IPR13 - Beginning

1.2K 29 5
                                    

CHAPTER 13:

DURING the breaks masayang nagkakatuwaan sila Sam at Jessy. Nagtake pa sila ng pictures.

Nagpaalam saglit ang dalaga at siya namang paglapit ni KC.

"Bes, ano na? Bakit ang sweet niyo pa din?" Sita dito ni KC.

"Ganun ba?" Nakangiting tanong ni Sam.

"I hate you. You're hiding something." KC pouted.

"Don't spoil the fun Bes. Relax ka lang."

"Ok fine. Sana naman hindi kami atakihin diyan sa secret mo."

MATAPOS kumain sa IMO's, bumalik na ang mag-anak sa bahay.

Naabutan pa ni Sarah ang ASAP. Unang bumungad sa kanya ay ang kulitan nila Sam at Jessy kasama ang ibang mga artist.

Napatingin siya sa Mommy niya. Pinagmamasdan din siya nito.

"Huwag kang malungkot diyan."

"I know My. Para que pa na ang name ko eh Sarah, where God made laughter for me, so for everyone who hears will laugh with me (Genesis 21:6)." Nakatawang sagot ni Sarah sa Mommy niya.

"Kaw talagang bata ka."

"Ok na ok ako My! Gaya ng sinabi ko, may tiwala ako kay Sam."

"Aah. Kaw bahala." Nagkibit balikat na lang ang ina.

Patuloy lang siyang nanuod ng tv hangang sa mag-ring ang phone niya.

"Sweetheart,  asa bahay ka?"

"Yes po." Saka ni Sarah narinig ang door bell. "Wait may tao... Manang, pakibuksan po."

"My bisita ka pala. Sige mamaya na lang ako tatawag." May tampong sabi nito.

"Asus.. tampo naman."

"Sige bye!" And he cut the call.

Si Sarah naman ay tinitigan ang phone, sinisigurong wala na siyang kausap.

"Ay! Anyare! Makalabas nga muna." Pinatay ang tv sa entertainment room.

Nagulat siya ng paglabas sa living room may bouquet ang Mommy niya.

"Wow My! Ang ganda niyan ah. Kanino galing?" Aabutin sana ito ni Sarah ng pigilan siya ng ina.

"Hep! Sa akin to hindi sayo!" Nakangiting sabi ni Mommy Divine.

"Naks! Ang sweet ni Daddy ah." Biro niya.

"Hindi sakin galing yan." Sabat ng Daddy niya.

"Ha? Eh kanino?" Walang umimik sa kanila ngunit may nagsalita sa likod niya.

"Sakin."

"Sam!" Lumapit ito sa kanya, kissed her cheek at binigyan siya ng three long stemmed white roses tied in a beautiful red lace ribbon.

"Ang arte ha, may tampo effect ka pa, ikaw pala yung bisita."

"Maiwan muna namin kayo." Sabi ng ama.

Nagtataka naman na sinundan nito ng tingin ang mga magulang.

"Infairness. May points kay Mommy yung flowers mo." Biro ni Sarah.

"Hahaha. Pogi points ba?" Pacute nitong saad.

But then he became serious.

"Ang totoo niyan, may ibang dahilan kung bakit mas magaan ngayon ang loob sakin ng parents mo."

"Anong ibig mong sabihin."

Kinuha ni Sam ang phone nito at may binuksan na page. Inabot kay Sarah.

Ikaw Pa Rin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon