06:06

19 3 0
                                    

06:06

Hindi ko na namalayan ang tuloy tuloy na pag patak ng mga luha ko. Siguro nga tama si Janna, dapat muna akong mag pahinga.

Para kapag na gising si Jake, hindi nya makita na naging pabaya ako sa sarili ko.

Kinabukasan ay hindi nga ako bumalik ng hospital. Tinext ko na din si Janna, na tama sya. Kailangan kong mag pahinga. At masaya naman sya kasi pumayag ako.

Nag kulong lang ako sa kwarto ko, lumalabas lang ako ng kwarto ko kapag kakain ako.

Pinakikinggan ko lang ang mga kanta sa ipod namin ni Jake. Pinapanood ang mga videos namin na naka-save sa laptop ko. Mga pictures sa phone ko. Hindi ko kasi talaga kaya na lumipas ang isang araw na hindi ko nakikita ang mukha ng mahal ko.

*Kring Kring*

Kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tumatawag na si Pia.

"Hello?" Tanong ko kaagad.

"Hey Sara, we're here." Sabi nito, na pa-upo ako sa kama ko ng marinig ko iyon.

"Huh? Saan?" Tanong ko.

"Sa labas ng bahay nyo." Agad akong lumabas ng kwarto ko ng sabihin nya ito.

Dire-diretso akong lumabas. Pagka-labas ko ay may dalawang kotseng naka-parada sa harap ng bahay namin. Ikinaway ni Pia ang kamay nya habang hawak ang phone nya. Lumapit ako sa kanya.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko.

"Mag bihis ka na." Pag babalewala nya sa sinabi ko.

"Huh? Bakit?" Na guguluhang tanong ko.

"Sinabi sa amin ni Janna ang lahat." Sagot nito.

"Okay lang ako, sige na." Sabi ko naman.

"Oh c'mon Sara, kailangan mong libangin ng kaunti ang sarili mo." Sabi naman ni Norman.

"Dali na Sara, kahit ngayon lang." Sabi naman ni Pia.

Wala na akong na gawa, pumasok na lang uli ako ng bahay at nag bihis na. Nag paalam ako kay nanang na sasama ako kela Pia, at lumabas na.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Pia pagka-sakay namin sa isang kotse.

"Iinom?" Hindi nya siguradong sagot.

"Hindi ako umiinom." Sabi ko sa kanya.

"Edi juice." Natatawa naman nyang sagot. Hindi na ako nag salita pa at hinintay na lang na makarating kami.

"Just enjoy, okay?" Sabi sa akin ni Pia ng makarating na kami.

"Comatose ang boyfriend ko tapos gusto mong mag enjoy ako?" Sabi ko sa kanya.

"Oh c'mon Sara! Ikaw na ang nag sabi, comatose sya. Hindi sya patay! Wag kang mag luksa." Sabi ni Pia at na una ng pumasok sa loob ng bar.

"Pag pasensyahan mo na sya." Na patingin naman ako kay Jerome na nakatayo na pala sa tabi ko.

Ngumiti na lang ako at pumasok na kami sa loob. Isang na pakalakas na music agad ang bumungad sa akin. Ang amoy ng mamahaling sigarilyo ay agad dumaan sa pang-amoy ko.

Na patingin ako kay Jerome ng hilain nya ako papunta sa may barista.

"Juice, lemon." Sabi agad ni Jerome doon sa lalaking barista. Tumango naman sya at hinanda na ang sinabi ni Jerome.

Umupo na kami ni Jerome sa stool, "Dance floor." Medyo malakas na sabi nila Norman sa amin at umalis na.

"Dapat talaga di na ako sumama, imbis na nakiki-party ka na din eh andito ka naka-upo kasama ako." Sabi ko sa kanya. Umiling naman agad si Jerome.

"Nah, it's okay." Sagot nya at saktong ibinigay na din sa akin ang juice.

"Jerome?" Sabay kaming na palingon sa babaeng nag salita.

"Hey Trexie." Sabi naman ni Jerome at nag beso-beso sila.

"How are you?" Tanong nung Trexie.

"I'm fine, you?" Sagot naman ni Jerome.

"Fine too." Sagot naman nito.

"Oh, anyway ahm Trexie meet Sara." Na patingin naman sa akin yung Trexie ng sabihin ito ni Jerome. Inalok nya ang kamay nya at tinanggap ko iyon.

"Girlfriend mo?" Tanong nya matapos naming mag shake hands, sabay naman kaming na iling.

"No. Jake's girl." Sagot nito.

"Oh. I heard Jake is in Coma?" Sabi naman nya at tumingin sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.

"How is he?" Halatang nag aalala din sya. Kilala nya ang mahal ko? Kaibigan din siguro sya.

"Comatose pa din." Sagot ko sa kanya.

"Don't worry, tutulong ako sa pag-dadasal na magising na sya." Sabi nya sa akin. Ngumiti naman ako,

"Thank you." Sabi ko sa kanya.

"Wala 'yon. He's a good friend... So, i have to go." Sabi nya, nag paalam na sya at umalis na.

"Kaibigan din namin sya. Well, before nag kagusto sya kay Jake. Pero kaibigan lang ang tingin ni Jake sa kanya." Sabi agad ni Jerome pagkatingin ko sa kanya.

Tumango-tango naman ako.

"11:11, please tawagan mo na ako!" Na palingon ako sa isa ko pang katabi na babae.

May iilang bote ng beer sa harapan nya at naka-tingin sya sa phone nya. Lasing na lasing sya!

"Please naman oh." Sabi nya habang nakatingin pa din sa phone nya. At tumungga doon sa hawak nyang bote ng beer.

"Ikaw na lang ang hindi pa humihiling kay 11:11." Na patingin naman ako kay Jerome. Na pailing na lang ako habang nakangiti sa kanya.

Si 11:11 (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon