IPR24 - Jealous

1.4K 37 10
                                    

Dad, what do you think?  Sa palagay mo ba yang dalawa na yan ang magkakatuluyan?" Mommy Divine asked her husband. They are silently watching Sam and Sarah while having their cozy dinner in their gazebo.

"Mommy, you know that better than I do. Ang masasabi ko lang, Sam respects Sarah and us the way we want to. At Godfearing person siya gaya ng dasal natin para sa taong mamahalin ng anak natin at magmamahal sa kanya."

They both moved away from the window.

"Sana nga Daddy. Mabait si Sam at hanga ako sa pagkatao niya pero hindi ko maiwasan ang mangamba kasi alam mo naman sa showbiz matindi ang mga problema kesa non-showbiz people. Simpleng mga bagay napapalaki."

"Prayers lang lahat yan Mommy. Hindi natin pababayaan ang anak natin. Lagi pa rin naman tayong nakasubaybay sa kanya."

SAM and" Sarah just finished their dinner. Both of them fixed the gazebo and put the dishes in the kitchen. Hindi naman hinayaan ni manang na sila ang maghugas so they went to the living room instead.

"I won't take long now Sweetheart,  para makapagpahinga ka na."

Sarah nodded.

"Ikaw din, para makapagpahinga ka na. May shooting pa kayo tomorrow. By the way, thank you again for this wonderful dinner date." She said smiling widely.

"Thanks to the people who helped me pull this through. Nasaan na sina Tito at Tita para makapagpaalam na ko."

Sakto naman na galing ang mga ito sa family room.

"O Sam,  tapos na pala kayo. Ano ok ba ang sorpresa natin?" Nakangiting sabi ni Daddy Delfin.

"Sobrang ok po Tito. Thank you talaga sa inyo ni Tita."

"Wala yun. Para kay Sarah, gagawin namin lahat." Sabay tapik ni Mommy Divine sa balikat ni Sam.

"I'll go ahead na po. Para makapagpahinga kayong lahat."

"O sige, mag-iingat ka." Sabi ng mga magulang ni Sarah.

"Hatid ko lang po si Sam sa gate, My, Dy."

"Goodnight po sa inyo." Paalam ni Sam.

Lumabas na ang dalawa. Sa may gate, muling nagpaalaman ang mga ito.

"Ingat ka Sam ha."

"Siyempre naman Sweetheart. Goodnight."

"Saan nga pala ang location ng shoot niyo tomorrow?"

"Somewhere in Laguna. Why?"

"Malayo pala. Hindi pala tayo magkikita tomorrow." May lungkot na sabi nito.

"You'll never know Sweetheart. Hindi ko kaya matiis na di ka makita."

"Hmmmm. Kaw talaga lakas mambola."

Sam took both her hands to intertwined with his and kissed both of them.

"Hindi kita binobola. Totoo yun. Pag umuwi ako at makarating sa bahay later, miss na agad kita."

Napangiti si Sarah. Sa loob-loob nito, miss na miss na din niya agad si Sam pag umuwi ito.

"O sige na. Para di ka masyado gabihin."

Binitawan ni Sam ang mga kamay nito para hapitin ang dalaga.

"Ok. Goodnight Sweetheart. I love you so much." And kissed her forehead.

"Goodnight Sam. Drive safely."

"Kelan ko kaya maririnig ulit yung 'I love you too Sam'?" Biro ni Sam sa dalaga.

Ikaw Pa Rin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon