05:05

22 3 1
                                    

05:05

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko ng maramdaman kong may humihimas sa braso ko.

"Jake..." mahinang tawag ko. Kaya agad akong na pabangon dahil sa gulat...

"Si Janna to." Gulat dahil sa akala ko si Jake iyon.

Pag tingin ko kay Jake, ayun tulog pa din. Naka-tulog pala ako sa tabi nya kagabi.

"Hindi na kita ginising kagabi dahil sobrang lungkot ng itsura mo nung natutulog ka." Sabi nya, kaya muli akong na palingon sa kanya.

"Uwi ka na muna. Para makatulog ka na ng maayos. Ako na ang bahala kay kuya." Dagdag nya.

Dahan dahan akong bumaba sa medyo mataas na kama na ito at inayos ang sarili ko.

"Salamat." Sabi ko sa kanya. Kinuha ko na ang bag ko at humakbang na palabas.

"Sara..." nahinto ako at dahan dahang lumingon kay Janna.

"Hmm?" Tanong ko sa kanya.

"Ano kaya kung mag pahinga ka na muna?" Sabi nito.

"Uhm... eto na nga, uuwi na muna ako." Natatawang sabi ko sa kanya.

"No. Hindi iyon ang ibig kong sabihin." Sabi nya.

"Wag mo munang puntahan si kuya. Kasi tignan mo sarili mo oh. Kaka-alaga mo kay kuya... sarili mo na ang napapabayaan mo." Dagdag nito.

"Hindi. Ayaw ko. Okay lang ako, ano ka ba." Pinipilit kong wag alisin ang mga ngiti ko sa labi ko.

"Concern lang ako sayo. Paano kapag gumising si kuya, tas makita nya na ganyan ka? Na mukhang hirap na hirap na. Ano na lang iisipin ni kuya?" Tuloy tuloy nyang sabi.

"Kahit ilang araw lang. Ipahinga mo muna yang puso't isipan mo." Dagdag nya.

Ilang sandali pa ay hindi ko na sya sinagot at umalis na lamang. Pagka-uwi ko ay na ligo agad ako. At nag bihis ng pantulog. Ng makahiga ay na alala ko ang mga sinabi ni Janna.

"Wag mo munang puntahan si kuya. Kasi tignan mo sarili mo oh. Kaka-alaga mo kay kuya... sarili mo na ang napapabayaan mo."

"Concern lang ako sayo. Paano kapag gumising si kuya, tas makita nya na ganyan ka? Na mukhang hirap na hirap na. Ano na lang iisipin ni kuya?"

"Kahit ilang araw lang. Ipahinga mo muna yang puso't isipan mo."

Tama ba sya? Na papabayaan ko ba ang sarili ko? Hindi naman eh... Inaalagaan ko lang ang taong niligtas ako. Ang taong mahal ko. Kaya hindi dapat ako mapagod. Hindi dapat ako mag pahinga.

Paano kapag gumising sya? Tas wala ako sa tabi nya? Ano na lang iisipin nya? Iisipin nya na wala akong kwenta! Na matapos nya akong iligtas, iiwan ko na lang sya. Baka isipin nya na hindi ko sya mahal! Ayaw ko ng ganon!

Kakaisip ko ay naka-tulog na ako. Na gising ako na gabi na, at ramdam ko ang sobrang gutom. Kaya dumiretso akong kusina.

"Oh anak? Gising ka na pala. Kumain ka na." Sabi ni nanang.

"Si Susy po?" Tanong ko.

"Maagang naka-tulog. Patulog na din sana ako at gigisingin muna kita. Kaso gising ka na pala." Sabi ni nanang.

"Ah, ganon po ba. Sige po nang, matulog na po kayo." Sabi ko kay nang.

Dumiretso na akong kusina at nag hanap ng makakain. Habang kumakain ay nag titingin ako ng mga tweets.

'Okay lang na hindi matupad, basta alam mo lang.' -11:11

'Kung nakaka-yaman lang sana ang pag-hiling sayo, bilyonaryo na ako!' -11:11

'Asang asa na nga ako sa kanya, pati ba naman sayo?' -11:11

Na painom naman ako ng tubig dahil sa mga na basa kong tweets. Pag tingin ko sa orasan 11:11 pm na pala. Ilang sigundo lang ay nag 11:12 pm na.

Mga tao nga naman! Patuloy pa din ang paniniwala dyan sa 11:11 na yan! Tsk!

Matapos kong kumain at hugasan ang mga pinagkainan ko ay bumalik na akong kwarto. Hinanap ko ang ipod ko sa bag at na upo sa kama ko.

Pinlay ko ang isa sa mga naka-favorite song dito sa ipod.

"Lift your head
baby don't be scared
of the things that could
go wrong along your way."

Na pangiti ako ng marinig ko ito. Palagi nya itong kinakanta sa akin kapag nag di-date kami.

"You'll get by with a smile
you can't win at everythin'
but you can try."

Kinuha ko ang unan ko at niyakap ito.

"Baby you don't have to worry
coz there ain't no need to hurry
no one every said there'll be
an easy way."

Na alala ko ang bawat matatamis na ngiting ibinibigay nya palagi sa akin noon.

"When they're closin
all their doors
and they don't want you anymore
it sounds funny but i'll say
it anyway
girl i'll stay."

Kapag punong puno ako ng galet at mga insicurities sa sarili ko, ang dami nyang paraan para mawala lahat ng yon.

"Through the bad times
even if i have
to fetch you everyday
you'll get by if you smile
you can never be
too happy in this life."

Kapag hindi ako nakangiti, ilang sigundo lang magagawa na nya akong pangitiin o pasayahin...

Si 11:11 (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon