IPR9 - Taping

1.1K 30 4
                                    

CHAPTER 9:

THURSDAY, Day 1 of the taping.

"Hon, pwede ba kong pumunta sa taping niyo. Excited kasi ko makita yung team up niyo eh." Kausap ang nobyo sa telepono.

"Huwag na Jess, baka ma-bore ka lang kasi matagal yung taping eh. Maraming eksenang kukuhanan. Hindi kasi kaya ng schedule ni Sarah yung 3 days na taping dahil sa The Voice, kaya paspasan kami til tomorrow." Paliwanag ni Sam.

"O sige nga." Mahinang sabi nito.

Alam ni Sam na nalungkot ang girlfriend pero alam din niyang makakaapekto kahit pano kay Sarah ang presensiya nito doon. Kaya mas mabuti ng wala ito.

PAGDATING ni Sarah sa set, una niyang tiningnan ang mga damit na ipasusuot sa kanya. Although galing ang mga damit sa sponsor niya, yung stylist pa rin ang magdedesisyon kung ano ang angkop sa storya.

At gaya ng kinakatakutan niya, halos lahat ng mga damit ay maiksi. Puro shorts at maluluwag na sando ang susuotin niya.

Isang painter/artist ang character niya dito. Dahil sa studio ang paglalagi niya, mas konting tela mas komportable.

"Mommy..." Nag-aalalang lingon ni Sarah sa ina.

"Naku anak, kukulangin tayo sa oras kapag nagpakuha pa tayo ng mga ibang damit." Malungkot na sabi ng Mommy niya.

"Anak, for sure disente pa din ang magiging dating mo. Papakiusap natin kay Direk kung pwedeng huwag masyado i-focus sa binti mo ang camera." Naturan ng ama.

Walang nagawa ang dalaga kundi ang magpalit na ng susuotin for the scene. Mabuti na lang at di pa nakikita ni Samuel ang mga damit niya. Naku!!! Ngayon pa lang pakiramdam niya pulang-pula siya sa hiya.

They finished her make-up already and she went for the first scenes na siya lang muna ang kukuhanan kausap ang mother niya sa states.

Nang lumabas siya ng dressing area wala siyang ibang marinig kundi, "Wow SG! Super sexy mo." Hiyawan ng mga tao.

"Direk, pwedeng mag-stockings?!" Pabirong tanong ni Sarah kay Direk Lauren.

Tawanan ang lahat.

"Sarah, minsan lang yan makikita. Saka di naman natin ifo-focus ang kaseksihan mo. More on upper body tayo." Nakangiting comment ni Direk.

"Ok Direk." Napabuntung hininga na lang si Sarah. "Lord Jesus, be with me."

SAMANTALA, kahit hindi pa siya kasama sa scenes, mas pinili niya na lang na pumunta ng maaga para naman mapanood si Sarah.

Sobrang nagulantang siya ng makita kung ano ang suot nito. Ngayon lang niya ito nakita ng nakamaiksing shorts ng di tinatago ang binti ng leggings or stockings. Although,  even in her mostly covered dresses,  very sexy pa din ito.

Parang umaakyat lahat ang dugo sa ulo niya sa tuwing may maririnig na comments sa paligid tungkol sa kaseksihan nito. Natutuwa na naiinis siya.

Lumapit siya sa mga magulang ni Sarah.

"Tito, Tita. Good morning po." Bati niya sa mga ito.

"O Sam bat ang aga mo?" tanong ni Mommy Divine.

"Baka po kasi may matapos na take ng maaga kaya mas ok ng nandito ako." Paliwanag ng binata.

"Naku tama ka Hijo. Kasi halos puro 1 take lang ang shots ni Sarah." Natutuwa namang saad ni Daddy Delfin.

"Talaga po. Ok pala. Galing talaga ng nagiisang Sarah G.!" Bakas ng pagmamalaki ang anyo nito.

"Sam! Dress up na. Malapit na ung take niyo." Pagtawag ng make-up artist nila.

"Excuse po muna ko." Paalam niya sa mga magulang ng dalaga.

Ngiti lang ang isinukli ni Mommy Divine dito.

HANDA naman na ang lahat para sa susunod na eksena.

"Hi sexy..." Pilyong bati ni sam kay Sarah.

