IPR20 - Trending

1.1K 29 13
                                    

CHAPTER 20:

MALAPIT ng magsimula ang Sarah G Presents ng makarating sila sa bahay nila Sarah.

Magkakasama silang magpapamilya na nanonood sa entertainment room nila.

Magkatabi silang dalawa ni Sam sa pagkakaupo. Ang binata ay abala din sa pagche-check on line sa mga twits at news na lalabas.

When finally the scene that she dreaded to come is showing, she couldn't help but gripped Sam's arms.

"Hanggang ngayon ang lakas pa din ng impact sakin ng scene na to." Hinawakan ni Sam ang kamay niya.

Lahat nagvibrate ang mga phones nila.

Si Judy Ann kay Sarah, si KC kay Sam at si Boss Vic kay Mommy Divine.

(Sarah and Judy Ann)

"Babe! Aaaaahh! Anyare sa kissing scene?!" Tili ito ng tili sa kabilang linya.

"Maghunos dili ka ate!" Natatawang sabi ni Sarah kay Juday.

"Grabe! Sobrang kinikilig ako! Iba eh. Iba yung tama, di basta halikan, tagos sa puso at kaluluwa ko."

"Ate naman eh, isipin mo na lang ako. Ano nangyare sakin pagkatapos niyan." Napahagikhik si Sarah.

"Naku, ikaw talaga Babe! Sobrang pambibigla tong mga kaganapan ng Sarah G Presents mo ha. Baka kung ano pa ang susunod na mangyayari."

"Abangan mo na lang ate."

"Hmmmp! O siya si Samuel naman ang tatawagan ko. Lokong bata yun."

"Ahahaha! Nandito siya Ate pero daming kausap sa phone."

"Kayo na talaga ang the best. I wonder ano nangyare kay Tita D after niyang eksena na yan."

"Ayun, iyak ng iyak."

"Aayy pareho kami, pero ako sa kagalakan, I'm sure si Tita iba ang dahilan. Hahaha."

"Korek ka diyan Ate. Hahaha."

"O siya, bukas ko na lang tatawagan si Samuel, for sure uusok ang cellphone niya ngayong gabi. Bye Babe."

"Bye Ate."

(Sam and KC)

"Bes, grabe ka, panggigilan daw ba si bunso." Natatawang tukso ni KC dito.

"Bes, biglaan yun. Shouldn't be part of the scene."

"Kaya pala it looked more real than any other kissing scene you did. Di nakapagpigil lang ang peg."

"Ganun ba? Kinakabahan nga kami kung ano ang magiging feedback nito sa televiewers."

"I don't think it's negative.  But if there is, I am sure mas marami pa ding positive."

"We hope so."

"O siya since nanjan ka sa kanila, pakausap kay Bunso."

Ibinigay ni Sam ang phone kay Sarah.

"Bunso! kumusta naman ang first kiss mo, showing nationwide."

"Naku.. oo nga Kace eh. Natatakot pa din ako sa magiging result nito."

"Ano ka ba, pag may naglabasan na kung ano, we'll come to the rescue."

"Salamat Kace."

"O, may mga eksena pa bang mas grabe pa dito."

"Secret..."

"Ay ang KJ! O sige gulatin niyo na lang kami ng gulatin. Enjoy naman kami." At malakas na tumawa ito.

Ikaw Pa Rin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon