makalipas ang isang linggo, walang yumi na nagpakita sa kanilang paaralan. walang bumabati sa kanilang masayahing bata sa umaga. walang bumabati sa kay Mang Nesto at sa mga taga-canteen.
lalo namang nag-alala ang pekpekbros at titifabs sa pagkawala ng dalaga. apat na araw nang hindi pumapasok si yumi. ni hindi man nagpasabi sa kanila kung may sakit ito nang mga araw na iyon.
"hindi ko naman natanong ang number niya," usal ni ashton habang ini-swipe ang screen ng kaniyang cellphone. "at saka biglaan namang nawala..."
"nag-aalala na ako," sabat ni ziennah, "miss na miss ko na siya. kahit papaano naman kasi napalapit na tayo sa kaniya."
bumuntong-hininga si jarred at humilig sa kaniya kinauupuan. naroroon sila sa canteen ngayon at nag-uusap. lahat nag-aalala para sa kalagayan ng kaibigan nila. "sino bang may alam ng lahat tungkol sa kaniya?"
"si ryuji?" tanong ni jun ngunit umiling agad ang ilan sa mga kaibigan. broken hearted pa raw kasi ito.
napaisip naman agad si vantri. panigurado namang may isang nakakaalam kung saan nakatira si yumi... pero sino? ting! "alam ko na!"
napalingon naman ang lahat ng kaniyang mga kabarkada sa kaniya. ngumiti na lamang si vantri sa kanila. ngunit nainip na ata si pipay at nasinghalan tuloy siya.
"hehe, sorry na," paumanhin nito, "hindi ba pwedeng itanong na lang natin sa adviser or dun sa ibang may hawak ng information sa lahat ng students?"
as if on cue, lahat sila sabay-sabay na napa-facepalm. doon lamang nila na-realize na hinihingi lahat ng class advisers ang directory ng lahat ng estudyante. for easy access.
at iyon nga ang ginawa ng magbabarkada. napag-usapan na din nila na pagkatapos na pagkatapos ng lahat ng klase nila, pupuntahan nila ang bahay ni yumi lee.
sa kabilang banda naman, sa soccer field, doon nakatambay ang dalawa: si ryuji at kean. si ryuji ay hawak-hawak pa rin ang necklace na dapat ibibigay niya kay miru.
mula naman sa pagkakahiga ni kean sa damuhan ay bumangon siya upang agawin ang necklace na iyon.
"ano ba?" singhal sa kaniya ni ryuji pero huli na dahil naitapon na niya ito sa malayo. sinamaan siya ng tingin ng kaibigan. "wala ka na bang magawa sa buhay mo ha?!"
umiling na lamang si ryuji at tinukod ang kamay sa kaniyang tuhod. "ang sakit pa rin, bro. ang sakit na ma-basted ka. pucha..."
"huwag kang magmura. hindi iyan nakakatulong sa sitwasyon mo," abiso ng kaibigan niya, "siya nga pala, hindi ko na nakikita si yumi?"
nagpantig naman ang tenga ni ryuji nang marinig ang pangalang iyon. sa mga oras na iyon, ayaw na muna niyang makita ang babae na natupad dahil halos apat na araw itong hindi nagpapakita.
"baka pinatay na ang sarili niya," malamig niyang pahayag at saka itinuon ang atensyon sa pagbubunot ng damo. pwede na siyang grass cutter lalo na at ang talas pa ng baba niya.
hindi naman mapigilan ni kean na mabatukan ang kaibigan. napa-aray ito pero hindi niya pinansin ang daing. "ano ka ba. ang sama mo naman! babae pa rin 'yun!"
"babaeng may kaluluwang panlalaki kamo!" parang batang sumbong ni ryuji sa kaibigan. "at saka isa pa... ang sama niyang tao."
napataas naman ang kilay ni kean song habang tinitignan ang kaibigan. parehas lang kayong masama sa isa't isa, komento nito sa isipan. ngunit hindi na niya ito natanong nang magsimulang magkwento ang kaibigan.
"hindi na nga ako sinagot ni miru, dadag pa 'yang babaeng 'yan," kwento ni ryuji habang tinitignan ang field na nasa harapan nilang dalawa. "yumi lee has no shame for herself!"
damang-dama mo ang pait at galit ni ryuji para sa babae. sino ba namang hindi? kung lalapitan ka lang ng isang tao para lang magpalibre ng pagkain habang broken hearted ka?
letse, mura ni ryuji sa kaniyang isipan. "hayst! ang inuna pa ay 'yung pustahan! hindi man lang ako binigyan ng oras para maka-move on..."
"this conversation is starting to sound like..." putol pa ni kean, "you're not into miru at all..."
"kean, may ikwekwento nga pala ako..."
kinahapunan, nakasalubong ni kean ang grupo ng pekpekbros at titifabs. mukhang alam na niya kung saan ito pupunta base na lang na kulang sila ng isang miyembro.
"bro," tawag ni kean kay thaddeous. napukaw naman niya ang atensyon ng kaibigan at nakipag-fist bump dito.
natigil naman ang barkada sa paglalakad at tinignan silang dalawa. ngumiti siya sa ilan bago ibalik ang atensyon sa ka-varsity player. parehas silang naglalaro ng futsal, kaya magkakilala na sila.
"bakit pala, kean?" tanong ni thaddeous. hindi kasi siya kinakausap ni kean except na lang kung importante gaya ng practice o kapag kakausapin siya ng coach.
"saan kayo pupunta?" tanong ni kean habang sumusulyap sa grupo, "pupuntahan niyo ba si yumi?"
tumango naman si thad. "oo eh, nalaman kasi namin ang address niya. kaya pupuntahan namin. bakit?"
"pwede bang sumama?" kumunot naman ang noo ni thad sa kaibigan, "i have something to tell her."
hindi naman makapaniwala ang lahat (pekpekbros, titifabs plus kean) sa narinig mula kay yumi.
"ANO?! may boyfriend ka?!" sabay-sabay pa nitong mga sigaw. napasinghot naman si yumi at tinapunan sila ng gamit niyang tissue.
"oo nga ano ba!" giit ni yumi habang halata na may bara ang ilong, "kingina! ex na nga 'di ba?! e-x! ex! 'yung dapat kinakalimutan!"
long distance relationship lang kasi sila ng boyf-- ex-boyfriend niya. nagkakilala sila sa isang conference. iyon nga lan, magkaibang bayan na sila. nagkatext sila, nagkikita minsan hanggang humantong sa break up.
bumungad na lamang sa kaniya ang text nito na ayaw na niya at tinatapos na ang relasyon nilang dalawa. tapos nakita nito sa facebook ng gago na may iba na itong dinedate.
ngali-ngali niyang kantahin ang kanta ni taylor swift na better than revenge.
"siguro alam ko na kung bakit hindi nag-work out ang relationship niyo," sabat ni kean, "at hinding-hindi magwowork-out ang relationship mo, yumi, sa kahit na sinong magiging boyfriend mo..."
natahimik ang lahat hanggang sa tanungin ni yumi kung bakit. doon na naikwento ni kean na naisumpa nga ang dalaga sa bantayog ni jose rizal. na hindi ito magkakaroon ng asawa o boyfriend hanggang sa makakilala siya ng lalaking may tattoo na cinnamoroll.
natawa naman si yumi sa kwento nito. pero ang ppb at ttf ay tahimik at seryosong nakatingin lamang sa kaniya.
"hahahahahaha! sorry, kean pero-- hahahha! hindi ako naniniwala sa mga sumpa," siguro sa mga apat na araw na iyon, ito ang unang beses niyang tumawa.
"yumi, may lahing mangkukulam sina ryuji..."
natigil naman sa pagtawa si yumi at seryosong napatingin kay kean. napalunok siya. kung gayon nga... ilang beses siyang masasaktan... ilang beses siyang mabibigo... hanggang sa may lalaking magsakripisyo ng ego niya at magpatattoo ng cinnamoroll...
"ikaw naman kasi," sabay kamot ni kean sa kaniyang batok, "hindi halatang may boyfriend."
^#[ۋGU
BINABASA MO ANG
cinnamoroll ✔
Short Story❝ isinusumpa ko sa harap ng monumento ni rizal, na ang pinakang-kaaway kong si yumi ay hinding-hindi magkakaroon ng asawa hanggang makakilala siya ng lalaking may cinnamoroll tattoo!❞ + paano nadamay ang isang cute na cute na cartoon character sa lo...