tahimik lamang na nakaupo si ryuji sa field ng kanilang paaralan. mukhan ang lugar na ito na ang naging paborito niyang tambayan sa loob ng kanilang campus. malamig at presko kasi ang umiihip na hangin dito.
dito rin siya nakakapag-isip ng maayos. dito siya nakakahinga ng maluwag...
pero hindi ito ang araw na iyon dahil bumabagabag sa loob niya ang nalaman tungkol sa joshua tan na iyon. ang tungkol sa pagkakaroon nito ng tattoo at sa pagkakadescribe pa ni thaddeous dito ay... cute.
letse! kapag nakita ko ang tattoo na iyon at hindi cute, maghanda ang pagmumuka niya at babangasan ko siya!
nitong mga nakaraang araw ay hindi na niya maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit naiirita siya sa lalaking iyon pero wala namang ginagawa sa kaniyang masma.
sa katunayan, wala siyang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kaniya. except kay kean, of course. at kay yumi. kahit naman kaaway niya ito, may konting pakialam naman siya rito.
naiba lang talaga ang ihip ng hangin nang malaman niyang nanliligaw ang joshua tan na ito kay yumi. at sa hindi niya malamang dahilan, parang nanghihinayang siya.
nanghihinayang siya dahil nakikita niya ang saya sa mga mata ni yumi. iyong saya na ni minsan hindi naibigay sa kaniya ng dalaga.
frustrated namang napasabunot si ryuji sa kaniyang buhok. bakit niya ba iniisip ang mga bagay na ito?! eh ano naman kung magkatuluyan ang dalawa?! hindi ba't may tattoo naman si joshua?!
naunahan ka kasi, bulong ng isang bahagi ng kaniyang isipan, kasi hindi ka na niya papansinin kapag nagkataon...
kingina! may gusto na ba siya kay yumi?! hindi pwede. hindi pwede. hindi maari.
sa kabilang banda naman ng campus, sa isang bakanteng classroom ay doon nag-iiyak si yumi. ang kaniyang mga kamay ay nakatakip sa kaniyang mukhang basang-basa ng kaniyang mga luha.
kalat sa room na iyon ang barkada ng pekpek bros at titifabs. lahat ito concerned sa kalagayan ni yumi. doon lang kasi nila nakita na sobrang humagulhol si yumi.
nasanay na kasi sila na sobrang jolly at masayahin ng babae. mas gusto nila ang bersyon na iyon ni yumi. pero hindi pwede sa panahon ngayon dahil nalaman lamang ng dalaga na hindi lang pala siya ang nililigawan ni joshua.
"n-nakita ko siya-- huk," pahikbing kwento ni yumi sa kanilang dalawa, "k-kasama niya 'yung t-taga-- huk-- accounting! b-binigyan niya rin ng-- huk-- f-flowers--" hindi na natuloy pa ni yumi ang kaniyang sasabihin at nagpatuloy na muli sa paghagulhol.
in short, naintindihan ng barkada ang nais iparating ni yumi. wala na silang sinabi pa at niyakap na lamang ang humahagulhol na dalaga.
mahihinuha ng sinoman ang kung ano talagang nangyari kina yumi at joshua. the guy two-timed on her. dalawa silang nililigawan nito ng sabay. ang saya 'di ba? ang micro masyado...
kahit na ganito, hindi mapigilang magtaka ni yumi. ramdam niya na masakit talagang malaman na na-two time ka ng manliligaw mo. iyong sakit na parang pinipiga ang puso mo.
hindi iyon naramdaman ni yumi. sa halip, parang napahiya pa siya lalong-lalo na kay ryuji dahil kung maipagmayabang niya ito dito...
doon napagtanto ni yumi ang isang bagay. ang sumpa ni ryuji. knowing that ryuji has that certain kind of bloodline ay hindi imposible na magkatotoo ang mga bagay na ito.
"n-nasaan si ryuji...?" matigas na bulong ni yumi habang pinupunasan ang kaniyang luha.
napatigagal naman ang barkada at napatingin sa kaniya. ang aura ngayon ni yumi mula sa lungkot at panghihina ay napalitan ng galit. iyong sobrang galit.
BINABASA MO ANG
cinnamoroll ✔
Short Story❝ isinusumpa ko sa harap ng monumento ni rizal, na ang pinakang-kaaway kong si yumi ay hinding-hindi magkakaroon ng asawa hanggang makakilala siya ng lalaking may cinnamoroll tattoo!❞ + paano nadamay ang isang cute na cute na cartoon character sa lo...