ito at lalayo na sana siya nang bigla siyang hatakin pabalik ng binata.
"'di bale na. magagawan pa natin 'yan ng paraan," saka siya kinindatan ni ryuji na siyang ikinapula niya.
hindi natin maipagkakaila na sa tanang buhay natin, may isa tayong tao na hindi natin mapakisamahan ng mabuti. lagi nating nakakabangayan. lagi nating nakaka-away na umaabot na sa awayan ng lahi.
isa man ang mga taong ito na nang-aasar natin ng pangit, plat o kaya ay lampa, pero itinuturing natin silang isa sa mga taong... maisusumpa natin sa kamatayan.
gaya natin, may isang taong kinamumuhian si yumi lee. sa unang tingin, aakalain mong ang dalagang ito ay payapa ang buhay, ni minsan hindi ito sumimangot. palagi itong nakangiti at napakamasayahin.
pero hindi niya rin aakalain na ang taong nagpaiyak sa kaniya, nagpagulo ng buhay, nang-aasar sa kaniya, ay siyang taong magugustuhan niya rin. mula siguro nang makalaban niya ito sa ssg president, nagkapuwang na ito sa puso niya.
she just didn't recognize the feeling dahil nga nangingibabaw sa puso niya-- sa puso ko, ang inis ko para sa lalaking iyon.
wala mang kasiguraduhan ang aming relasyon ni ryuji pero nagpapasalamat na rin ako at may lahi siyang mangkukulam. hindi na niya mababawi ang kulam niya sa akin at ang kaniyang tattoo.
maraming salamat sa pagbuklat sa aming libro. parte lamang ito ng aming kwento ni ryuji oh, wala pa kaming alam sa kung anong mangyayari kinabukasan. pero iisa lang ang alam ko.
si ryuji oh, ang lalaking may cinnamoroll tattoo. ang sadyang itinakda sa akin ng tadhana, o siya mismo. dahil... siya lang ang lalaking gusto kong mapangasawa.
hanggang dito na muna siguro ang masasabi ko tungkol sa aming dalawa. i know medyo cliche pero... si ryuji 'to, eh...
"babe! tara na! mahuhuli na tayo sa appointment! baka masapok ka nanaman ng wedding planner!"
ayan na po siya. nagsusungit na naman. hanggang dito na muna, ah? but for the last time.
ako si yumi lee, ang taong isinumpa at nakatadhana sa isang lalaking may cinnamoroll tattoo, na walang iba kundi si ryuji oh.
yumi lee logged out.
p2-eazԻ
BINABASA MO ANG
cinnamoroll ✔
Short Story❝ isinusumpa ko sa harap ng monumento ni rizal, na ang pinakang-kaaway kong si yumi ay hinding-hindi magkakaroon ng asawa hanggang makakilala siya ng lalaking may cinnamoroll tattoo!❞ + paano nadamay ang isang cute na cute na cartoon character sa lo...