CHAPTER 8:
Malapit na sa Finale ang The Voice. Eight contestants na lang ang natitira.
Bago pa ito matapos. Kailangan narin na masimulan ang tapings para sa Sarah G Presents.
May meeting sila today to finalise the 1st story na kung saan ang makakasama niya ay si Paulo Avelino. Excited na siyang magsimula ng bagong project.
Gustong-gusto niya ang project na to kasi iba-ibang story every week. So iba-ibang characters din. Di niya lang sigurado kung anong oras sa primetime bida ang labas nito.
Kasama ang mga magulang, tumuloy na sila sa isa sa mga meeting rooms ng ABSCBN.
"Hi Boss Vic." Nakipagbeso si Sarah sa manager nito.
"How is my alaga Mommy, Daddy?" Nakangiting tanong ni Boss Vic sa parents niya.
"Ay ok na ok Boss Vic. Excited na nga siya eh." Sabi ni Daddy Delfin.
"Aaay! Kami din excited na." Tili ng scripwritter nila.
"Ok, lets start." Pagtawag ng director nila at inaya ng magsiupo ang lahat.
Nakayuko si Sarah at may tinitingnan sa ipad niya. Naramdaman niyang may umupo sa katabing upuan niya.
Nabitin ang gagawing pagbati niya ng makaharap ito.
"Miss me Sweetheart!" Ngiting-ngiting turan ng binata sa kanya.
Halos natutulalang napatanong siya,"anong ginagawa mo dito?"
"Si Sam ang magiging unang kapares mo Sarah." sabi ni Direk Lauren.
"Eh ano pong nangyari kay Paulo."
"Well, to follow na lang yung story niyo. Naisip kasi ng management na mas magandang simulan yung anthology with a familiar partner. Since matagal na rin kayong di nagkakasama sa isang project, halos bago na ring tingnan. Marami din kasing fans ang gusto kayong makitang magkasama." Paliwanag ni Boss Vic.
"Ano po ang magiging story nito?" Di napigilang tanong ni Mommy Divine.
Ipinamahagi ng director ang script sa kanila.
"This will be entitled Sarah G Presents: Mackie and Josh." Pagsisimula ni Direk.
"Its about a girl asking her bestfriend to disguise as her husband dahil sa pagpupumilit ng Mommy nito na ipakilala at ipakasal siya sa anak ng kaibigan sa States. "
Sarah scanned through the script. Her eyes widened at what she saw.
"Direk, bakit may bed scenes." Napabulalas ni Sarah.
"Don't worry Sarah, its not like the normal bed scenes. Since magpapanggap kayo dito, most of the time, you have to show you sleep together pag kakatukin kayo sa room." Paliwanag ni Direk.
"But I wanna know whether magiging ok sa inyo if dadagdagan natin to ng extra sweetness like smack sa lips, like real couple ganun." Simpleng turan ni Direk.
"Eh Direk, diba TV series naman to. Kelangan ba may ganun? Alam niyo naman po na kasama sa contract ni Sarah ang No Kiss Policy." Pakiusap ni Mommy Divine.
"Direk, ok lang naman siguro kahit wala yun. Sarah and I will work on the other aspects of showing love." Sam requested.
Sarah looked at him and uttered thanks.
"Well, I guess that's about it. But there are some things that we really need you guys to consider. The clothes for Sarah in this story will not be her typical outfits. Specially if we want to show every week a different character and story, we have to change her styles too."
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin (COMPLETED)
FanfictionAn Ashsam Story: Sa larangan ng pag-ibig, ilang beses ka ba dapat magmahal o masaktan bago mo malaman kung sino ang taong nakatakda para sa iyo? Sapat na bang sigurado ka sa pagmamahal mo sa isang tao para masabi mo na siya na? Maaari bang habang a...