03:03

24 3 0
                                    

03:03

"Oh, anak kamusta na si Jake?" Tanong ni nanang habang nag aalmusal kami.

"Ganon pa din po ang lagay nya, nang." Sagot ko at uminom ng tubig.

"Natutulog pa din si kuya Jake, ate?" Tanong naman ni Susy.

"Oo susy, mahimbing pa din na natutulog si kuya Jake mo." Sagot ko sa kanya.

"Ano ba yan. Excited na akong i-kwento sa kanya sila Iron man." Sabi nya at na pa-pout.

"Pwede mo namang kwentuhan si Kuya Jake kahit natutulog sya eh. Malay mo, magising sya dahil sa kwento mo." Sabi ko sa kanya.

"Talaga ate?" Masayang tanong nya, saglit akong lumingon kay nanang.

"Oo naman." Sabi ko sa kanya, kaya agad na nyang inubos ang almusal nya.

"Pero mamayang gabi pa. Kasi sila mommy nya muna ang nag kukwento sa kanya ngayon." Sabi ko sa kanya.

"Okay lang ate. Basta makwentuhan ko lang si kuya Jake." Masaya nyang sabi. Kaya tumango-tango na lamang ako.

Mabilis na lumipas ang oras at mag gagabi na. Pinag handa kami ni nanang ng babaunin namin ni Susy. "Salamat nang." Sabi ko. Matapos namin syang yakapin ni Susy ay umalis na kami.

Gamit pa din namin ang bike ko. "Hinihintay ka nila mommy." Sabi ni Janna ng makita ako.

Iniwan ko muna sa kanya si Susy at pumasok na sa loob ng kwarto. "Good evening po." Bati ko.

"Iha." Tawag naman ni tita sa akin.

"May hihingiin sana akong pabor." Sabi ni tita, tumango-tango naman agad ako.

"Kahi ano po." Sabi ko sa kanya.

"Umuwi ka kaagad mamayang 12. At hayaan mo munang si Janna ang mag alaga kay Jake. Pero bukas, agahan mo ang pag punta dito." Sabi nito.

"Bakit po?" Pagtataka ko.

"Bibisitahin namin si Mama, sa may cebu bukas. Kaya hindi namin maaalagaan bukas si Jake." Sagot nito.

Tumango-tango naman ako. "Okay lang ba sayo?" Tanong nya.

"Okay lang po." Sagot ko naman.

"Salamat." Sabi naman ni tito. Niyakap na nila ako, "Mag-iingat po kayo." Sabi ko sa kanila at umalis na sila.

Kasabay nito ang pag pasok ni Susy. Inayos ko na ang table at inilagay doon ang baon namin ni Susy.

"Ate, pwede ko na ba syang kwentuhan?" Tanong ni Susy.

"Ayaw mo ba munang kumain?" Tanong ko. Umiling naman sya.

"Busog pa po ako. Mauna ka na ate. Kukwentuhan ko na muna si kuya." Sagot ni Susy.

"Okay, sige." Agad namang umupo si Susy sa may upuan sa gilid ni Jake at tinignan si Jake.

"Oh mahal, kukwentuhan ka daw ni Susy. Makinig ka ha." Sabi ko at na upo na din para kumain.

Nag simula na akong kumain at nag simula naman ng mag kwento si Susy.

"Grabe kuya, ang galing ni Iron man. Tapos gwapo din! Kahit na sinasabi ni ate na ang tanda na daw non." At sinamaan ako ng tingin ni Susy. Kaya na pailing na lang ako.

"Tapos kuya, si Thor? Ay grabe! Ang gwapo din. Sa kalawakan sya nang-galing!" Patuloy nya.

"Pinaka-gwapo sa kanila kuya si Steve a.k.a si Captain america!" Matapos mag kwento ni Susy ay sinabihan ko na syang kumain.

Habang kumakain, "Ate?" Tawag nya.

"Hmm?" Tanong ko naman.

"Anong oras na?" Tanong nya. Na patingin naman ako sa phone ko.

"11:11 pm." Sagot ko at tumingin sa kanya.

"11:11, sana kasama ko na si kuya Jake manood ng avengers." Sabi nito. Na pailing na naman ako. Humiling na naman sya kay 11:11!

"Kumain ka na nga dyan." Sabi ko sa kanya. At sinunod naman nya ako.

Matapos kumain ni Susy ay naka-iglip sya. At muli ko ng kinausap si Jake.

"Oh ano mahal? Na gustuhan mo ba ang kwento sayo ni Susy?" Tanong ko habang sinusuklay ang buhok nya.

"Paboritong paborito nya yang sila Iron man. Gustong gusto na din nya iyon i-kwento sayo. Ngayon ko lang sya na dala dito. Sorry mahal." Patuloy ko pa din.

"Na alala ko lang mahal..." sabi ko habang nakatingin pa din sa kanya.

"Tinanong kita kung sino ang paborito mong super hero noon diba?" Tanong ko.

"Tapos sinagot mo, wala kang paborito." Sabi ko.

"Kasi sabi mo... ako lang ang paborito mo sa lahat." Na pangiti ako ng maalala ko iyon. Dahil bigla nya akong niyakap ng sobrang higpit ng sinabi kong ang corny nya.

"Mahal..." tawag ko sa kanya.

"Pinaparating ng paborito mo na... gu-gumising ka na daw. Miss na miss ka na n-nya eh." Sabi ko. At dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa pisngi nya at hinalikan iyon.

"Miss na miss na k-kita..." sabi ko kasabay ng pag patak ng luha ko.

Si 11:11 (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon