"SWEETHEART, I'm sorry if I can't be there in your concert." Sam is hugging her from behind while they are in the poolside in Sarah's place. His head is resting on her shoulder.
"Ok lang yun. Wala naman tayong magagawa kasi naka-book na lahat di ba. Sa second night naman nandun ka eh. Pero kagaya ng sinabi ko, sa concert ko, dun ko aaminin na tayo na. Mga taong nagmamahal at sumusuporta sakin ang manonood kaya deserved nilang malaman ang totoo, bago pa ang buong Pilipinas."
"I understand. Nalulungkot lang ako na eto yung 1st concert mo na tayo na tapos wala ako. Hindi kita mapalakpakan man lang. Ma-congratulate first hand."
"Eh, kahit naman wala ka dun alam ko naman na gusto mong pumunta, saka alam ko naman na hindi naman yun makakabawas sa pagmamahal mo sakin. Pati yung love ko sayo." With that, Sam kissed her cheek.
"Of course. I love you so much. Kahit nasa premiere night ako, babatiin kita."
"I love you too, Mahal ko."
FINALLY, the night has come. The Perfect 10 Concert and The Gifted's premier night.
As expected, puno nanaman ang Araneta. Kinakabahan pa din si Sarah kahit ilang beses na siyang nagpeperform. Pero dapat naman talaga ganun diba kasi yun ang nagiging fuel para makapagbigay siya ng mas magandang performance everytime she will come out on stage.
She was with Sam the whole afternoon since he won't be able to attend the concert. They have wished each other all the best for tonight.
Mommy Divine asked them to gather for the prayer, hudyat na malapit na magsimula.
Isang song and dance production number ang opening. She gave it all as usual.
For her opening remarks," Wow! Ang daming tao. Maraming salamat po. Popsters! Thank you sa walang sawang suporta na binibigay ninyo para sa akin. Sa lahat ng ginagawa ko. Pati na rin sa pagrespeto at pagpapahalaga na meron kayo sa lahat ng mahal ko. Para po sa inyong lahat ang gabing ito."
She sang a medley of all the songs that gathered her multi platinum albums throughout her ten years in the industry. Nasundan pa ito ng mga naglalakihang guest na malaking bahagi din ng pananatili niya sa industriya.
PREMIERE night was a success. Maganda at sobrang nakakatuwa talaga yung movie. Napatunayan nanaman ni Sam at Anne ang lakas ng Chemistry nila.
Sam checked his watched. It's quarter past nine. He took his phone to call someone.
"Hello Mom! How is it?"
"Sam! Heto nasa kalagitnaan na."
"Ganun po ba. Ok po. Hahabol po ako diyan para kahit pano mabati ko sweetheart ko."
"Ok. Hindi pa ba kayo tapos diyan? Ang mommy at daddy mo?"
"They went to the concert na po. Halos patapos na rin naman po dito. Yung dinner na lang po."
"Ok. Sige, ingat ka."
"Thanks Mom. Kayo din po diyan. See you in a while." He ended the call and went to Anne and the rest of the cast and crew.
"O Sam. Di ka pa ba aalis?" Anne asked him as they proceeded to the hall.
"I'm about to. May hinihintay lang ako."
"Sir Sam!" Napalingon si Sam dito.
"Ricky, ready na ba?"
"Opo Sir."
"Sige, susunod na ko."
"Uy, ano yun? Mukhang bigatin ang surprise natin ah."
"She deserves it. I'll go ahead Anne. Enjoy. Nakapagpaalam naman na ako kay Direk."
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin (COMPLETED)
FanfictionAn Ashsam Story: Sa larangan ng pag-ibig, ilang beses ka ba dapat magmahal o masaktan bago mo malaman kung sino ang taong nakatakda para sa iyo? Sapat na bang sigurado ka sa pagmamahal mo sa isang tao para masabi mo na siya na? Maaari bang habang a...