Katapusan
Hinayaan na lang pala kami non nila Janna nung mga oras na iyon. Halos hindi na nila ako magawang alisin sa tabi ni Jake nung gabing 'yon.
Ipinaliwanag sa akin ng doctor na kadalasan iyon nangyayare. Na gigising ang pasyente para lang mag paalam. Pero ang iba ay na tutuluyan na. Dapat pa din kaming mag pasalamat. Lalo na ako... dahil na kapag paalam sya sa akin ng maayos. Kahit na paka-sakit sa akin!
Kinausap ako nila tita at tito. Nag papasalamat sila dahil nakilala ako ng anak nila. Dahil minahal ko ang anak nila. Dahil kahit na na comatose sya ay hindi ko pa din sya iniwan. Hiniling nila na sana hindi iyon ang huli naming pagkikita. Nangako naman ako na bibisitahin ko din sila at hinding hindi ko sila kakalimutan.
Napa-buntong hininga ako.
Natupad ang 11:11 wish ko. Ako yung taong hindi naniniwala sa kanya, pero dahil sa mahal ko na gawa ko syang paniwalaan. Alam kong hindi naman ang 11:11 ang tumupad ng hiling ko, kundi ang panginoon. Dapat pa din akong mag pasalamat... kasi na kausap ko sya sa huling pagkakataon.
Sa araw ng libing ni Jake ay andoon sila Pia. Kinausap ako ni Pia, humingi sya ng tawad sa akin dahil sa mga sinabi nya sa akin nung gabing iyon.
Hindi ako na hinto sa pag-iyak. Halos oras oras na akong umiiyak. Ni-hindi nga ako natutulog kapag gabi, palagi ko lang tinitignan at pinapanood ang mga pictures at videos namin.
Oo, ang sakit sakit! Sobra sobra! Pero kailangan kong tanggapin. Dahil ayun ang dapat gawin.
Nag pasya si nanang na iuwi akong probinsya upang makapag-bakasyon. At mai-relax ang sarili ko matapos ang nangyaring pagkawala ng mahal ko.
'Mahal... kung nasaan ka man ngayon sana masaya ka. At kung iniisip mo pa din ako? Wag na, okay? Magiging okay din ako. Hindi pa ngayon, pero balang araw... hihilom din itong sakit na nararamdaman ko. Mahal na mahal kita! Sobrang mahal!' Sabi ko sa isipan ko habang nakatingin sa langit.
Sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko ng mawala si Jake. Hindi ko alam kung saan mag sisimula uli. Isang buhay na... walang Jake sa tabi ko. Mahirap! Lalo na kung araw araw na sa tabi ko sya. Pero kailangan eh. Nag paalam sya ng maayos, para maging maayos din ako.
Ano man ang mangyari, hinding hindi sya makakalimutan ng puso ko. Sobrang pasasalamat ko sa kanya, dahil iniligtas nya ako. Pati na din yung batang kasama ko na iniligtas nya din.
"Nag eemote ka na naman a!" Na palingon ako sa pinsan kong lalaki. Ngumiti na lamang ako.
"Namimiss mo uli sya?" Tanong nya.
"Palagi naman eh." Sagot ko ng di na nakatingin sa kanya.
"Hindi man naging maganda ang katapusan ng storya nyo. Atleast nagkaroon kayo ng napaka-raming magagandang ala-ala ni Jake." Sabi nya, na pangiti naman ako doon.
"Maganda kasi ako." Pagbibiro ko kaya agad nyang ginulo ang buhok ko.
"Halika na at kakain na tayo!" Sabi nya, tumango naman ako. At pumasok na sa loob.
~*~
THE END!!!
A/N: SALAMAT SA PAG SUPORTA NG ISTORYANG ITO!! :)
I-PLAY NYO PO ANG KANTANG I'LL NEVER GO BY ERIK SANTOS SA CHAPTER 11:11 :) Para mas dama!!
Follow me on...
Instagram: @_wtfct
Twitter: @_wtfctTHANK YOU SOOOO MUCH GUYS. :*
~*~
PLEASE PAKI-SUPORTAHAN DIN PO ANG IBA KO PANG STORIES...
"OUR HAPPY ENDING"
"MISERY"
And also my Spoken Words Poetry "BEHIND"
BINABASA MO ANG
Si 11:11 (Short Story)
RomansHindi ako na niniwala sayo. Kahit pa na halos lahat ng tao, pinaniniwalaan ka. Bakit ko i-aasa sayo ang mga bagay na hindi mo kayang gawin? Bakit ako sasama sa kanila at paniwalaan ka?