"Heh! Isa ka pa!" Pabirong hinampas ito ni Sarah ng script na hawak.

"Totoo naman eh. By the way nabalitaan ko kanila Tito na 1 take lang yung mga scenes mo kanina. Galing talaga." Pinisil pa nito ng marahan ang ilong ni Sarah.

"Pag-suotin ba naman nila ako ng ganito eh. Eh di binuhos ko na lahat para mapabilis." Natatawang banat ni Sarah.

"Yung mga scenes natin huwag mo agad galingan ha."

"Ha bakit naman?" Takang tanong ng dalaga.

"Para mas matagal pa kitang kasama. Saka para paulit-ulit yung mga hugs and kisses." Sabay tawa ng malakas.

Pinisil ni Sarah ang mga pisngi niya. "Naku kaw talaga! Ang cute cute mo."

"Ok Sam, Sarah, get ready."

At pumwesto na sila.

Nagkatotoo naman ang hiling ni Sam. Medyo naparami ang takes nila. Nahihiya kasi si Sarah sa tuwing magkakadikit sila sa kama pati na din sa ibang mga eksena na puro yakap at halik sa pisngi ang dalawa.

Halos puro kulitan at kilitian tuloy ang naging eksena nila.

Finally natapos din ang takes for today.

During pack up, narinig ni Sam at Sarah ang komento ng mga camera man at ibang members ng crew.

"Ganda nito, sobrang nakakakilig sila, dapat sa movie sila pinagsama." Sumasangayon naman ang nakararami.

"Narinig mo yun Sweetheart. Buti na lang ako ang kinuha nila dito. Di ko yatang makita ka sa mga ganoong eksena pag ibang guy na."

"Ssshhh!" Sita ng dalaga. "Huwag ka nga maingay jan."

"Di ka ba kinikilig sating dalawa. Ako kilig na kilig eh." At kunyari nanginig pa ito kaya nagkatawanan sila.

Lumapit sa kanila si Direk.

"Excellent work guys. But I expect tomorrow serious na tayo kasi heavy na ang mga eksena."

"Yes Direk." Sabay na bigkas ng dalawa.

"Anak magpaalam ka na kay Sam. Uuwi na tayo." Tawag ng Mommy niya.

Napapailing na lang si Sarah.

"O pano, una na ko ha. Ingat sa pagmamaneho."

Lumapit siya para magbeso pero niyakap siya nito at binulungan.

"I love you. Thank you for today."

Masayang naghiwalay ang dalawa.

PAGDATING sa bahay, hindi na nakatiis si Mommy Divine na kausapin ang anak.

"Nak, may gusto ka bang sabihin samin ng Daddy mo?" Malumanay na sambit nito.

Napakagat-labi si Sarah.

"Kilala ko yang mga kilos na yan. Yang mga tingin mo kay Sam na minsan ko na ring nasaksihan."

"My.." Napaupo si Sarah sa may sofa.

"Hindi ko po alam paano ipapaliwanag, pero..." Hindi natapos ni Sarah ang sasabihin. Tears fell down on her face.

Niyakap siya ng ina. "Anak, sa nakikita ko mahal ka ni Sam. Pero may girlfriend siya. Dapat ayusin niya muna yun. Hindi niya dapat na hayaan na isipin ng mga tao na inagaw mo siya."

"Alam ko naman yun My. May tiwala po ako kay Sam. Alam ko po na gagawin niya ang dapat para maging maayos ang pagsisimula namin."

"Sana nga anak. Kasi pag nagkataon, ito ang pinaka mabigat na intrigang kasasangkutan mo." Ang sabi ng Daddy Delfin niya.

"Pasensya na po ha, Mommy, Daddy. Salamat sa pang-unawa at pagmamahal." 

"Siyempre naman.  Suportahan ka namin. Kasama mo kami hanggang sa huli." Niyakap sila ng Daddy niya.

"O siya, magpahinga ka na. Maaga pa tayo tomorrow."

She kissed her parents and bid goodnight.

NOTE: THE ABOVE IS ONLY A WORK OF FICTION. INCIDENTS, CONVERSATIONS AND PLACES ARE MERE AUTHOR'S IMAGINATION. 

Ikaw Pa Rin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon