six ;

9 1 0
                                    

isang linggong break para sa kanila. dumating na ang sem-break nila at isang linggo ring hindi nagkikita ang pekpekbros, titifabs at siyempre, si yumi lee. hindi rin nakita pa ni yumi si ryuji at kean.

nabagabag naman si yuri lee dahil sa nalaman niya mula kay kean na may lahing mangkukulam si ryuji at isinumpa nga siya nito. sa una ay hindi naniwala ang dalaga hanggang sa malaman niya ang tungkol sa bloodline ni ryuji.

ang lola pala nito ay nakatira sa isang tagong parte sa probinsya. ayon pa sa kwinento ni kean, maliblib at delikado ang pagpunta roon. ang tanging nakakapunta lamang doon ay ang mga magpapakulam at ang kapamilya nito.

kinilabutan noon si yumi at mukhang naisantabi ang kaniyang pusong wasak. iniisip niya kung paano mababawi ang sumpang iyon kay ryuji.

may paraan pa kaya?

sa buong isang linggo ay nilibang ni yumi ang sarili niya. umuwi siya sa kanilang probinsya at sa isang linggo, nag-out of town siya at ang kaniyang mga pinsan. bumili rin siya ng regalo para sa mga kaibigan.

matapos ang sembreak nila ay maagang pumasok si yumi. dala-dala niya sa isang supot ang mga souvenier na binili niya sa mga lugar na napuntahan niya. ibibgay niya ito para sa mga kaibigan.

wala siyang ibinili para kay ryuji. aba, tanga na lamang siguro ang mag-iisip na bibigyan pa niya ito ng kahit anong pasalubong.

una niyang nakasalubong ay si drake at migue na nag-uusap. nilapitan niya ang dalawa at bumati, "good morning!"

"uy!" si migue ang unang lumingon sa kaniya, "yumi, ang aga mo ata..."

"oo nga," segunda ni drake, "hindi ka naman excited makita ang kagwapuhan ko," saka ito kumindat sa kaniya.

kunwari namang umasim ang itsura ng dalaga bago batukan ang binata. "drake, tao ka, okay? tao ka! hindi ka windmill doon sa ilocos, jusko!"

napatawa na lamang silang tatlo. nang kumalma naman sila ay naitanong na ni migue kung ano talaga ang pakay ng dalaga. doon naman natandaan ni yumi ang kaniyang ibibgay.

hinalughog niya ang supot at saka binigyan ang dalawa ng naka-rolyong t-shirt na puti. may tatak itong 'naglayas, nakarating sa pahiyas' na t-shirt.

"uy, salamat!" sambit ni drake, "ang tagal ko nang hindi nakakarating ng lucban."

"at sino namang pumuntang lucban, ha?"

napalingon naman silang tatlo at nakita si enzo na papalapit sa kanila. nakasunod sa kaniya sina vantri at trevor-slash-bebang na mukhang may malalim na pinag-uusapan.

hindi naman nakatakas kay yumi ang pasulyap-sulyap ng dalawa sa kaniya at saka iiwas ng tingin. ipinagkibit-balikat na lamang niya ito.

"ako. pumunta kaming pahiyas noong isang linggo," saka niya inabot ang isang t-shirt para sa kararating lamang, "heto."

tinanggap naman ito ni enzo at nag-pasalamat. lumapit na ito kina migue at drake bago siya lumapit kina vantri at trevor.

niyakap niya ang dalawa at yumakap naman ang mga ito pabalik. tuwang-tuwa si yumi na muling makita ang mga kaibigan. hindi niya napansin na napahigpit na pala ang yakap niya sa dalawa bago bumitaw.

"jusko! i need air! wooooh!" malokong sabi ni trevor. hinampas lamang ni yumi ang braso nito at napatawa.

"nakita ko posts mo sa facebook," vantri beamed at her, "gwapo ng pinsan mo, ah!"

napailing na lamang si yumi sa dalaga. "isumbong kita kay enzo eh," asar niya sa kaibigan ngunit sumabat agad si trevor.

"hindi naman masyadong nagseselos si enzo, eh," sabi ni trevor, "mas nagseselos pa nga itong si vantri."

namula naman ang inaasar na dalaga. naalala niya ang mga pasalubong niya at inabutan ang dalaga ng mga t-shirts din na may ibang design ng pahiyas festival.

nagkamustahan naman silang tatlo. naisingit din sa kanilang usapan ang tungkol sa kaniyang ex-boyfriend. ang dugong na iyon!

yumi assured both girls na naka-move on na siya mula sa damuhg na iyon. she didn't name the guy at tinanggap na naman iyon ng barkada. nakapagtataka lamang ay mabilis siyang mag-move on mula dito.

siguro, hindi ko siya ganoong kamahal, isip-isip niya, eh. nevermind.

papasok na siya sa kaniyang unang klase nang may makita siyang mga babaeng nagkakagulo. lumapit siya sa mga ito at nakitang may isang babae na nasa gitna.

parang nagkaroon ng isang meeting doon. wala namang natatandaan si yumi na may meeting de avance na pala sa kanilang paaralan. pwera biro, nakinig na lamang siya sa babaeng nasa gitna...

na parang humahagulhol pa ata...

"oo, confirmed na!" pumiyok pa ito, "siya mismo nagsabi sa akin noong tinanong ko si ryuji!"

nagpangtig naman ang tenga ni yumi nang marinig ang pangalan ni ryuji. na-realize niya na malamang ang kumpol na ito ay ang mga fangirls ng kaniyang kaaway. bakit pala siya naroroon?

papaalis na dapat siya nang marinig pa niya ang huling sinabi ng humahagulhol na babae sa gitna. "nagawa niya iyong initiation! nakapasok na siya sa frat!"

sa pangalawang pagkakataon, napatakbo si yumi na parang si the flash. pangalang pagkakataon, para hanapin ang lalaking nagngangalang ryuji oh.

paborito na atang tambayan ng magkaibigan na sina ryuji at kean ang soccer field na iyon. parehas silang nakaupo sa field at pawang nagkwekwentuhan lamang. hindi naman lingid sa kanilang kaalaman na may mga babaeng sumusulyap sa kanila mula sa malayo.

parehas silang windmill, 'wag kayo.

tumikhim bigla si kean at sumeryoso ang tingin. "sure ka ba?"

hindi naman maalis ang ngisi ni ryuji habang nagtitipa sa kaniyang cellphone. "what do you mean, kean? sure saan?"

"doon sa fraternity na pinagsasabi mo," pahayag ni kean, "sure ka ba talaga sa desisyon mong iyon?"

"oo nga. kanina mo pa iyan tinatanong," saka ibinulsa ni ryuji ang kaniyang cellphone, "pinsan ko ang pinuno ng frat, ayos lang sa kaniya."

umihip bigla ang hangin na taliwas sa init ng panahon na nararamdaman nila nang mga oras na iyon. akala ni ryuji ay payapa ang lugar na iyon. akala lang pala...

dahil dumating ang tanging amazona ng buhay niya...

"at sa tingin mo ayos lang ang sumali sa fraternity?!" biglang singhal ni yumi sa likuran ng relax na relax na ryuji, "are you out of your mind?!"

nagtagis naman ang bagang ni ryuji. doon naman na-alerto si kean at bago pa mapigilan ang binata ay marahas na itong tumayo. nilingon nito ang babae na may masasamang titig.

"oo! i am out of my fucking mind!" sigaw nito pabalik kay yumi, "at bakit ka narito? para pangaralan ako?!"

"eh paano kung iyon nga ang pinunta ko rito! para sabihin sa'yo na umalis ka na sa fraternity na iyon?!"

umiling na lamang si ryuji sa babae at saka dinampot ang bag na nasa tabi ng paa niya. "hindi rin kita maintindihan, yumi, eh..."

natigilan naman si yumi at kumunot ang noo. napalunok naman siya at napaatras. kumakabog ng malakas ang kaniyang dibdib sa kaba sa susunod na sasabihin ni ryuji.

"the last time you went to me, i was broken hearted and all you blabbered about was the deal," ramdam na ramdam niya ang pait sa mga salita nito, "and now, you came running, all concerned."

isinakbit na nito ang bag at saka siya tinalikuran. tinalikuran siya at naglakad papalayo. nakasunod dito ang kaibigan na sakbit din ang bag.

kung kanina ay kay bilis ng tibok ng puso niya, ngayon naman ay nawasak ito at sumabog ang kaniyang puso. concerned lang naman siya rito dahil delikado ang pagsali sa fraternity...

her lips pursed in a thin line and her hands turned into fists. nanginginig na rin ang mga ito dahil sa inis na kaniyang nararamdaman.

at isang keychain na hugis kiping ang naiipit sa kaniyang kamay.

isip-isip ni yumi na nanggigigil na siya kay ryuji. nanggigigil na siyang sugudin si ryuji at hampasin ito ng kiping. isang arangya pa.

cinnamoroll ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon