four ;

7 3 0
                                    

ilang linggo ang lumipas, tinotoo ni yumi lee ang usapan nila ni ryuji oh. ni hindi sila nag-aasaran o nag-aawaya kapag nagkakasalubong sila. sa loob ng mga linggong iyon ay natahimik ang buong eskwelahan at natigil - sandali - ang awayan ng dalawa.

naging close si yumi sa barkadang iyon. ilang araw na niya itong nakakasama at natutuwa siya sa mga ito. itinuring naman siya ng mga ito na parang matagal na rin nilang kaibigan.

"ang swerte ni miru, noh?" tanong ni gold habang sumusubo ng fries na binili ito, ang ilan naman sa titifabs ay nakiayon sa kaniya.

"pffft. bakit naman?" tanong ni yumi habang ibinababa ang baso ng softdrinks. hindi kasi siya makapaniwala sa komento ng kaibigan.

"big catch ang isang ryuji oh," sabat ni airene, "at saka, ang sweet sweet kaya nila noong nakita ko kahapon sa mall. mukhang sasagutin na ni miru si ryuji, eh."

nagkagulo naman ang titifabs sa tsismis na nakuha ni airene. pero si yumi, napasimangot. hindi lang dahil sa nabawasan ang posibilidad na magkakaroon siya ng libreng lunch sa isang buong taon kundi...

ang sweet sweet kaya nila noong nakita ko kahapon sa mall...

muli niyang naiabot ang baso at saka doon uminom ng coke. parang umasim tuloy ang coke niya ah... hindi niya napigilang mapangiwi...

"blaah!" saka niya nailayo ang baso, "ang alat ng coke..."

biglang bumulong si pipay, "maalat daw."

sumegunda naman si shin sa kaibigan, "hindi siguro maalat. baka bitter!"

"hoy, kayong dalawa! bubulong-bulong pa kayo, naririnig ko naman!" sabay nguso ni yumi at saka humalukipkip. tinawanan lamang siya ng kaniyang mga kasama.

bitter daw. bakit nga naman siya magiging bitter kung ang lalaking iyon ay ang kaniyang kaaway? inasar pa siya ng mga ito sa toss coin? kingina kamo. sobrang mang-asar ang binata.

parang hindi college student.

"waaaaahhhhhh!" biglang irit ni trevor-- este... bebang na lang daw (ayaw mapagkamalan na lalaki, eh). Naalerto naman ang lahat at napatingin sa kaniya.

sunod-sunod na tanong ng barkada kung bakit. ang tanging ginawa na lamang ni trevor ay ipakita ang kaniyang cellphone habang nangangamatis ang mukha.

bebong na lang ang itawag mo sa akin. para meant-to-be tayo ;)

saka sunod-sunod nang nag-asaran ang mga titifabs. mabuti na lamang at naiiwas ang usapan mula sa kanila ni ryuji. pero maasim pa rin ang coke niya.

kinahapunan, papauwi na sana si yumi sa kaniyang apartment nang biglang may manhatak ng kaniyang braso. pag-angat niya ng tingin, si trixie ang bumungad sa kaniya na mukhang hingal na hingal.

"oh. wait. inhale," sumunod naman si trixie sa kaniyang sinabi, "'wag ka nang mag-exhale ayos na 'yan."

isang malakas na batok ang kaniyang natanggap mula sa kaibigan. "gaga 'to! ang layo ng itinakbo ko mula sa gymnasium!"

paloko namang umirap si yumi sa kaniya. "eh ano ba kasing sasabihin mo? worth it ba 'yan?"

"i'm worth it~" ginaya pa nito ang kanta ng Fifth Harmony. "Dejoke lang. Pero seryoso... may tsismis ako!"

"ano?" kahit si yumi ay naging interesado sa tsismis-kuno na nakalap ni trixie mula doon sa gymnasium. siguro matunog-tunog ang tsismis kaya naman napatakbo ito parang si the flash.

"si ryuji oh..." pahayag ni trixie, "binasted ni miru..."

at sa isang iglap, naging the flash din si yumi upang hanapin ang lalaki.

cinnamoroll ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon