09:09

18 3 0
                                    

09:09

Umaapaw na galet agad ang naramdaman ko. Kinuha ko ang kulay pula at itim na pintura at agad nag pinta!

Kung ano ano ang pumasok sa isip ko, habang patuloy akong nag pipinta! Ilang oras ay na paupo ako sa sahig at humagulgol na.

Puro si Jake ang na sa isip ko! Mga dahilan kung bakit sya na coma! Tama sya! Kasalanan ko 'to! Kasalanan ko lahat! Ako ang may kagagawan nito! Dahil masyado akong nag pakabayani! Ako dapat yung na sa posisyon nya ngayon! Kasalanan ko!! Ang tanga ko!!

Na isandal ko ang likod ko sa may kama ko at pinag masdan ang painting ko. Magulo. Puro pula. At itim.

Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag hindi pa din nagising si Jake. Mababaliw na ako! Pinilit kong alalahanin ang mga masasayang alaala naming dalawa.

Flashback...

"Alam mo mahal, iniisip ko na kung ano ang magiging future natin." Sabi nya habang naka-upo ako dito sa may damuhan sa park at naka-higa sya at naka-patong ang ulo nya sa may lap ko.

"Anong klaseng future naman?" Sabi ko habang sinusuklay ang buhok nya.

"Pagka-kasal natin diretso tayong paris. Mga tatlong araw lang tayo don. Tas sunod disney land. Basta mahal, tatravel tayo!" Sabi nya at tumingin sa akin.

"Tapos?" Sabi ko naman.

"Syempre bubuo na tayo ng pamilya. Ilang anak ba gusto mo mahal?" Tanong nya.

"Dalawa lang." Sagot ko, kaagad naman syang na pabangon at tinignan ako ng naka-kunot ang noo.

"Bakit dalawa lang!?" Gulat na tanong nya.

"Isang lalaki tas isang babae." Sagot ko sa kanya.

"Haaaays! Paano yan mahal? Gusto ko dose." Sabi nya at na pasampal sa noo nya.

"Jusmiyo naman mahal! Ang dami naman." Sabi ko sa kanya.

"Mahal, madami pero masaya. 11 na lalaki tapos isang babae. Gusto ko, bunso yung babae. Para sya ang prinsessa namin ng mga lalaki mong anak, at ikaw ang reyna namin." Sabi nya at niyakap ako ng mahigpit.

"Masaya nga yon mahal. Sige ha, ikaw ang manganak." Sabi ko sa kanya at itinulak ang mukha nya. Kaya tawa naman sya ng tawa.

"Tapos mahal, magkakaroon tayo ng basketball court sa bahay natin. Gusto ko mansion ang bahay natin!" Patuloy pa din sya sa pagkukwento.

"Nga pala mahal, gusto ko sa iba't ibang bansa natin gagawin ang mga anak natin." Sabi nya, agad ko naman syang piningot.

"Bahala ka mahal. Ikaw naman manganganak eh!" Sabi ko sa kanya.

"Mahal, ayaw mo non? Madami mas masaya nga!" Sabi naman nya.

"Malolosyang ako sayo eh." Sabi ko sa kanya at inirapan sya. Agad naman nya akong niyakap muli.

"Mahal... malosyang ka man o tumanda ka man... mahal na mahal pa din kita." Paglalambing nya.

"Ewan ko sayo." Natatawang sabi ko sa kanya.

End of flashback.

Matapos kong umiyak ng umiyak ay nag pasya na akong maligo uli. Pag kabihis ko ng pantulog ay humiga na ko at niyakap ang isa ko pang unan.

"Miss na miss na kita..." bulong ko sa sarili ko at ipinikit na ang mga mata ko.

Kinabukasan, tinext ako ni Janna na kung pwede kaming lumabas mamayang gabi. Pumayag naman ako.

Mabilis lumipas ang oras, ng sumapit ang gabi ay nag ayos na ako. Matapos ay pumunta na ako sa isang restaurant kung saan gustong makipag-kita ni Janna.

"Order muna tayo." Sabi nya. Tumango naman ako, hinayaan ko na lang na sya na ang umorder ng kakainin namin.

"Kamusta sya?" Tanong ko matapos naming umorder.

"Ganoon pa din ang lagay nya." Sagot nya.

"Sila tita?" Tanong kong muli.

"Kinakamusta ka nila." Sagot nya, tumango-tango naman ako.

"Kamusta ka na nga ba?" Tanong nya.

"Ganoon pa din. Wala pa ding nag babago, malungkot, at sobra sobra ko ng namimiss si Jake." Sabi ko sa kanya.

"Pasensya na kung hiniling ko sayo ito. Alam mo namang para din naman sayo to eh." Sabi nya, ngumiti na lamang ako bilang pag sagot.

Dumating na ang pagkain namin, at nag simula na kaming kumain. Ikinuwento ko kay Janna ang na ganap sa bar kung saan isinama ako nila Pia.

Pati na din doon sa babae na si Trixie, kilala iyon ni Janna. Halos nag patulong daw kasi ito kay Janna para maging sila ni Jake. Pero hindi daw pumayag si Janna. Ayaw nya daw kasi na pinakakailaman nya ang buhay pag-ibig ni Jake.

"Tsaka gusto ko kasi talaga ikaw para kay Kuya nung first time nating magkita." Dagdag nya. Na pangiti na lamang ako sa sinabi nya.

Si 11:11 (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon