CHAPTER 6:
"Thanks Ate Juday for letting me visit today. Alam ko nakakaistorbo ko."
"Stop that na. Ako nga nag-invite dba." Magkatulong nilang ihinahanda ang lulutuin for dinner.
"Ang dami naman nito Ate. Parang isang dosena ang kakain eh tayo lang naman."
"Papadala ko kasi yung iba sa Mamang. Well dun dapat kasi kami magdinner. But since you're coming sabi ko next time na lang." Paliwanag ni Juday.
"Naku tingnan mo na. Sabi ko na nga ba may nasagasaan akong sched eh." Apologetic to her Ate.
"Di naman yun sched. Saka sigurado ko mahalaga kaya ka napatawag agad." Sinusuri nito ang dalaga habang sinisimulan ang paghihiwa sa mga ingredients nila.
"Ano nga ba yun? Bakit you sound so worried kahapon."
Napahawak sa tenga niya ang dalaga. One of her mannerism when she doesn't know what to say.
Napagdesisyunan niyang sabihin dito ang mga pangyayari simula sa church ng araw na yun hanggang sa kagabi sa dressing room.
"Haaay. Stress.. Di ko alam ang maipayo ko sayo Babe." Sinimulan na nitong isalang paisaisa ang niluluto.
"Ate, pano yan. Di ko din alam ang gagawin ko. Baka di yon tumigil hanggat di ako napapaamin."
"Siyempre! Lalo na kung mahal ka din niya."
"Pano mangyari yun teh, eh may girlfriend nga."
"Malay mo. Anyway, ever since naman espesyal ka na sa kanya. Sweetheart ka nga niya diba."
"Eh wala naman yun Teh. Parang yung Babe na tawag mo sakin. Yun, ganun."
"Alam mo Babe. Si Sam ang may mas problema eh." Ani Judy Ann.
Nakikinig na lang si Sarah.
"Kung sakali kasing may pagmamahal siya sayo, hindi magiging madali para sa kanya. Kahit pano nakilala ko yung tao sa pagkakasama namin sa mga tapings nung nakaraan. And I am sure he wouldn't want to hurt Jessy just like that.
"It may take him some more time to break it to her gently. Plus yung magiging mga negative issues na lalabas kapag naghiwalay and malalaman ng public na ikaw ang dahilan. Pareho kayong maapektuhan.
"Are you willing to wait?" Mahabang salaysay ng Ate Juday niya.
Kitang kita ang lungkot sa mata ni Sarah.
"Ang hirap talagang maging public figure no. Ang dami laging dapat isipin. Hindi ko naman masasabing I can or I can't wait. Kung true love na to, I am sure I can wait. Kung hindi, eh di hintay hintay lang na mawala. Kasi pano kung kahit konti wala naman siyang pagtingin sakin eh lalong ang sakit nun."
"Sus. Napagdaanan mo yung mga mas masasakit pang bagay. Mas kaya mo na to ngayon."
"Sana nga Ate. Kahit pano hindi naman naaapektuhan yung work ko."
"Mabuti naman. Ipag-pray pa natin na maging maayos ang lahat."
Natapos ang pagluluto ng di namamalayan ni Sarah.
Nag-aayos sila ng dining table ng mag-ring ang phone ni Juday.
"Oh Beh! Bakit?"
"Beh? Si Kace yun ah."
Sa kabilang linya.
"Ate! Nandito kami sa gate niyo! Open up please." Excited na sabi ni Kace sa kabilang linya.
"Nasa labas kayo?! Nino?"
"Kasama ko si Sam Ate."
"What?"
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin (COMPLETED)
FanfictionAn Ashsam Story: Sa larangan ng pag-ibig, ilang beses ka ba dapat magmahal o masaktan bago mo malaman kung sino ang taong nakatakda para sa iyo? Sapat na bang sigurado ka sa pagmamahal mo sa isang tao para masabi mo na siya na? Maaari bang habang a...